Panimula

Lahat ng papuri at pagsamba ay nauukol lamang sa Allah ( s), ang Rabb ng mga Daigdig at nawa‘y purihin at itampok ng Allah ( y) ang pagbanggit sa huling Propeta ( s) at iligtas siya at ang kanyang pamilya sa anumang pagkukulang at pangalagaan sila mula sa anumang kasamaan.

Ang Allah, ang Makapangyarihan ay nagsabi: ―Sabihin: (O Muhammad) O, Mga taong pinagkalooban ng (Banal na) Kasulatan! (Hudyo at Kristiyano) Halina sa isang salita na makatarungan sa amin at sa inyo: na wala tayong dapat sambahin maliban sa Allah, na hindi tayo mag-uugnay ng sinuman (bilang diyos bukod pa sa Allah), na wala tayong itatakdang (iba pang) mga Panginoon bukod sa Allah. Pagkaraan nito, kung sila ay magsilayo (at magsitalikod), inyong sabihin: ‗Kayo ang saksi na kami ay Muslim‘ (mga taong sumusuko at sumasamba lamang sa Allah).‖ (Qur‘an 3:64)

Ang Islam ay relihiyong batay sa likas na katuwiran ng tao. Ito ay nagaanyaya sa mga Muslim at nananawagan sa kanila na magtanong tungkol sa mga bagay na hindi nila ganap na nauunawaan. Iminumungkahi sa kanila na humingi ng kaukulang kasagutan mula sa mga mapananaligan at maalam na awtoridad (may taglay na malawak na karunungan). Sa relihiyong Islam, walang nakalilito o himalang mga bagay at iminumungkahi sa lahat na kailangang magtanong tungkol sa mga paksa o bagay na hindi nauunawaan. Ang Allah ( y) ay nagsabi : "… Kaya, inyong tanungin yaong nakaaalam ng Kasulatan (ang mga maalam na tao) kung ito ay hindi ninyo nalalaman.‖ (Qur‘an 16: 43)

Pagkilala sa mga Katangian Ng Islam

Pinawalang-bisa ang mga naunang yugto ng relihiyon at ang Islam ang siyang huling yugto nito. Hindi tatanggapin ng Allah ( y) ang ibang relihiyon mula sa kanyang mga alipin. Ang Dakilang Allah ( y) ay nagsabi: "At Aming ipinahayag sa iyo (O Muhammad) ang Aklat (Qur'an) sa katotohanan, na nagpapatunay sa mga Kasulatan na dumating nang una pa rito at bilang saksi rito." (Qur'an 5:48)

Magbasa nang higit pa +

Ang Espirituwal na Aspeto Ng Islam

Ang Allah ( y) ang nagmamay-ari sa lahat ng Kanyang nilikha. at Siya ( d) ang tagapamahala sa lahat ng gawain at pangyayari.47. Ang Allah ( y) ay nagsabi; "…Katotohanan, sa Kanya ang (Ganap na Kapangyarihan ng gawang) paglikha at pag-uutos. Mapagpala ang Allah, ang Rabb (Panginoon) ng lahat ng nilikha." (Qur‘an 7:54)

Magbasa nang higit pa +

Ang mga Pangunahing Layunin Ng Islam

Ang pinakamahalagang layunin ng Islam sa panawagan nito at tunay na iniingatan ay ang pangangalaga sa Deen (Relihiyon), buhay, dangal, yaman, kaisipan, mga anak, at ang pangangalaga sa mga karapatan ng mga mahihina at may kapansanan. Tungkol sa pagiging sagrado ng buhay, ang Dakilang Allah ( y) ay nagsabi;
Magbasa nang higit pa +

Aking inaanyayahan ang mga mambabasa sa aklat na ito na magkaroon ng malayang pag-iisip at hindi bunga o bugso ng damdamin upang sa gayon ang tunay na layuning matagpuan ang katotohanan ng Islam ay madaling matagpuan. Kaya naman, ang makatuwirang kaisipan ang nararapat na gamitin at hindi ang bugso ng damdamin. Dito nakasalalay ang ganap na pagkaunawa sa Islam. Ang pinakamagandang bagay na ipinagkaloob sa atin ng Allah ( y) ay ang kaisipan at ang tamang paggamit ng katuwiran. Tulad ng nakasaad sa Qur‘an; "At kung sabihin sa kanila: Sundin kung ano ang ipinahayag ng Allah, sila ay magsasabi: 'Aming sinusunod kung ano ang natagpuan namin sa aming mga ninuno. Ano! Kahit ba ang kanilang mga ninuno ay mangmang (at salat sa kaalaman) at walang patnubay?" (Qur‘an 2: 170)

Ang isang makatuwirang tao ay hindi tumatanggap ng isang bagay maliban na ito ay kanyang pag-aralan nang mahusay at unawaing mabuti. Kapag siya ay ganap na nasiyahan at napatunayan ang 14 katotohanan at liwanag nito, hindi niya dapat kimkimin sa kanyang sarili lamang. Bagkus, nararapat niyang iparating ang kaalamang ito sa kanyang kapwa tao. Sa gayong paraan, ang mga taong mali ang pagkaunawa ay maitutuwid ito ayon sa aral at katuruan ng naturang paksa.

Sa huli, aking aaminin na hindi ko ganap na maibibigay (ang buong pagpapaliwanag) sa paksang ito sapagkat kung ating pag-uusapan ang Islam, ito ay binubuo ng malawak na paksa na tumatalakay sa lahat ng kalakaran ng buhay. Sa aklat na ito binigyang-diin ko ang pagpapaliwanag sa mga mahahalagang paksa na nauukol sa mga pangunahin o pundamental na aral ng Islam. Ang bawat paliwanag ay binigyan ko ng katibayan at patunay mula sa Banal na Qur‘an at Sunnah ng Propeta ( s). Maaaring ang mga ibang tao ay magsasabi na ang mga Batas ng Islam ay nakita na at pinaiiral na ng mga makabagong pamayanan. Magkagayon, ang mga alinlangan nila (na may layon maipaliwanag at maituwid ang pag-aakala na ang Islam ay galing sa makabagong batas at sistema) ay maaari ng isantabi, sapagkat nababatid natin ngayon na ang mga Batas ng Islam ay naroroon na, mahigit na labing-apat na raang taon na, at mangyaring ang mga Batas na pinaiiral ng mga makabagong pamayanan ngayon ay hinango mula sa Islamikong Batas. Karagdagan pa rito, ang mga taga Silangan ay maraming dahilan at layunin sa pag-aaral ng Islamikong Batas.