Ang Panlipunang Aspeto ng Islam

Ang Islam ay nagpanukala ng Islamikong batas na nagbigay ng mga karapatan at tungkulin sa mga kasapi ng lipunan upang makatiyak ng pagkakaroon ng matatag na lipunan. Ang mga ibang karapatan at tungkuling ito ay maaaring pangkalahatan o natatangi. Ang mga natatanging tungkulin ay binubuo ng mga sumusunod:

Tungkulin ng Mamamayan sa Tagapamahala (Namumuno):

  • Dapat sumunod ang mga Muslim sa Namumuno hanggat hindi sila inuutusan na gumawa ng mga bagay na ipinagbabawal ng Islam. Ang Allah ( y) ay nagsabi ; O kayong mananampalataya! Maging masunurin sa Allah at maging masunurin sa Sugo (Muhammad) at yaong nasa katungkulan (kapangyarihan)… (Qur‘an 4:59)
    Ang mga tungkulin ay; Ang maging masunurin sa namumuno maliban kung ang ipinag-uutos ay salungat sa batas ng Islam
  • Nararapat magbigay ng matapat na payo o suhestiyon sa paraaang kagalang-galang at mahinahon tungkol sa mga bagay na makakatulong sa kanya at kapaki-pakinabang sa mga mamamayang kinasasakupan niya. Ang Allah ( y) ay nag-utos kay Moises at sa kapatid nitong si Aaron nang isugo sila kay Paraon na kung maghahatid sila ng mensahe tungkol sa relihiyon: Ang Allah ( y) ay nagsabi: At mangusap sa kanya nang malumanay, sa gayon ay maaari niyang tanggapin ang babala o magkaroon ng takot sa Allah. (Qur‘an 20:44)

    Ang Propeta ( s) ay nagsabi ; Ang Deen ay katapatan,‘ Sinabi namin sa kanya, ‗Kanino ?‘ Sinabi niya, ‗Sa Allah, sa Kanyang Aklat, sa Kanyang Sugo, at sa mga lider ng mga Muslim at sa kanilang kapwa. (Muslim)

  • Ang makipagtulungan at mag-alalay sa namumuno sa panahon ng kahirapan o karukhaan at huwag maghimagsik laban sa kanya o iwanan siya, kahit na ang isa mula sa grupo ay hindi nagbigay ng kasunduan sa kanya. Ang Propeta ( s) ay nagsabi: Kung may isang taong dumating habang kayo ay nagkakaisa sa ilalim ng pamumuno ng isang lider at siya ay nais gumawa ng kaguluhan o sirain ang inyong pagkakaisa, ito ay inyong patayin. (Muslim)

Ang Tungkulin ng Namumuno sa Kanyang Kinasasakupang Mamamayan:

    Ang karapatan ng mga mamamayan o ang tungkulin ng namumuno sa kanyang mamamayan ay maaaring ilahad sa limang bagay:

  • Ganap na Katarungan. Ito ay makakamtan sa pamamagitan ng pagbibigay sa lahat ng mamamayan na kaukulang karapatan. Ang namumuno ay kailangang pantay sa pangangalaga ng karapatan ng kanyang mamamayan. Ang pagsasagawa ng kanyang mga tungkulin at paghahati o pagbabahagi ng gawain at pagpapatupad ng mga alituntunin at pagpapasiya---ang lahat ng mga ito ay kailangang pantay sa kanyang paningin. At hindi niya binigyan ng higit na pangangalaga ang ilang pangkat ng mamamayan kaysa sa iba. Ang Propeta ( s) ay nagsabi: Katotohanan ang pinakamahal ng Allah at pinakamalapit na nakaupo sa Kanya sa Araw ng Pagbabayad ay yaong makatarungang pinuno. At tunay na ang pinakamasama at pinaka-kinamumuhian Niya sa Araw ng Pagbabayad at siya ang makakalasap ng pinakamasakit na parusa ay ang hindi makatarungang pinuno. (Tirmidhi)
  • Dapat siyang sumangguni sa kanila tungkol sa lahat ng kanilang gawaing kaugnay ng politikal, panlipunan at pangkabuhayan61 . Pahintulutan sila na magbigay ng magagandang kuro-kuro ng may kalayaan at tanggapin ang kanilang mga payo kung ito ay makapagbibigay ng kabutihan sa lahat. Ang Allah ( y) ay nagsabi; At sa habag ng Allah, (o Muhammad) makipag-ugnayan sa kanila ng mahinahon. Kung ikaw ay naging mabalasik at matigas ang puso, sila ay maaaring lumisan sa iyo, kaya‘t pagpaumanhin ang kanilang mga kakulangan at humingi ng kapatawaran sa Allah para sa kanila at sumangguni sa kanila hinggil sa kanilang gawain… (Qur‘an 3:159)

    Nang panahon ng digmaan ng Badr, ang Sugo ng Allah ( s) ay huminto sa isang malapit na bukal ng Badr, isa sa kanyang kasamahan (si Hubab Ibn Al Mundhir, ( d)) ay nagtanong sa kanya: ―Binigyan ka ba ng Allah ( y) ng inspirasyon na piliin ang lugar na ito o ito ay isa lamang istratediya ng digmaan?‖ Ang Sugo ng Allah ( s) ay sumagot; ―Ito ay isang istratediya ng digmaan. Si Hubab ay sumagot‖, ‗Ang lugar na ito ay hindi mainam, humayo tayo roon at gumawa tayo ng kampo sa pinakamalapit na bukal ng kaaway. Inayunan ng Sugo ng Allah ( s) ito at kanila itong isinagawa

  • Ang Islamikong Batas (Shari‘ah‘) ay dapat maging batayan ng pagpapasiya at ang saligan, upang maiwasan ang anumang pangsariling hangarin. Si Omar Ibn Khattab ( d) pagkaraang tanggapin ang pamumuno bilang Kalifa ay nagsabi kay Abu Maryam Al-Saluli na pinatay ang kapatid (ni Omar) na si Zaid Ibn Khattab, ( d) bago yumakap sa Islam Isinusumpa ko sa Allah, hindi kita gusto hanggang ang lupa ay maging katulad ng dugo. Si Saluli ay nagtanong: Ipagkakait mo ba sa akin ang aking mga karapatan ng dahil dito? Si Omar ay sumagot, Hindi Si Saluli ay nagsabi; ―Walang anuman sa akin, babae lamang ang nalulungkot kung sila ay hindi gusto.
  • Hindi niya dapat itago ang kanyang sarili o isara ang kanyang pintuan at hindi niya dapat matahin ang sinumang tao at hindi siya dapat maglagay ng isang tagapamagitan niya at ng mga tao. Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: Sinuman ang pinili bilang pinuno o ‗khalifa‘ at pagkaraan ay lumiban sa kanyang tungkulin, pinabayaan ang pangangailangan at kahirapan ng mga tao, pababayaan ng Allah ang kanyang pangangailangan at paghihirap sa Araw ng Paghuhukom. (Tirmidhi)
  • Dapat siyang maging maawain sa kanyang mga kinasasakupang mamamayan at hindi niya dapat bigyan ng mga gawain ang sinumang hindi nito makakayanan at huwag higpitan sa kanilang pamumuhay. Ang Propeta ( s) ay nagsabi: O Allah, kung sinuman ang nabigyan ng katungkulan upang mamuno sa aking pamayanan at ginawang mahirap ang mga bagay sa mga tao, magkagayon gawin mo ring mahirap ang mga bagay para sa kanya, at kung sinuman ang nabigyan ng katungkulan upang mamuno sa aking pamayanan at ginawang magaan ang mga bagay para sa mga tao, magkagayon maging mabait Ka sa kanya. (Muslim)

    Si Umar Ibn-ul-Khattab ( d) ay nagpahiwatig sa kahalagahan ng aspetong ito sa pamamagitan ng pagsabi niya: Isinusumpa ko sa Allah, kung ang isang asno ay naglakbay at nahulog sa Iraq, ako ay nangangamba na tanungin ng Allah kung bakit hindi ko pinatag ang daan para dito.


    Ang namumunong Muslim ay kailangang katulad ng pagkakalarawan mula sa liham na ipinadala ni Imam Al Hassan Al Basri ( d) kay Omar Ibn Abdul Aziz ( d) na nagsasabing:

    O, Pinuno ng mga Muslim, alalahanin na pinahintulutan ng Allah ( y) na ang isang pinuno ay maging tagapagtanggol laban sa mandaraya, ang tagapagpigil laban sa nang-aapi, ang tagapagtuwid laban sa katiwalian, ang nagbibigay lakas para sa mga mahihina at katarungan sa mga naaapi, at tagapag-alaga para sa mga nangangailangan.

    O, Pinuno ng mga Muslim, ang makatarungang pinuno ay katulad ng pastol na mabait sa kanyang mga kawan at naghahanap siya ng pinakamagandang lugar ng pastulan at tinataboy silang palayo mula sa mapanganib na pook at sa mga mababangis na hayop at kinakalinga sila mula sa anumang panganib.

    O, Pinuno ng mga Muslim, ang makatarungang pinuno ay katulad ng maalalahaning ama na nagpapakahirap para sa kapakanan ng kanyang mga anak, pinag-aaral at tinuturuan habang sila ay lumalaki. Siya ay naghahanap-buhay para sa kanilang pagkain habang siya ay nabubuhay at mag-iiwan ng kayamanan (ari-arian) pagkamatay.

    O, Pinuno ng mga Muslim, ang makatarungang pinuno ay katulad ng ina na mapagmahal sa kanyang anak. Tinataguyod niya ito sa kahirapan at iniluwal ito sa hirap. Tinatangkilik niya ito habang bata pa, gising sa gabi kung hindi makatulog ang anak at siya ay matutulog lamang kung tulog ito. Pinapakain sa ilang panahon at aawatin (sa pagsuso) sa ibang panahon. Siya ay maligaya kung malusog ang anak at siya ay nababahala kung siya ay maysakit.

    O, Pinuno ng mga Muslim, ang makatarungang pinuno ay tagapagbantay ng mga ulila at tagapangalaga ng mga nangangailangan, siya ay nangangalaga sa mga kabataan at tagapanustos ng mga matatanda.

    O, Pinuno ng mga Muslim, ang makatarungang pinuno ay katulad ng puso na malapit sa tadyang, kapag ang puso ay malusog ang mga tadyang ay malulusog nguni't kung puso ay may sakit ang mga tadyang ay lumalaking hindi malusog.

    O, Pinuno ng mga Muslim, ang makatarungang pinuno ay tumatayo sa pagitan ng Allah ( y) at ng Kanyang alipin. Naririnig niya ang salita ng Allah ( y) at ito ay ipinalalaganap niya sa mga tao. Umaasa sa Allah ( y) mula sa kanyang puso at ginagawa silang umasa sa Allah ( y), sumusuko ng kanilang kalooban sa kanilang Panginoon at pinapatnubayan sila tungo sa Allah ( y).

    O, Pinuno ng mga Muslim, huwag kang tumulad sa isang aliping pinagkalooban ng Allah ( y) ng tiwala ng kanyang kayamanan at pamilya nguni't nilustay ang kayamanan at ginawang nagdarahop at kaawa-awa ang kanyang mga anak.

    Alam mo, O Pinuno ng mga Muslim, ang Allah ( y) ay nagtakda ng mga parusa upang maging babala laban sa makasalanan at kasamaan. Paano kung ang isang pinuno ay nakagawa ng kasalanan na nararapat ang kaparusahan? Ang kaparusahan ay pinangangalagaan ang buhay ng mga tao, paano kung ang namumuno ay nakapatay?

    O, Pinuno ng mga Muslim, alalahanin ang kamatayan at kung ano ang kahihinatnan sa kabilang buhay, at ang ilan sa mga nagtatanggol (sa iyo sa harap ng kamatayan), kaya maglikom ka ng anumang panustos mo at humanda ka sa sindak na susunod dito.

    O, Pinuno ng mga Muslim, dapat mong malaman, na bukod sa iyong kasalukuyang tinutulugan, mayroon pang isang tulugan (libingan) na ikaw ay matutulog sa mahabang panahon at ang iyong mga kaibigan ay malalayo sa iyo at ikaw ay iiwanan sa malalim na kalagayang iyon. Samakatuwid, likumin ang lahat ng iyong mga panustos na siyang makakasama at magiging patnubay mo. Sa araw na ito, ang tao ay tatakas sa kanyang sariling kapatid, at sa kanyang ina at sa kanyang ama, at sa kanyang asawa at sa kanyang mga anak. (Qur‘an 34-36)

    O Pinuno ng mga Muslim, alalahanin mo ang salita ng Allah ( y); Hindi Niya batid na kapag ang mga taong nakalibing ay muling bubuhayin, at ang lihim ng dibdib (ng mga tao) ay mabubunyag. (Qur‘an 100: 9-10)

    Sa araw na iyon ang mga lihim ay mabubunyag at pati na ang mga gawain mong nakatala; …Anong uri ng Aklat ito na hindi nakaligtaan ang anuman, maging ang mga maliliit at malalaking bagay, datapwa‘t nagtala ito ng maraming bilang… (Qur‘an 18:49)

    O Pinuno ng mga Muslim, ngayon ay mayroon ka pang panahon bago maglaho ang pag-asa (bago sumapit ang kamatayan), at ang lahat ng pag-asa ay maglaho o mawala (upang gumawa ng mga kabutihan).

    O, Pinuno ng mga Muslim, ikaw ay maghusga sa pagitan ng iyong mga mamamayan batay sa batas ng Islam, at huwag silang patnubayan tungo sa paggawa ng kasamaan. Huwag bigyan ng katungkulan ang taong mapagmataas, sapagkat hindi sila magbibigay sa isang mananampalataya ng kasunduan upang hindi mo pasanin ang bigat ng kasalanan ng iba. Huwag kang padaya sa mga ibang nagtatamasa ng mga bagay na maghahatid sa iyong kasiphayuhan, at tinatamasa ang mga mabubuting bagay nguni't pinagkakait ang lahat ng kabutihan sa kabilang buhay. Huwag mong isipin ang kapangyarihan mo sa ngayon, nguni't alalahanin ang kinabukasan kapag ikaw ay bilanggo na ng kamatayan, nakatayo ka sa Araw ng Paghuhukom sa harap ng Allah ( y); sa kinaroroonan ng mga anghel, mga Propeta at mga sugo na ang;… At ang lahat ng mga mukha ay mangangayupapa sa harapan (ng Allah), ang Namamalaging Buhay, ang Tagapanustos at Tagapangalaga ng lahat… (Qur‘an 20:111)

    O, Pinuno ng mga Muslim, hindi ko pa naaabot ang antas ng isang matalinong tagapagpayo. Nguni't ginawa kong lahat ang pinakamabuti para sa iyo. Kaya tanggapin mo ang aking mensahe bilang gamot na ipinagkakaloob ng isang mapagmahal na tao sa kanyang mahal na kaibigan… bagamat mayroong pait na lasa, sa pag-asang ito ay makapagpapagaling.

    Sumaiyo nawa ang Awa at Pagpapala ng Allah ( y).

Ang Karapatan ng mga Magulang

Ang mga anak ay nararapat na sumunod sa kanilang mga magulang at ang pagtalima sa kanilang kautusan ay dapat gampanan maliban lamang kung ang kanilang kautusan ay nagpapahiwatig na pagsuway sa batas ng Allah ( y). Ang mga anak ay nararapat na maging mabait at mapagmahal at matulungin sa kanyang mga magulang at ipagkaloob sa kanila ang mga pangangailangan kabilang na ang pagkain, damit at pamamahay. Ang mga anak ay dapat makipag-usap sa kanila ng may lakip na pagmamahal at paggalang at pagpapakumbaba. Sila ay dapat paglingkuran na may lakip ng pagtitiis at pagtitiyaga. Huwag silang pagsalitahin ng hindi maganda, at igalang ang kanilang mga damdamin at huwag gumawa ng anumang kanilang ikakagalit. Ang Allah ( y) ay nagsabi: "At ang iyong Rabb (Panginoon) ay nag-utos na wala kang dapat sambahin maliban sa Kanya (Allah) At maging masunurin sa iyong mga magulang. Kung ang isa sa kanila o kapwa sila nasa katandaan, huwag silang pagsalitaan ng kawalan galang at huwag silang sigawan subalit' ikaw ay mangusap sa kanila sa paraang magalang (may pitagan). (Qur‘an 17:23)

Itinuturing ng Islam na malaking kasalanan ang hindi pagsunod sa mga magulang. Si Abdullah ibn ‗Amr ( d) ay nag-ulat na mayroong isang Bedouin na nagtungo sa Propeta ( s) at nagsabi; O Sugo ng Allah ( s), ‗Ano ang mga pinakamabigat na kasalanan?‘ Siya ay sumagot: ‗Ang pagbibigay ng katambal sa pagsamba sa Allah‘; siya ay nagtanong ulit; ‗Ano ang susunod?‘ ‗Ang pagsuway sa magulang‘. At nagtanong ulit; ‗Pagkatapos ano ang susunod? ‗Ang paglulubog na panunumpa ay ang pagsabi ng walang katotohanan62‘; At siya ay nagtanong ulit. ‗Ano ang panunumpang ito? Siya ay sumagot; ‗Ang pagsisinungaling na panunumpa upang makamkam ang pera ng ibang Muslim. (Bukhari)

Ang paglalarawan sa katayuan ng mga magulang sa Islam, ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: Ang kasiyahan ng Allah ay batay sa kasiyahan ng mga magulang (sa kanyang anak) at ang Kanyang galit ay batay rin sa galit ng mga magulang (sa kanyang anak). (Mundhiri)

Ang mga nabanggit sa ibaba ay ilan sa mga karapatan ng magulang kahit na ang mga magulang ay di Muslim. Ayon sa salaysay ni Asma, sinabi niya sa Sugo ng Allah ( s): Ang aking ina ay dumalaw sa akin ng panahon na siya ay hindi pa Muslim. Ako ay nagtanong sa Sugo ng Allah at nagsabi: ―O Sugo ng Allah! Ang aking ina ay dumalaw sa akin. Dapat ko ba siyang tanggapin? Ang Sugo ng Allah ay sumagot: ―Oo, tanggapin mo siya at igalang. (Bukhari)

Ang ina ay binigyan ng higit na karapatan kaysa sa ama tungkol sa pakikitungo at kabaitan at pag-aasikaso. Ito ay mauunawaan batay sa Hadith ng Sugo ng Allah ( s): Ang isang tao ay lumapit sa Sugo ng Allah at nagtanong: ‗O, Sugo ng Allah sinong tao ang higit kong dapat bigyan ng kabaitan at magandang pakikitungo?‘ Siya ay sumagot: Ang iyong ina Ang tao ay nagtanong muli: ―Sino ang sumunod? Siya ay sumagot: ―Ang iyong Ina. At muli ang tao ay nagtanong: ―Sinong sumunod? Siya ay sumagot: ―Ang iyong Ina. At sinong susunod sa kanya? Siya ay nagsabi: Ang iyong Ama, at pagkatapos ay ang mga sumunod sa kanya. (Muslim)

Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagbigay ng tatlong ulit na kahigtan kaysa sa ama sapagkat ang ina ay nagpasan ng maraming hirap at dusa sa pagtataguyod ng kanyang mga anak kaysa sa ama. Ang Allah ( y) ay naglarawan sa tungkuling pinasan ng isang ina: At Aming itinagubilin sa tao ang magpakita ng kabutihan at pagkamasunurin sa kanyang magulang. Ang kanyang ina ay nagpasan sa kanya sa hirap at iniluwal niya ito sa gitna ng pagdurusa... (Qur‘an 46:15)

Ang ina ay nakaranas ng paghihirap sa kanyang pagdadalang-tao, siya (anak) ay kumukuha ng pagkain mula sa ina (noong siya ay nasa sinapumpunan), naghirap sa panganganak, at sa pagpapakain nito pagkapanganak at sa di niya pagtulog sa gabi (dahil pagaasikaso sa anak).

Ang Karapatan ng Babae sa Kanyang Asawa.

Ang Qur‘an ay nagsabi: Ang mga kalalakihan ay tagapangalaga ng kababaihan sapagkat ginawa ng Allah ang isa sa kanila ng nakahihigit at sapagkat sila (lalaki) ay gumugugol (upang tangkilikin ang kababaihan) mula sa kanilang yaman… (Qur‘an 4:34)

Nang tanungin ni Aisha ang Sugo ng Allah ( s) tungkol sa kung sino ang may higit na karapatan sa pagsunod ng babae; siya ay nagsabi: Ang kanilang asawa‖. At ng tanungin kung sino ang mas nakahihigit sa pagsunod ng lalaki, ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: ―Ang kanyang Ina. (Hakeem)

Hindi siya dapat tumanggi sa kanyang asawa kapag ito ay tinawag upang makipagtalik. Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: Kung ang lalaki ay tumawag sa kanyang asawa upang makipagtalik at siya ay tumanggi, at siya ay nanatiling galit magdamag, isinusumpa siya (babae) ng mga anghel hanggang kinaumagahan. (Bukhari at Muslim)

Siya ay hindi dapat humiling ng mga bagay na hindi makayanan ng kanyang asawa. Tungkulin niya na pangalagaan ang kanyang salapi, mga anak at dangal. Hindi siya dapat lumabas ng pamamahay ng walang pahintulot at hindi niya bibigyang pahintulot ang sinuman na pumasok sa pamamahay nila na hindi gusto ng kanyang asawa. Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: Ang pinakamabuting babae ay yaong kapag ang asawa ay sumulyap sa kanya, ito ay binibigyan niya ng kasiyahan. Sumusunod sa kanya kung may ipinag-uutos at pinananatili ang dangal at ari-arian niya sa kanyang pag-alis

Tinutupad ng mga sinaunang Muslim ang ganitong alituntunin. Isang Ina ang naghabilin sa kanyang anak na babae sa araw ng kasal nito: Anak, ikaw ay lilisan sa tahanang iyong kinamulatan at kinalakihan upang sumama sa isang lalaki na hindi mo pa gaanong kilala. Sa pamamagitan ng pagpapakasal, ikaw ay nasa kanyang kapamahalaan, kaya tumulad ka na parang isang naglilingkod sa kanya, at siya ay maglilingkod din sa iyo. Gampanan mo ang sampung katangian na ito na magbibigay paala-ala sa iyo‖: Maging panatag sa kanya at maging masunurin sa kanya, sapagkat ang kapanatagan at ang pagsunod sa kanya ay kasiya-siya sa Allah ( y). Panatilihin ang iyong kagandahan at kaaya-ayang bango. Hindi dapat ipakita ang hindi kaaya-aya. Bantayan ang tamang oras ng kanyang pagkain at pagtulog. Ingatan ang kanyang pananalapi, Ingatan ang kanyang mga anak. Ingatan ang kanyang mga lihim at huwag sumuway sa kanyang ipinag-uutos at kapag sumuway ka sa kanya siya ay masusuklam sa iyo. Huwag magpakita ng kasiyahan kung siya ay malungkot at huwag magpakita ng kalungkutan kung siya ay masaya. Igalang mo siya at makipagayon sa lahat ng bagay upang masiyahan sa pakikisama at pakikiugnayan sa kanya. Dapat mong malaman anak, na hindi mo matatamo ang nais mo hanggang inuuna mo ang iyong kasiyahan at ang iyong naisin kaysa sa kanya.

Ang mga Tungkulin ng Lalaki sa Kanyang Asawa:

  • Ang Handog (Dowry – Mahr):

    Karapatan ng isang babae ang tumanggap ng isang handog o Mahr at ito ay kailangang nakasaad sa kasulatan ng isang kasal. Ito ay mahalagang bahagi sa kasulatan ng kasal at hindi maaaring tanggihan o ipamigay ng babae hangga‘t hindi pa ganap at tapos ang kasalan. Ang Qur‘an ay nagsabi na ang kahulugan ay nagsasaad ng ganito; At ibigay sa mga babae (na iyong pakakasalan) ang handog (Mahr) na kanyang bahagi at karapatan; subali‘t kung kanyang nais na kayo ay bahaginan, tanggapin ito at malayang gamitin ito ng walang alinlangan.
    (Qur‘an 4:4).

  • Makatarungan at Walang Kinikilingan: Kung ang isang lalaki ay may asawa na higit sa isa, nararapat lamang na siya ay maging pantay sa pakikitungo sa bawat isa sa lahat ng bagay katulad ng pagkain, inumin, pananamit, bahay at maging ang pamamalagi niya dito. Ito ay ayon na rin sa sinabi ng Propeta ng Allah ( y) na ang kahulugan ay nagsasaad ng ganito; Kung ang isang lalaki ay may dalawang asawa nguni‘t hindi niya ito pinakitunguhan ng pantay, siya ay darating sa Araw ng Paghuhukom na nakatabingi ang isang bahagi ng kanyang katawan. (Tirmidhi).
  • Paggugol para sa Kanyang Asawa at mga Anak:

    Ang lalaki ay nararapat na maglaan ng maayos na tirahan, mga pangangailangan sa buhay (katulad ng pagkain, inumin, pananamit), at maging salapi na naaayon sa kanyang kakayahan. Ang Qur‘an ay nagsabi, na ang kahulugan ay nagsasaad ng ganito; Hayaan ang isang mayaman na gumugol ayon sa kanyang yaman; at ang isang mahirap na gumugol ng ayon sa anumang ipinagkaloob ng Allah sa kanya. Ang Allah ay hindi nagbibigay ng pasanin sa sinuman nang higit sa kanyang makakayanan… (Qur‘an 65:7)


  • Pagsiping at Pakikipagniig sa Gabi:

    Ito ay isa sa pinakamahalagang tungkulin ng isang lalaki sa kanyang asawa. Ang babae bilang asawa ay naghahanap din ng pagmamahal mula sa isang asawa na kakalinga, maglalambing at pupuno ng kanyang pagnanasa at pangangailangang pisikal upang mailayo siya sa hindi kanais-nais na kalagayan.

  • Itago Ang mga Lihim ng Asawa:

    Tungkulin ng lalaki na pangalagaan ang kanilang pagsasama, at iwasan na ihayag ang mga tagong lihim ng asawa, kanyang mga pagkukulang at ano pa mang bagay na kanyang napansin o di kaya ay narinig mula dito. Ayon sa Propeta ng Allah ( y); Ang pinakamasahol na tao sa paningin ng Allah, sa Araw ng Paghuhukom, ay ang isang lalaki o babae na pagkaraang makipagtalik sa kanyang asawa ay lumabas at ipinagsabi ang kanyang lihim. (Muslim)

  • Mabuting Pakikitungo:

    Nararapat na pakitunguhan ng lalaki ang kanyang asawa ng may paggalang. Maging mapagbigay at mahinahon sa kanyang mga pagkukulang at pagkakamali at paminsan-minsang pagdadabog. Bukod dito, nararapat din na isangguni at dinggin ang kanyang panig tungkol sa mga bagay na nangyayari sa araw-araw. Bigyan siya ng sapat at tamang panahon upang makapagsaya at aliwin siya sa pamamagitan ng pakikipaglaro dito.

  • Iwasan na siya ay manibugho: Ilayo ang asawa sa mga lugar ng kasamaan at kasiraan. Dahil dito, Ang Allah ( y) ay nag-utos sa atin ng Kanyang sabihin na ang kahulugan ay nagsasaad ng ganito; O kayong mga nananampalataya! Ingatan ang inyong mga sarili at ang inyong mga pamilya (mahal sa buhay) laban sa Apoy (impiyerno) na ang panggatong ay tao at mga bato… (Qur‘an 66:6)

  • Igalang ang Kanyang Salapi at Ari-arian:
    Hindi dapat angkinin ng lalaki ang anumang bagay na pag-aari ng kanyang asawa o di kaya ay ipagbili o ipamigay ito maliban na lamang kung siya ay bigyan ng pahintulot na gawin ito.

Karapatan ng mga Kamag-anak

Mahigpit na itinatagubilin ng Islam sa mga tao na tulungan ang kanilang mga kamag-anak sa pamamagitan ng pagpuno ng kanilang mga pangangailangan, alamin ang kanilang mga kalagayan, at pakitunguhan sila ng may paggalang at habag at makibahagi sa kanilang kaligayahan at maging sa kalungkutan. Ang Qur‘an ay nagsabi na ang kahulugan ay nagsasaad ng ganito; …at matakot kayo sa Allah na Siya ninyong hinihingan (ng inyong pangangailangan), at huwag putulin ang ugnayan ng pang-kamag-anakan… (Qur‘an 4:1)

Mahigpit ding itinatagubilin ng Islam ang mabuting pakikitungo sa isang malapit na kamag-anak kahit na hindi mabuti ang pakikitungo nito sa kanila, patawarin kung sila ay nagkasala at maging isang kaibigan sa kanila kahit na hindi sila ganoon. Ang Propeta Muhammad ( s) ay nagsabi na ang kahulugan ay nagsasaad ng ganito; Ang pagiging mabuti sa inyong malapit na kamag-anak sa tunay na kahulugan nito, ay hindi sapat na sila ay pantayan sa kabaitan, bagkus maging mabait pa rin sa kanila bagamat kanilang pinutol ang ugnayan nila sa inyo. (Bukhari)

Ang Islam ay nagbabala laban sa pagputol ng ugnayan sa mga kamag-anak at ito ay itinuturing na isa sa mga mabigat na kasalanan. At sa Qur‘an ay sinabi na ang kahulugan ay nagsasaad ng ganito; Kung sa iyo ba ay ipagkaloob ang kapamahalaan, magkagayon hindi mo kaya magawa na maghasik ng kasamaan sa kalupaan at putulin ang iyong ugnayang pangkamag-anakan? (Qur‘an 47:22)

Karapatan ng mga Anak

Karapatan ng mga anak na pangalagaan ang kanilang mga buhay at magkaroon sila ng kaaya-aya at magandang pangalan. Ito ay nilinaw ng Propeta ( s) ng kanyang sinabi na ang kahulugan ay nagsasaad ng ganito; Ikaw ay tatawagin sa iyong pangalan at sa ngalan ng iyong ama, kaya mamili kayo ng magagandang pangalan (Imam Ahmed)

Dapat lamang na atin silang alagaan, ibigay ang kanilang pangangailangan (katulad ng pagkain, inumin, pananamit at matitirahan). Bigyan sila ng mainam na edukasyon at turuan sila ng mabubuting asal (katulad ng pagpapakumbaba, paggalang sa mga nakakatanda, maging tapat sa lahat ng bagay, at masunurin sa mga magulang at iba pa). Ilayo sila sa mga masasamang salita at gawain (kagaya ng pagsisinungaling, pandaraya, pagnanakaw, pagsuway sa mga magulang at iba pa). Ang Propeta ( s) ay nagsabi na ang kahulugan ay nagsasaad ng ganito; Sapat na sa isang tao ang maging makasalanan sa pamamagitan ng pagsadlak sa kasamaan ng sinumang kanyang itinataguyod. (Abu Dawood at Nasa‘ee)

At sinabi rin ng Propeta ( s); Ang bawat isa sa inyo ay tagapagbantay at tagapangasiwa (ng kanyang kinasasakupan) at siya ang mananagot sa mga ginagawa ng mga taong kanyang sakop. (Bukhari at Muslim)

Ang mga anak ay dapat na pakitunguhan ng pantay-pantay at walang dapat itangi lalo na sa bigayan ng gamit gaya ng laruan at iba pa sapagka‘t ito ay maka-pagdudulot ng sama ng loob. Minsan isang lalaki ang lumapit sa Propeta ( s) upang gawin siyang saksi sa isang regalo na nais niyang ibigay sa isa niyang anak. Tinanong siya ng Propeta ( s), Inihanda mo na rin ba ang mga regalong katulad nito para sa iba mo pang mga anak?At siya ay sumagot na; ―Hindi. Nang marinig ng Propeta ay agad niyang sinabi, ―Kung ganoon ay kumuha ka ng ibang saksi sapagka‘t hindi ko ibig na maging saksi sa isang di-makatarungang gawain. Matakot ka sa Allah at maging pantay ka sa pakikitungo sa iyong mga anak. (Bukhari at Muslim)

Karapatan ng Kapitbahay

Itinataguyod ng Islam ang mabuting pakikitungo sa mga kapitbahay at iwasan ang anumang bagay na makapagdudulot ng hindi mabuti sa kanila katulad halimbawa ng pagtataas ng tinig dito, pagkasuklam sa mga di-kaaya-ayang bagay na nakikita o dili kaya ang mga hindi kanais-nais na amoy. Ang Allah ( y) ay nagsabi na ang kahulugan ay nagsasaad ng ganito; Sambahin ninyo ang Allah at huwag kayong magtambal ng anuman sa Kanya. Maging magalang kayo sa iyong mga magulang, kamag-anak, at mga ulila, mga nangangailangan, at maging sa iyong mga kapitbahay na iyong kaanak at mga hindi kaano-ano, at ganoon din sa mga naglalakbay at napadpad sa iyong lugar, at maging sa mga alipin na iyong pinamamahalaan. Katotohanan! Hindi mahal ng Allah ang mga mapagmataas at mayabang. (Qur‘an 4:36)

Ayon naman sa sinabi ng Propeta ng Allah ( s) na ang kahulugan ay nagsasaad ng ganito; Alam ba ninyo ang mga karapatan ng inyong kapitbahay? Kung siya ay humingi ng tulong, kailangang tulungan siya, kung siya ay nakaratay sa karamdaman, dalawin siya, kung may nangyaring maganda sa kanya, batiin siya, kung may masamang nangyari sa kanya, kalamayin ang kanyang kalooban; at kung siya ay namatay, makipaglibing. Huwag taasan ang iyong bakuran na halos ay harangan ang dadaanan ng hangin patungo sa kanila maliban na lamang kung siya ay may pahintulot. Hindi siya dapat inggitin sa amoy ng iyong pagkaing niluluto maliban na lamang kung siya ay bibigyan nito. At kung bumili ng mga pagkain, bigyan siya bilang regalo, nguni‘t kung hindi ito magawa, dalhin ang pagkain sa iyong tahanan ng hindi nila nakikita at huwag payagan ang mga anak na kumain nito sa labas upang hindi mainggit ang iba pang mga bata na anak din ng iyong kapitbahay. (Al-Khara‘iti)

Dapat na pagtiisan ng isang Muslim ang mga suliranin na idinudulot ng kanyang kapitbahay at lalong maging mabuti dito. Isang tao ang lumapit kay Abdullah Ibn Abbas ( d) at nagsabi: Isang kapitbahay ko ang nagdudulot ng malaking problema sa akin. Ako ay kanyang iniinsulto at inilalagay ako sa isang kahihiyan.‘ At si Ibn Abbas ay sumagot: ‗Kung sumuway siya sa Allah (sa pamamagitan ng pag-alipusta sa iyo), Sumunod ka sa Allah (sa pamamagitan ng pagpapakita ng kabutihan sa kanya). (Imam Ghazali, Ihyaa Ulum-ud-Din, Vol. 2, p.212)

Kailangang igalang niya ang kanyang kapitbahay sakali‘t ito ay maglagay ng tabing sa kanyang gusali at ito ay hindi niya dapat pagbawalan ayon sa sinabi ng Propeta ( s) na ang kahulugan ay nagsasaad ng ganito: Huwag pigilan ang isang kapitbahay kung sakali‘t ito ay maglagay ng tabing sa kanyang gusali. (Bukhari at Muslim)

Hindi niya dapat ipagbili o ipaupa man lamang ang isang ari-arian na katabi ng kanyang kapitbahay hangga‘t hindi niya ito inalok sa kanya o di kaya ay alamin ang kanyang opinyon sa ganitong pagkakataon. Ito ay naaayon sa sinabi ng Propeta ( s) na ang kahulugan ay nagsasaad ng ganito: Kung ang isa sa inyo ay may kapitbahay o katuwang sa isang sakahan o lupain, huwag itong ipagbili sa iba hangga‘t hindi ito iniaalok dito (sa katuwang) na siya na ang bumili. (Hakeem)

Mayroon Tatlong Uri ng Kapitbahay:

  • Ang kapitbahay na iyong kamag-anak. Siya ay may tatlong karapatan; Bilang kamag-anak, kapitbahay at bilang isang Muslim.
  • Ang kapitbahay na isang Muslim: Siya ay may dalawang karapatan; Bilang kapitbahay at bilang isang Muslim.
  • Ang isang kapitbahay na hindi Muslim: Siya ay may isang karapatan; Bilang isang kapitbahay.

Si Abdullah Ibn Umar ( d) ay nagpakatay ng isang tupa at siya ay tinanong ng kanyang kamag-anak: Binigyan mo ba ang ating Hudyong kapitbahay? Narinig ko ang sabi ng Propeta ( s) na ang kahulugan ay nagsasaad ng ganito: Ang Anghel Gabriel ay palaging nagbabanggit at nagpapaalala sa akin tungkol (sa tungkulin ko sa aking kapitbahay) at dahil sa madalas niya itong gawin, akin tuloy naisip na marahil ay kabilang ito sa aking mga tagapagmana. (Tirmidhi at Abu Dawood)

Ang Karapatan ng Kaibigan at mga Kasama

Isinaalang-alang ng labis sa Islam ang mga karapatan ng isang kaibigan at ito ay nagtakda ng mga alituntunin na dapat gampanan para sa isang kaibigan. Katulad halimbawa ng mabuting pakikitungo dito at ang tapat na pagpapayo dito. Ang Propeta ( s) ay nagsabi na ang kahulugan ay nagsasaad ng ganito: Ang pinakamabuti na kaibigan sa paningin ng Allah ay siya na naghahatid ng kabutihan sa kanyang mga kasama, at ang pinakamabuti na kapitbahay ay siya na mabuting makitungo sa kanyang mga kapitbahay. (Tirmidhi)

Ang Karapatan ng mga Panauhin

Ang panauhin ay nararapat na bigyan ng kasiyahan. Ito ay ayon sa Hadith ng Propeta ( s) na ang ibig sabihin ay: Ang sinumang naniniwala sa Allah at sa Araw ng Paghuhukom ay kailangan pahalagahan ang kanyang panauhin. Siya ay tinanong: O Sugo ng Allah ( y)! Ano ang karapatang ng mga panauhin? At siya ay sumagot: Isang araw at isang gabi (ng kasiyahan) at tatlong araw na pagaasikaso dito. At ito ay maituturing na isang kawanggawa kung lumabis pa dito. (Bukhari at Muslim)

Datapuwa‘t, dapat ding isaalang-alang ng isang panauhin ang kalagayan ng kanyang tinutuluyan, at hindi siya dapat umasa at humiling ng mga bagay na hindi nito kayang ibigay sa kanya.

Ang sabi ng Propeta ( s) na ang kahulugan ay nagsasaad ng ganito: Makatarungan ba sa isang Muslim na makituloy ng matagal sa kanyang kapwa Muslim (bilang isang panauhin) hangga‘t sa ito ay magtulak sa kanya na gumawa ng kasalanan? Siya ay tinanong kung paano ito magtutulak sa kanya na gumawa ng kasalanan? At ang sabi niya: Sa pamamagitan ng matagal niyang panunuluyan dito kahit na ito ay wala ng maibigay pa para sa kanyang ikasisiya. (Muslim)

Ayon sa sinulat ni Imam Ghazali, ―Ihyaa Ulum-ud-Din (hal. Revival of Religious Sciences), tungkol kay Propeta Muhammad ( s) na isang huwaran at dapat tularan ng lahat ng Muslim:
Pinahalagahan ng Propeta ang kanyang mga bisita. Kanyang inilalatag ang kanyang damit para sa isang (kahit hindi) kamaganak na panauhin upang mayroon silang maupuan. Inaalay din niya ang kanyang sariling upuan at ito ay kanyang ipinagpipilitan hanggang ito ay tanggapin mula sa kanya. Walang sinumang naging bisita niya ang hindi nagdalawang isip na tawagin siya na pinaka-mapagbigay sa lahat ng tao. Binibigyan niya ng sapat at pantay na pansin ang lahat ng kanyang kasama at bawa‘t isa ay kanyang pinakikinggan, kinakausap, at binibigyang halaga. Ang kanyang pagtitipon ay maituturing na may pagpapakumbaba at pagkamatapat. Tinatawag niya ang kanyang mga kasama sa kanilang paboritong pangalan at palayaw upang pahalagahan sila. Siya rin ay hindi magagalitin at madali siyang masiyahan sa anumang mayroon siya.

Pangkalahatang Karapatan at Tungkulin

Itinatagubilin ng Islam na ang lahat ng Muslim ay dapat pangalagaan ang kanyang kapwa Muslim sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila at pilitin na mapabuti ang kanilang kalagayan. Ayon sa Hadith na ang kahulugan ay nagsasabi ng ganito: ―Ang kahalintulad ng mga mananampalataya sa kanilang tapat na pagmamahalan, kabaitan at pagiging maawain, ay katulad din ng katawan ng tao: Kung ang isang bahagi ng katawan ay may karamdaman, ito rin ay nararamdaman ng buong katawan tulad ng lagnat at di pagtulog. (Bukhari at Muslim).

Ang isa pang nakasulat sa Hadith ay; Ang pagkakaisa ng dalawang kapwa mananampalataya ay katulad ng isang bahay, ang isang bahagi ang tumutulong lumakas at inaalalayan ang kabilang bahagi. (Pinagtiklop niya ang mga daliri ng kanyang mga kamay, upang ilarawan ang tinutukoy niyang paksa). (Bukhari at Muslim)

Ang isa pang sinasabi ng Hadith ay: Walang isa man sa inyo ang matatawag na ganap na mananampalataya hanggang ninanais niya para sa kanyang kapatid ang nais niya sa kanyang sarili. (Bukhari)

Sa sangay ng manggagawa, halimbawa, ang Islam ay nag-uutos ng mga alituntunin at batayan upang malaman ang tunay na ugnayan ng namumuno at manggagawa.

Karapatan ng Manggagawa

Ang ugnayan ng mga manggagawa at ng pinaglilingkuran nito ay dapat batay sa pagkakapatiran, makatao at marangal. Ayon kay Propeta Muhammad ( s): Ang inyong mga alipin (o katulong) ay inyong mga kapatid na ipinagkatiwala ng Allah sa ilalim ng inyong kapamahalaan. Kaya, ang sinumang mayroong kapatid na nasa ilalim ng kanyang kapamahalaan ay dapat niya itong pakainin mula sa mismong pagkaing kinakain niya at dapat niyang bihisan ito katulad ng kanyang pananamit na isinusuot, hindi niya dapat bigyan ng gawaing higit sa makakayanan nito at kung ang gawain ay higit sa kanyang kakayahan, dapat niya itong tulungan. (Bukhari)

Ang Islam ay naglaan para sa mga manggagawa ng kanyang karangalan at dangal. Ayon kay Propeta Muhammad ( s): Ang pinakamagandang hanapbuhay ng isang manggagawa ay ang paggawa ng tapat. (Ahmad)
Ipinag-uutos na ang sahod ng isang manggagawa ay dapat malinaw bago siya magsimula sa gawain, sapagkat ang Propeta ay nag-utos na kailangang ipagbigay alam ng pinaglilingkuran ang sahod ng manggagawa bago ito magsimula. (Ahmad)

Ito ang nagpapatunay sa karapatan ng isang manggagawa sa kanyang sahod. Ang Allah ( y) ay nagsabi: Mayroong tatlong tao na kinamumuhian Ko sa Araw ng Paghuhukom: 1) Ang isang taong nangangako sa Aking pangalan nguni't ito ay hindi tinupad. 2) Ang isang taong ipinagbili ang isang malayang tao bilang alipin at kinuha ang pinagbilhan. 3) At ang isang taong kumuha ng manggagawa nguni't hindi ito pinasahod. (Bukhari)

Ipinag-utos na dapat bayaran ang manggagawa ng kanyang sahod pagkaraang matapos ang gawain nito. Ang sabi ng Sugo ng Allah ( y) Bayaran ang isang manggagawa ng kanyang sahod bago matuyo ang kanyang pawis.

Kinakailangan din na hindi dapat bigyan ang isang manggagawa ng gawaing hindi niya makakayanan. Kung sakali man na bigyan siya ng gawaing higit sa kanyang kakayahan, dapat siyang tulungan sa gawaing ito at dapat ding bigyan ng karagdagang sahod. Ang sabi ng Propeta ( s): Huwag silang bigyan ng gawaing higit sa kanilang kakayahan at kung sakali mang ipagawa ang ganitong gawain, sila ay dapat tulungan. (Bukhari)

Ang Karapatan ng Pinaglilingkuran

At dahil ipinag-utos ng Islam sa pinaglilingkuran (employer) ang pangangalaga sa mga manggagawa, ipinag-uutos din naman sa mga manggagawa na tuparin ang karapatan ng kanilang pinaglilingkuran sa pamamagitan ng paggawa sa paraang maayos at kasiya-siya. Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi; Ikinasisiya ng Allah na kung ang isang bagay ay ginagawa, ito ay nararapat gawin sa abot ng makakaya at sa paraang maayos.

Ito ay nangangahulugan na ang isang Muslim na pinagkatiwalaan na gawin ang isang bagay ay dapat gawin ito ng maayos sapagkat ito ay isang paraan upang matamo ang kasiyahan ng kanyang Dakilang Panginoon.