Ang monoteismo sa Islam
Ang Islam, katulad ng mga ibang kilalang relihiyon ay binubuo ng iba‘t ibang aral at paniniwala na
nangangailangan ng pagsunod at pagtalima ng mga mananampalataya nito at ang pagpapalaganap ng
mensahe nito ay walang sapilitan. Ang Dakilang Allah (
y) ay nagsabi :
"Walang sapilitan sa relihiyon. Katotohanan ang tamang landas (katuwiran) ay naiiba sa maling landas (kamalian)..."
(Qur‘an 2: 256)
Ang Islam ay nag-uutos sa kanyang mga tagasunod na ipalaganap ang Islam sa mabuti at makatarungang
paraan. Ang Dakilang Allah (
y) ay nagsabi :
"Anyayahan mo (O Muhammad) ang sangkatauhan sa Landas ng iyong Panginoon nang may Hikmah (karunungan at mahusay na pamamaraan)
at makatuwirang pangangaral, at makipagtalo sa kanila sa paraang higit na mahusay…"
(Qur‘an 16:125)
Isang mahalaga at pangunahing prinsipiyo ng Islam ay ang paghihikayat na ang tao ay nararapat na
maniwala sa Tanging Nagiisang Diyos na Tagapaglikha (lamang) bago pumasok sa Islam; sapagkat
kung ang kanilang pagyakap sa Islam ay bunga lamang ng pamimilit, magkagayon ang kanilang pananalita
at mga gawain ay hindi umaakma sa kanilang paniniwala, at ito ay isang pagkukunwari sa Islam.
Ang Islam ay mahigpit na nagbabala laban sa pagkukunwari, at itinuturing ito bilang malaking
kasalanang higit pa sa kawalan ng pananampalataya. Ang Dakilang Allah ay nagsabi :
"Katotohanan, ang mga mapagkunwari ay nasa kailalimang (antas ng) Apoy…"
(Qur‘an 4 :145)
Ito ang tungkulin ng Sugo: ang ipalaganap ang mensahe sa mga tao at patnubayan sila tungo sa kabutihan
at pagiging matuwid na hindi nangangailangan ng pamimilit. Ang Dakilang Allah(
y)ay nagsabi:
"At inyong sundin ang Allah at ang Kanyang Sugo (Muhammad), datapwa‘t kung kayo ay magsitalikod,
samakatuwid, ang tungkulin lamang ng Aming Sugo ay ang ihatid nang malinaw (ang mensahe)"
(Qur‘an 64 :12)