Ang Aspetong Pangkabuhayan ng Islam

Ang Kayamanan ay siyang lakas at saligan upang ang buhay ay maging masagana. Ang Islamikong Batas (Shari‘ah) ay may layuning magtayo ng isang malayang lipunan mula sa balanseng pamumuhay, hindi labis sa pagka-mayaman o labis na pagkamahirap na mamamayan, sapagkat ito ay nagsisikhay ng makatarungan at mararangal na pamumuhay sa lipunan. Ang Allah ( y) ay nagsabi; Ang yaman at mga anak ay palamuti ng buhay sa mundo…
(Qur‘an 18:46)

At dahil isinasaalang-alang ng Islam ang salapi bilang isang pangunahing pangangailangan ng tao o pangkat ng tao, itinakda ang isang bahagdang (2.5%) na tinatawag na Zakah (Kawanggawa para sa mga dukha) na kinukuha mula sa mayayaman at ipinamimigay sa mga mahihirap at nangangailangan. Ito ay isa sa karapatan ng mga mahihirap na hindi dapat ipagkait sa kanila.

Ito ay hindi nangangahulugan na inaalis ng Islam ang karapatan ng isang tao na magkaroon ng sariling ari-arian at kalakal. Sa katotohanan, pinahihintulutan at iginagalang ng Islam ang mga karapatang ito sa pamamagitan ng pagbibigay laya kung ano ang nararapat sa kanila. Ang Qur‘an ay nagbabawal sa anumang pangaapi o pang-aabuso sa mga ari-arian ng iba; At huwag kamkamin ang ari-arian ng iba nang walang katarungan…
(Qur‘an 2:188)

Samakatuwid ang Islam ay nagtakda ng mga Batas at panuntunan na ang pagpapatupad rito ay nagbubunga ng pagkakaroon ng marangal na buhay ng bawat kasapi ng Islamikong lipunan. Ang mga panuntunan ay binubuo ng;

  • Ang Pagpapatubo (Riba) ay ipinagbabawal sapagkat ito ay isang uri ng pagsasamantala sa kakayahan ng mga tao o pagkuha sa ariarian ng tao sa di makatarungang paraan. Ang paglaganap ng pagpapatubo ay nagbibigay daan upang ang diwa ng kabaitan mula sa mga tao ay maglaho at ang paglago ng yaman sa kamay ng ilang tao. Ang Allah ( y) ay nagsabi; O kayong nananampalataya! Matakot sa Allah at talikdan kung ano ang nalalabi (pang utang) mula sa pagpapatubo, kung kayo ay tunay na sumasampalataya. At kung ito ay hindi ninyo gawin, inyong matatamo ang babala ng digmaan (galit) mula sa Allah at ng Kanyang Sugo. Nguni't kung kayo ay magsisi, inyong makukuha ang inyong puhunan (ng walang tubo). Huwag gumawa ng hindi makatarungan (ang pagbawi ng higit pa sa puhunan), upang kayo ay hindi gagawan ng hindi makatarungan (ang tumanggap ng kulang sa ipinautang).
    (Qur‘an 2:278-279)
  • Ang Deen ng Islam ay nanghihimok na magpautang. Ang Propeta ( s) ay nagsabi : Sinuman ang nagpautang sa isang Muslim ng dalawang ulit, siya ay makatatanggap ng gantimpala na ang katumbas ay ang gantimpala ng isang nagbigay ng isang ulit ng kawanggawa.
    (Abu Ya‘laa)

    Ang Batas ng Islam ay nag-utos na ang palugit ay maaaring ipagkaloob sa may pagkaka-utang kung ito ay walang sapat na kakayahan na magbayad. Ang isang tao ay hindi dapat malupit kung may hangaring magbayad sa kanyang pagkakautang. At ang isang taong may kakayahang magbayad nguni't ayay magbayad, kailangan gumawa ng ibang pamamaraan upang mapilitang magbayad. Ang Allah ( y) ay nagsabi; At kung ang may-utang ay nasa panahong tag-hirap, magkagayon, bigyan ng panahon hanggang ang pagbabayad ay magaan para sa kanya…
    (Qur‘an 2:280)

    Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi; Sinuman ang nagpautang ng salapi sa isang tao sa oras ng kanyang paghihirap, siya ay makatatanggap ng gantimpala ng kawanggawa sa bawat araw mula nang siya ay nagpautang. At sinuman ang magbigay ng palugit sa isang may-utang na walang maibayad, siya ay makatatanggap ng gantimpala katulad ng gantimpala sa pagkawanggawa araw-araw mula sa araw ng pagbibigay ng palugit.
    (Ibn Maajah)

  • Hinihimok ng Islam na bawasan ang pagkakautang kung nahihirapan sa pagbabayad (ang may utang), at mas higit na mabuti kung ang lahat ng utang ay ibibigay na lang bilang kawanggawa. Ang Allah ( y) ay nagsabi; At kung ang nagkautang ay nasa kagipitan (walang maibayad) inyong gawaran siya ng palugit hanggang maging madali sa kanya ang pagbabayad. Datapwa‘t kung inyong ipatawad sa paraang kawanggawa, higit itong mabuti para sa inyo, kung inyo lamang nalalaman.
    (Qur‘an 2:280)

    Ang Propeta ( s) ay nagsabi : Kung sinuman ang may nais na tulungan siya ng Allah sa kahirapan sa Araw ng Pagbabayad, dapat niyang bigyan ng palugit ang may pagkakautang sa kanya o kaya'y gawin siyang malaya sa kanyang utang.
    (Baihaqi)

  • Ang pagtatago at pagmonopolisa ng mga paninda o mga mahahalagang kagamitan ay ipinagbabawal sapagkat ang nangangalakal ay kukunin lahat ang mga produkto na kailangan ng mga tao at kanya itong itatago hanggat ang paninda ay magiging kakaunti, at doon niya ipagbibili sa halagang gusto niya. Ito ay nagbibigay ng higit na paghihirap sa mga tao at sa pamayanan, maging sa mahirap at sa mga mayayaman. Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi; Walang nagtatago (ng paninda) maliban sa mga makasalanan.
    (Muslim)

    Ayon kay Abu Yusuf ( d), estudyante ni Imam Abu Hanifah ( d);
    Ang pagtatago ng anumang pagkain ay napatunayang nakapipinsala sa publiko, ito ay itinuturing na Monopoliya kahit ito ay ginto o pilak. Sinuman ang nagtatago (ng pagkain) ay tunay na inaabuso ang karapatan niya sa pagkakaroon ng sariling ari-arian. Ang pagpipigil sa Monopoliya ay may layon na pangalagaan ang mga tao laban sa kapinsalaan, sapagkat ang tao ay mayroong kanya-kanyang pangangailangan, at ang Monopoliya ay nagbibigay pasakit sa tao.

    Ang isang namumuno ay maaaring puwersahin ang isang nagtatago ng mga paninda upang ipagbili ito sa kaukulang halaga na hindi nakakasira sa isang namimili o nagtitinda. Kung ang taong nagmomonopoliya ay tumangging ipagbili nito, ang namumuno ay maaaring magpasiya sa bagay na ito na ipagbili sa halagang ukol dito, na ang layon ay upang hadlangan ang mga nagsasamantala sa mga tao sa pagmo-monopoliya sa mga paninda.

  • Ipinagbabawal ang suhol na kinuha sa mga mangangalakal upang payagan silang magtinda ng kanilang paninda o kaya ay umangkat ng mga paninda mula sa ibang bansa. Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi; Ang isang nagpapataw ng suhol (Rizwa) sa mga mangangalakal, upang pahintulutan na magtinda ng kanilang paninda, ay hindi tatanggapin sa Paraiso.
    (Abu Dawood)

    Ang ―Rizwa‖ ay ang ipinagbabawal na salaping kinokolekta na ibinibigay rin sa mga walang karapatang tao. Lahat ng taong may kinalaman sa pangongolekta ng Rizwa, kasama na rito ang tagasingil, ang empleyado, saksi at taga-pagtanggap ay pumapailalim sa kasabihan ng Sugo ng Allah ( s); Walang katawan na lumaki mula sa ipinagbabawal na bagay ang maaaring papasok sa Paraiso. Ang Impiyerno ang higit na naaangkop sa kanila.
    (Ibn Hibbaan)

  • Ipinagbabawal ng Islam ang pagtatago o pag-iimbak ng kayamanan na hindi gugulin para sa kapakanan ng Allah ; ito rin ay para sa kapakinabangan ng bawat tao at ng pamayanan. Ang kayamanan ay nararapat na maipamahagi sa pamayanan upang mapasigla ang ekonomiya, at upang ang kabuhayan ng tao ay umunlad at para sa kabutihan at kapakinabangan ng lahat ng kasapi ng lipunan. Ang Allah ( y) ay nagsabi: …Sinuman ang nag-imbak (nagtago) ng ginto at pilak (mga salaping nauukol na Zakat sa mga ito ay hindi pa nababayaran), at hindi ginugugol sa landas ng Allah, bigyan sila ng balita ng napakasakit na kaparusahan .
    (Qur‘an 9:34)

    At dahil iginagalang ng Islam ang kalayaan ng bawat tao na magkaroon ng sariling ari-arian, itinakda rin ang mga tungkulin at karapatang nakaugnay dito. Ang mga tungkulin nito ay kinabibilangan ng; ang paggugol ng may-ari para sa kanyang sariling pangangailangan, ang paggugol para sa kanyang pamilya at kamaganakan na nasa kanyang kapamahalaan. Mayroong ibang mga karapatan hinggil sa bawat tao ng lipunan, katulad ng pagbabayad ng Zakat at Sadaqa. Ang tungkulin niya sa lipunan sa pangkalahatang kaunlaran – halimbawa ang pagpapatayo ng paaralan, pagamutan, bahay ng mga ulila, mga masjid at iba pang bagay na kapakanan ng lipunan. Ito ay siyang makapagpipigil sa pag-imbak ng salapi sa kamay ng ilang pangkat ng mamamayan.

  • Ipinagbabawal ang pagtimbang o pagsukat ng kulang, dahil ito ay isang uri ng pagnanakaw, panlilinlang at pandaraya. Ang Allah ( y) ay nagsabi; Sumpa sa mga nagbibigay ng kulang sa sukat at timbang (almutaffifun). Yaong kapag sila ang tumanggap sa pamamagitan ng pagsukat, ay humihingi ng ganap na sukat. Nguni't kung sila ay magbigay sa pamamagitan ng pagsukat o timbang, sila ay nagbibigay ng may kakulangan.
    (Qur‘an 83:1-3)
  • Ipinagbabawal ang pag-aantala o pagpigil sa mga pampublikong gamit, katulad ng tubig, kuryente at iba pa, na hindi pag-aari ng sinuman, at pinipigil ang mga tao sa pagkuha ng pakinabang sa mga ito. Ang Sugo ng Allah ( y) ay nagsabi; ―Mayroong tatlong tao na hindi kakausapin o titingnan ng Allah sa Araw ng Paghuhukom…ang isang taong nagtitinda at nagsisinungaling na sinasabing binili ang kanyang paninda sa mataas na halaga kaysa sa halaga ng bumili sa kanya; ang isang taong nagsusumpa ng walang katotohanan pagkatapos ng (banal na oras) ‗Asr (hapon na pagdarasal) upang makamkam ang pera ng isang Muslim, at ang isang tao na tumatangging magbigay ng tubig (sa masidhing nangangailangan). Sa araw na yaon, Ang Allah ay magsasalita sa kanila; ―ngayon ay Aking aantalahin ang Aking pagpapala katulad ng pag-antala mo sa pagbigay ng mga bagay na labis sa iyo para sa mga nangangailangan, samantalang hindi ikaw ang lumikha ng mga ito.
    (Bukhari)

    Ang Propeta ( s) ay nagsabi; Ang lahat ng Muslim ay may pantay na bahagi sa tatlong bagay; pampublikong gamit, tubig at apoy.
    (Ahmed)

  • Ang Deen ng Islam ay nagdala ng makatuwirang alituntinun o Batas sa Pamana; na dito ay ipinagkakaloob ang Pamana para sa mga dapat na maunang tagapagmana, kahimat sila ay mga bata, matanda, lalaki o babae. Sinuman ay walang karapatang magbigay ng anumang bahagi sa kaninumang kanyang nais. Ang isa sa mabuting bunga ng paghati-hati ng pamana ay ang pagbibigay ng bahagi sa yaman o ari-arian kahit gaano man ito kalaki o kaliit at iniiwasan na maimbak ang kabuuang halaga sa ilang pangkat ng tagapagmana. Ang Propeta ( s) ay nagsabi; Tunay na binigyan ng Allah ang bawat tao ng kanyang karapatan. Kaya huwag pahintulutan ang sinuman na mamahagi ng kahit na ano sa iba na nabigyan na siya ng kaukulang bahagi ng pagmamana.
    (Abu Dawud)

  • Ginawang batas ng Islam ang pagkakaloob pagkakakitaan, na may dalawang uri;

    • Pribadong Pagkakakitaan na angkop lamang sa pamilya at anak ng nagkaloob, upang sila ay maingatan mula sa kahirapan at pagpapalimos. Ang patakaran ng kanyang pagpapatibay ay dapat ang pagkakakitaan ay magsisilbing kawanggawa pagkaraang mawala lahat ang kamag-anak ng nagkaloob.
    • Pampublikong Pagkakakitaan na Pangkawanggawa na ginagamit upang mapanatili ang layunin ng kawanggawa; katulad ng gusali, ospital o pagamutan, paaralan, mga daan, pampublikong Aklatan, mga Moske, mga bahay ng mga ulila, at bahay pangmatanda at lahat ng bagay tumatangkilik sa kapakanan ng publiko.
  • Ang Deen ng Islam ay gumawa ng batas kung paano ipamahagi ng isang tao ang ibang parte ng kanyang kayamanan. Samakatuwid ang bawat Muslim ay may karapatan na ipamahagi ang ibang parte ng kanyang kayamanan, na siyang gagamitin pagkamatay niya sa mabuting layunin. Subali't ang Deen (Relihiyon ng Islam) ay nagbigay ng hangganan kung magkano ang pinakamalaking halaga na maaaring ipamahagi, ito ay ang ikatlong bahagi ng kabuuan ng kanyang kayamanan. Si Aamir bin Sa‘d ( d) ay nagsabi; Ang Propeta ay dumadalaw sa akin nang ako ay nasa Makkah at maysakit. Sinabi ko sa kanya, ‗Mayroong akong kaunting kayamanan, maaari ko bang ipamahaging lahat (bilang kawanggawa)? Siya ay sumagot, ‗Hindi‘. At sinabi ko, ‗Kung gayon, ang kalahati nito?‘ Siya ay sumagot, ‗Hindi‘. Kaya sinabi ko, ‗Ang ikatlong bahagi?‘ Siya ay sumagot, ‗Ang ikatlong bahagi ay labis din.‘ Kung iiwanan mo ang iyong mga tagapagmana na masagana, ito ay higit na mabuti kaysa iiwanan mo silang namamalimos. Kahit na ano man ang iyong gugulin, ito ay itatala bilang kawanggawa para sa iyo, kahit na ang isang subo ng pagkain na iyong isusubo sa iyong asawa. Maaaring itataas ng Allah ang iyong kalagayan at ang ibang tao ay makinabang sa iyo, at maaari din namang makapinsala sa ibang tao.
    (Bukhari)
  • Ipinagbabawal ng Islam ang lahat ng mga bagay na nasasakop sa salita ng Allah ( y) O kayong mananampalataya! Huwag lamunin ng ilan sa inyo ang ari-arian ng iba ng walang katarungan…
    (Qur‘an 4:29)

    Ang mga sumusunod ay napapabilang dito;
    • Ang kamkamin ang anuman na walang karapatan, dahil ito ay may layuning nakakasama sa iba at nagpapalaganap ng katiwalian sa pamayanan. Ang Propeta ( s) ay nagsabi; Sinuman ang kumamkam ng karapatan ng isang Muslim sa pamamagitan ng maling panunumpa, gagawin ng Allah na sapilitan ang Impiyerno sa kanya at ipagbabawal sa kanya ang Paraiso. Ang isang tao ay nagtanong; ‗Kahit na ba ang bagay na iyon ay walang halaga O Propeta ng Allah?‘ Sumagot siya; ‗Kahit na ito ay gaya lamang ng isang tangkay ng halamang ‗Arak‘.
      (Muslim)
    • Tungkol sa pagnanakaw, ang Propeta ( s) ay nagsabi; ‗Ang gumagawa ng pangangalunya ay hindi mananampalataya hanggang siya ay gumagawa nito, walang magnanakaw na mananampalataya hanggang siya ay nagnanakaw, at walang umiinom na tinatawag na mananampalataya hanggang siya ay umiinom.
      (Muslim)

      Ang pagnanakaw ay ang pagkamkam ng mga ari-arian o kayamanan ng isang tao na walang karapatan. Ang Allah ( y) nagsabi: At (para sa) lalaking magnanakaw at babaing magnanakaw, putulin (mula sa pulso) ang kanilang (kanang) kamay bilang kabayaran sa kasalanang ginawa, isang parusa bilang babala mula sa Allah. Ang Allah ang Ganap na Makapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan.
      (Qur‘an 5:38)

      Upang ang kamay ng isang tao ay putulin bilang kastigong parusa, ang mga sumusunod ay kailangang matugunan;

      • Ang ninakaw na bagay (ari-arian o kayamanan) ay dapat nasa pangangalaga at pag-iingat ng may-ari.
      • Ang layunin ng pagnanakaw ay hindi dapat sa pangangailangan ng pagkain, inumin o damit. Kung ang mga ito ang layunin, ang kamay ay hindi dapat putulin. Ito ay batay sa Paghuhusga ni ‗Umar ( d) sa taon ng ‗Ramaadah‘
      • Ang halaga ng ninakaw ay dapat umabot sa minimong halaga na itinalaga para ipatupad ang ganitong parusa.

      Ang mga ibang dalubhasa o iskolar ay nagsabi na ang pagsisisi (paghingi ng patawad) ay hindi tinatanggap hanggat hindi isinosoli ang mga bagay na ninakaw. Kung wala siyang ari-arian (nagnakaw), ang nagmamay-ari ng ari-arian (ninakawan) ay pakikiusapan na patawarin siya. Karagdagan dito, kung pinatawad ng nagmamay-ari (ng ninakaw) bago dumating ang kaso sa korte, samakatuwid, ang pagpuputol ay maantala at hindi na matutuloy.

    • Tungkol sa panlilinlang at pandaraya, ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi; Kung sinuman ang nang-aaway sa atin ay hindi siya kabilang sa atin, at kung sinuman ang nandaya sa atin ay hindi siya kabilang sa atin.
      (Muslim)
    • Tungkol sa pagsusuhol, ang Allah ( y) ay nagsabi; At huwag ninyong kamkamin ang mga pag-aari (o ari-arian) ng iba ng wlang katarungan, gayundin naman ay huwag kayong magbigay ng suhol sa sinumang namamahala (o hukom) upang inyong makamkam sa kamalian ang ilang bahagi ng pag-aari ng iba…
      (Qur‘an 2:188)

      Ang Propeta ( s) ay nagsabi; Isumpa sana ng Allah ang isang nagbibigay suhol at ang isang tumatanggap sa bagay na may kaugnayan sa pagpapasiya ng hukom.
      (Tirmidhi)

      Isinusumpa ng Allah ( y) ang isang nagbibigay ng suhol, dahil dito ang kasamaan sa pamayanan ay dumarami; kung hindi siya nagsuhol walang mangyayaring anumang pagsusuhol. At isinusumpa ng Allah ( y) ang isang tumatanggap ng suhol, dahil siya ay tumanggap ng bagay na wala siyang karapatan, at siya ay nagkanulo sa pagtitiwala na ibinigay sa kanya; unang-una pati siya ay sumasahod sa trabaho na ibinigay sa kanya.

    • Ipinagbabawal sa isang tao na magtinda ng isang bagay sa isang namimili pagkaraang ang isang kapatid ay nakipagkasundo na dito, maliban kung ito ay kanyang pauunlakan. Dahil ito ay nagdudulot ng pagkainggit at pagkapoot sa gitna ng mga tao sa pamayanan. Ang Propeta ( s) ay nagsabi; Huwag pahintulutan ang isang tao na magtinda ng isang bagay kung ang kanyang kapatid (nagtitinda) ay mayroong nang kausap dito (upang bumili), at ipinagbabawal ang ipagkasundo ang babae sa pagpapakasal kung ang isang kapatid ay nakipagkasundo na rito, maliban kung siya ay bigyan ng permiso.
      (Muslim)