Pagkilala sa mga katangian ng Islam
Maraming malinaw na mga kapahayagan sa Qur‘an at sa mga Hadeeth ng Propeta (
s)na nag-ulat na ang relihiyon ng mga Propeta ay nagaanyaya sa isang dakila at pangunahing
prinsipiyo, (i.e. ang Kaisahan ng Allah (
y) Nagpadala ng mga Propeta ang Makapangyarihang Allah (
y)sa sangkatauhan, at ang mga naunang mensahe ng bawat isa (Propeta) ay pinawalang-bisa
ng mga sumunod dito, mula kay Noah hanggang sa pagdating ni Muhammad (
s)Ang Propeta (
s) ay nagsabi;
ng mga Propetang nauna sa akin ay tulad ng isang
taong nagtayo ng isang bahay, na kanyang itinayo at binuo nang maganda at mahusay
maliban sa isang puwang ng isang tipak (ng bato); ang mga tao ay nagsisilibot sa
bahay at napapatingin nang may paghanga sa kabuuan nito at nagsasabing, 'kung inilagay
lamang sa puwang na ito ang tipak (ng bato)!' Ang Propeta (
s) ay nagsabi: 'Ako ang puwang na tipak (ng bato) na iyon, at ako ang Huli sa
(kawing ng) mga Propeta.'
(Bukhari #3342)
Wala ng ibang bagong Propeta at Sugo ang darating pa mula sa Allah (
y) pagkaraan ni Muhammad (
s) Ang pagbabalik ni Hesus (
a)ay tanda lamang ng pagdating ng Huling Oras. Si Hesus (
a) ay babalik dito sa lupa upang bigyang katarungan ang dating walang katarungang mundo.
Siya ay hindi darating upang magtatag ng panibagong relihiyon, bagkus ipangangaral niya ang tanging
isang relihiyon - ang Islam. Ang Propeta Muhammad (
s) ay nagsabi:
―Ang Oras (Huling Araw) ay hindi maitatatag hanggat ang anak ni Maria (Hesus) ay darating sa
inyo bilang makatarungang pinuno. Babakliin niya ang mga krus, papatayin niya ang mga baboy,
aalisin niya ang Jizya4 , at ang salapi ay sasagana hanggang walang sinuman ang tatanggap
pa nito.‖
(Bukhari)
Ang lahat ng mga Propeta ay nag-aanyaya sa Kaisahan ng Allah (
y) at itinatakwil ang pagbibigay katambal sa Kanya sa pagsamba at maging sa kapamahalaan.
Sila ay nagkakaisang nagpahayag na ang Allah (
y) ay malayo at malaya sa anupamang kakulangan o kapintasan. Sila ay nanawagan sa kani-kanilang
mga mamamayan na sambahin ang Tanging Nag-iisang Diyos, ang Allah (
y) na walang anumang tagapamagitan. Pinatnubayan nila ang sangkatauhan upang makamtan nila
ang tunay na kaligayahan sa mundong ito at maging sa Kabilang Buhay. Tinuruan ang mga tao na
magkakaroon ng magandang paguugali at kaaya-ayang galaw o kilos tungo sa pagpapaunlad ng sarili.
Ang Dakilang Allah, (
y) ay nagsabi:
Ipinag-utos Niya sa inyo ang katulad ng relihiyon na ipinag-utos kay Noah at ipinahayag sa iyo
(o Muhammad) at siya ring ipinagutos kina Abraham at Moises at Hesus na nagsabing: ‗Itatag
ang relihiyon at huwag magkahiwalay mula rito. Karumal-dumal para sa mga sumasamba sa mga
diyus-diyusan sapagkat sila ay naglalaan ng pagdalangin sa mga ito.
(Qur‘an 42:13)
-
Pinawalang-bisa ang mga naunang yugto ng relihiyon at ang Islam ang siyang huling yugto nito. Hindi tatanggapin ng Allah ( y) ang ibang relihiyon mula sa kanyang mga alipin. Ang Dakilang Allah ( y) ay nagsabi: "At Aming ipinahayag sa iyo (O Muhammad) ang Aklat (Qur'an) sa katotohanan, na nagpapatunay sa mga Kasulatan na dumating nang una pa rito at bilang saksi rito."
(Qur'an 5:48)At dahil ang Islam ay siyang wakas at huling yugto ng Deen (Relihiyon), ang Allah ( y) ay nangako na ito ay Kanyang pananatilihin at pangalagaan mula sa lahat ng uri ng pagbabago hanggang sa Araw ng Pagbabayad, hindi tulad ng mga naunang yugto ng relihiyon na ipinadala sa natatanging panahon at sa mga natatanging tao. Ang Dakilang Allah ( y) ay nagsabi: Alalahanin! Kami, tunay na Kami ang nagpahayag ng Paala-ala at Babala (Qur‘an) at katotohanan, ito ay Aming pangangalagaan.
(Qur‘an 15:9)Ang Sugo ng Islam na si Muhammad( s) ay siyang huli sa lahat ng Sugo Wala ng darating pagkaraan niya. Ang Dakilang Allah( y)ay nagsabi: "Si Muhammad ay hindi ama ng sinuman sa inyo, datapwa't siya ang Sugo ng Allah at huli sa lahat ng mga Propeta…".
(Qur'an 33:40)Ito ay hindi nangangahulugan na hindi kinikilala ng Islam ang mga naunang mga Sugo o kapahayagan… bagkus, si Hesus ay nagdala ng mensahe sa kanyang mga mamamayan ng tulad ng mensaheng ibinigay ni Moises sa kanyang mga mamamayan; at si Muhammad ( s) ay nagdala ng mensahe na siya ring mensaheng dinala ni Hesus , at ito ay ang pagsamba lamang sa Allah na hindi nagbibigay o nagaakibat ng anumang bagay bilang katambal sa pagsamba sa Kanya.
Si Muhammad ( s) ay ang huling Propeta at Sugo ng Allah ( s). Ang mga Muslim ay pinag-utusan na maniwala sa lahat ng Sugo at sa mga Banal na Kapahayagan. Sinuman ang hindi naniwala sa mga ito, ay nasadlak sa kawalan ng pananalig o paniniwala at sa gayon, siya ay lumisan mula sa pagiging Muslim (ituturing na hindi tunay na mananampalataya). Ang Dakilang Allah ( y)ay nagsabi; Katotohanan, yaong mga hindi nananampalataya sa Allah at sa Kanyang mga Sugo at nagnanais magbigay ng pagtatangi sa Allah at sa Kanyang mga Sugo na nagsasabing: ―Kami ay naniniwala sa ilan (sa mga Sugo) subali‘t tinatanggihan (namin) ang iba, at (sila‘y) nagnanais tumahak sa pagitang landas (ng paniniwala at kawalang ng paniniwala) . Ang katotohana‘y sila ay hindi (tunay na) mga mananampalataya. At Aming inihanda sa mga Kafir ang isang kahiya-hiyang parusa.‖
(Qur‘an 4:150-151) -
Binigyang kaganapan ng Islam ang mga batas na dala ng mga naunang Relihiyon. Ang mga batas na nauna ay nakaugnay at nag-ugat sa aspetong pang-ispirituwal na naglayon ng pagpapadalisay ng kaluluwa. Ang mga ito ay hindi tumatalakay sa pagsasaayos ng pangmaterial na bagay. Subali't ang Islam ay dumating upang gawing ganap at isaaayos ang kabuuang ng aspeto ng buhay. Ang Islam ay tumatalakay sa ugnayang relihiyon at makamundong gawain. Ang Dakilang Allah ( y) ay nagsabi: ―…Sa araw na ito Aking binigyang ganap ang inyong relihiyon at ipinagkaloob ang kagandahang loob sa inyo at pinili ang Islam bilang inyong relihiyon.
(Qur‘an 5: 3)Sa ganitong dahilan, ang Islam ay ang pinakamahusay na Deen (pamamaraan ng buhay). Ang Dakilang Allah ( y) ay nagsabi; "Kayo (mga Muslim) ang pinakamabuting pamayanan na lumitaw para sa sangkatauhan; (sapagka‘t) inyong ipinag-uutos ang Ma‘aruf (gawang kabutihan) at ipinagbabawal ang Munkar (gawang kasamaan), at kayo ay naniniwala sa Allah. At kung ang Angkan ng Kasulatan (Hudyo at Kristiyano) ay naniwala lamang, ito ay higit sanang mabuti para sa kanila. Mula sa kanila ay mayroon (din namang) Mu‘min (mga tapat na mananampalataya), ngunit karamihan sa kanila ay Fasiqun (palasuway sa Allah at mapaghimagsik laban sa kautusan ng Allah)."
(Qur'an 3:110) -
Ang Islam ay pangkalahatang Relihiyon na ang mensahe ay nakalaan sa lahat ng tao, sa lahat ng pook at sa lahat ng panahon. Ito ay hindi ipinahayag para sa mga natatanging lahi, uri, bansa o panahon. Ito ang Deen (Relihiyon) na ang lahat ng tao ay pantay-pantay. Walang pagkakaiba batay sa kulay, wika, angkan o lugar, subali't ito ay batay sa isang uri ng paniniwala na siyang nagbubuklod sa lahat ng tao. Sinuman ang may pananampalataya sa Allah ( y) na Siya lamang ang Tunay na Rabb (Panginoon), na ang Islam ay ang tunay na Deen (Relihiyon) at si Muhammad ay huling Sugo ( s), siya ay (kabilang na) isa ng Muslim. Ang Dakilang Allah ( y) ay nagsabi: At ikaw ay Aming isinugo bilang tagapagdala ng magandang balita at tagapagbabala sa Sangkatauhan...‖
(Qur‘an 34: 28)Tungkol sa mga naunang mga Sugo, sila ay ipinadala sa kani-kanilang pamayanan. Ang Dakilang Allah ( y) ay nagsabi tungkol kay Noah ( a): "Katotohanang Aming isinugo si Noah sa kanyang pamayanan!..."
(Qur'an 7:59)Tungkol kay Propeta Hud ( a), ang Dakilang Allah ( y) ay nagsabi: "At sa (Tribu ng) A'ad (Aming isinugo) ang kanilang kapatid na si Hud, Siya ay nagsabi: O aking mamamayan! Sambahin ninyo ang Allah! Wala kayong iba pang ilah (diyos) maliban sa Kanya…"
(Qur'an 7:65)Tungkol kay Salih ( a), ang Dakilang Allah ( y) ay nagsabi: "At sa (Tribu ng) Thamud (ay Aming isinugo) ang kanilang kapatid na si Salih. Siya ay nagbaya: O aking mamamayan! Sambahin ninyo ang Allah! Kayo ay wala ng iba pang ilah (diyos) maliban sa Kanya…"
(Qur'an 7:73)Hinggil kay Lut , ang Dakilang Allah ( y) ay nagsabi: "At (alalahanin) si Lut, nang sabihin niya sa kanyang mamamayan: 'Inyo bang ginagawa ang pinakamasamang kasalanan, na wala pang sinumang nauna sa inyo sa lahat ng mga nilalang?"
(Qur'an 7:80)At tungkol kay Shu'aib , ang Dakilang Allah ( y) ay nagsabi; "At sa (mamamayan ng) Madyan (Midian) ay (Aming isinugo) ang kanilang kapatid na si Shu'aib, siya ay nagbadya: 'O aking mamamayan! Sambahin ninyo ang Allah, wala na kayong iba pang ilah (diyos) maliban sa Kanya…"
(Qur'an 7:85)Tungkol kay Moises, ang Dakilang Allah ( a) ay nagsabi: "At pagkaraan nila (mga naunang Sugo) ay Aming isinugo si Moises na kasama ang Aming mga Tanda (Himala) kay Paraon at sa kanyang mga pinuno…"
(Qur'an 7:103)At hinggil kay Hesus , ang Dakilang Allah ( y) ay nagsabi; "At (alalahanin) nang si Hesus, ang anak ni Maria, ay nagsabi: 'O Angkan ng Israel! Ako ay isang Sugo ng Allah na ipinadala sa inyo, na nagpapatunay sa Torah (mga Batas) na ipinadala (sa inyo) nang una pa sa akin…"
(Qur'an 61:6)Dahil sa katotohanan na ang Islam ay pangkalahatang relihiyon at ito ay nag-aanyaya sa buong sangkatauhan, ang Dakilang Allah ay naguutos sa lahat ng mga Muslim na iparating ang mensahe sa buong mundo. Ang Dakilang Allah ( y) ay nagsabi: ―Kaya‘t, ginawa Namin kayong isang makatarungang (at pinakamabuti) Ummah (pamayanan) upang kayo ay maging saksi sa sangkatauhan, at ang Sugo ay maging saksi sa inyo.
(Qur‘an 2:143) -
Ang mga batas at mga katuruan ng Islam ay nagmula sa Dakilang Allah ( y) kaya naman walang anumang pagbabago sa mga ito. Hindi tulad ng mga batas na ginawa ng tao na laging nang may kamalian at kakulangan sanhi na rin ng maraming dahilan tulad ng kapaligiran, kultura, kaugalian at lipunan. Ito ay isang bagay na nasasaksihan sa kasalukuyan. Ang mga batas na ginawa ng tao ay lagi nang nangangailangan ng pagbabago at pagsusuri. Ang batas na angkop sa isang lipunan ay hindi naaangkop sa ibang lipunan at ang angkop sa ibang panahon ay hindi angkop sa ibang panahon. Katulad ng mga batas ng pamayanang Kapitalista na hindi angkop sa mga Komunista. Sinuman ang magnais magpanukala ng bagong batas sa isang pamayanan ay dapat niyang isaalang-alang ang paniniwala o hangarin o layunin ng madla. Karagdagan pa rito, ang isang taong maalam ay maaaring magbigay ng panukala at pagsalangsang o pagsalungat o karagdagan sa mga dating batas.
Tungkol sa mga batas ng Islam, ang mga ito ay itinuturing na banal at ganap, sapagkat ang gumawa nito ay ang Makapangyarihang Tagapaglikha ng lahat ng mga bagay, Siya ang nakababatid nang ganap kung ano ang mabuti sa tao sa natatanging panahon at kung ano ang mabuti sa kanilang pamumuhay. Walang sinuman ang maaaring magkaroon ng karapatang salungatin, baguhin, dagdaan o bawasan ang mga batas (ng Islam) maging anuman ang kanyang katayuan o kalagayan o pinag-aralan. Ang Dakilang Allah ( y) ay nagsabi: Sila ba, kung gayon, ay humahanap ng Hatol (batay) sa (panahon ng Jahiliyah [Kamangmangan ])? At sino ba ang nakahihigit sa Allah sa paghatol sa mga taong may matatag na pananampalataya?
(Qur‘an 5:50) -
Ang Deen (Relihiyon) na Islam ay isang Deen na ang mga paksa o nilalaman ay pangkalahatan, naaangkop sa lahat ng panahon at pook. Ito ay nagpapakilala ng mga pangkalahatang prinsipiyo at mga aral na hindi maaaring baguhin, ang mga (batas na) ito ay hindi kumukupas sa paglipas ng panahon o sa pagbabago ng pook o kalagayan ng mamamayan maging ito man ay mga alituntunin na tumatalakay sa mga paniniwala, tulad halimbawa ng paniniwala sa Allah ( y), sa Kanyang mga Anghel, sa mga Kapahayagan, sa mga Sugo, sa Huling Araw, sa Kahihinatnan. O kaya naman hinggil sa alituntunin ng pagsamba, tulad halimbawa ng mga bilang ng 'rakah' (yunits) sa pagdarasal at ang mga oras nito, ang halaga na dapat ibibigay sa obligasyon ng Zakah (kawang-gawa) at kung kanino dapat ibigay, ang mga oras ng ubligadong pag-aayuno at ang mga katangian at patakaran sa 'Hajj' (paglalakbay sa Makkah).
Bawat bagong paksa, bagay o pangyayari ay nararapat na sinusuri batay sa Qur'an at sa mapananaligang Sunnah ng Propeta ( s) upang ito ay mabigyan ng kaukulang pasiya pagkaraan ng masusing pag-aaral. Kung ang maliwanag na pasiya ng isang paksa, bagay o pangyayari ay hindi maaaring hanguin mula sa Qur'an at sa Sunnah ng Propeta ( s), ang mga mapagkakatiwalaan (may ganap na takot sa Allah, y) at mabuting mga pantas o paham ay kailangan gumawa ng hakbangin (Ijtihad) sa bawat panahon kaakibat ng pagsaaalang-alang sa kapakanan ng mga Muslim batay sa kalagayan ng mga mamamayan at lipunan. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng masusing pagsusuri ng pangkalahatang kahulugan ng kapahayagan (talata o Ayaat ng Qur'an) at pinag-aaralan mabuti ang ibat-ibang simulain na hinango mula sa Qur'an at Sunnah; tulad ng mga sumusunod;
- Ang lahat ng bagay ay pinahihintulutan maliban sa ipinagbawal ng Batas ng Islam.
- Iniingatan at pinangangalagaan ang kapakanan.
- Ang Islam ay magaan o maginhawa at madaling Deen (Relihyon) at naglalayong pawiin ang lahat ng kahirapan.
- Ang lahat ng kahirapan o kapinsalaan ay pinapawi.
- Hinahadlangan ang kasamaan, pinipigil nito ang pinag-uugatan upang hindi lumaganap.
- May mga mahihigpit na pangangailangan o dahilan na maaaring pahintulutan ng batas ng Islam (tulad halimbawa sa maselang sakit o operasyon ng babaing maysakit, pinahihintulutan ang doktor na lalake sa tawag ng kaligtasan kung walang babaeng doktora na maaaring magsagawa nito.
- . Ang malubhang dahilan o pangangailangan ay pinahihintulutan ayon sa kalagayan. (halimbawa, kung ang isang tao ay nasa isang disyerto at walang anumang tubig na maaaring inumin, at mayroong isang inuming nakalalasing, ito ay maaari niyang inumin pansamantala habang wala pang tubig. Sa ganitong gipit na kalagayan, higit na nangunguna ang kaligtasan.
- Ang pag-alis o pag-iwas sa kapinsalaan ay pinagtutuunan nang higit kaysa pagkakaroon ng kapakinabangan mula rito.
- Sa isang gipit na pagkakataon, na kung walang pagpipilian sa dalawang kasamaan, dapat niyang piliin o gawin ang magaan na kasamaan sa dalawa.
- Ang kasamaan ay hindi nararapat supilin ng parehong kasamaan.
- Ang natatanging kasamaan ay dapat pigilin upang hindi lumala o makapinsala sa pangkalahatan.
Marami pang ibang mga panuntunan na tulad ng mga ito. Sa pagsasagawa ng Ijtihad, (ang mga paham/pantas) ay hindi dapat pangibabawan ng kaniang sariling hangarin o pithaya, o kaya naman ay gamitin niya ito sa pansariling kabutihan. Nararapat niyang gawin ang lahat sa kapakanan ng mga tao na hindi sumasalungat sa mga katibayan mula sa kapahayagan. Ito ay sa dahilang ang Islam ay naaangkop at tumutugma sa bawat panahon, at ipinagkakaloob nito ang pangangailangan ng bawat lipunan.
-
Walang mga diskriminasyon sa Deen (Relihiyon) ng Islam. Ang lahat ng alituntunin ay nababagay sa lahat, walang pagkakaiba sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap, ng mga matataas na tao at aba, ng namumuno at ang mga pinamumunuan, ang mga puti at itim. Ang lahat ay pantay sa pamamalakad ng batas ng Islam (Shari'ah).
During the time of the Prophet ( s) a woman from the clan of Makhzoom from the tribe of the Quraish (the most noble clan of the most noble tribe) committed theft.
Noong panahon ng Propeta ( s), isang babae mula sa angkan ng Makhzoom at mula sa tribo ng Quraish (ang pinakamarangal na angkan ng mga dakilang tribo) ay nagnakaw. Ang mga ibang taong nakapaligid sa kanya ay nagsabi, 'Sino ang mamamagitan sa Sugo ng Allah ( s) para sa kapakanan niya (babae)?' Ang mga iba ay nagsabi, 'Sino pa ang may lakas ng loob kundi si Usaamah bin Zaid ( d), ang pinakamamahal ng Sugo ng Allah ( y),' Si Usaamah ay nagtangkang mamagitan, at ang Propeta ( s) ay nagsabi, 'Ikaw ay ba namamagitan sa isa sa mga itinakdang kaparusahan ng Allah ( y)?' Ang Propeta ( s) ay tumayo sa pagkakataong iyon at nagsalita; "O aking mamamayan, ang bagay na nakasira sa mga taong nauna sa inyo ay kung ang isang mataas o marangal na tao ay nagnakaw, hindi nila ito pinarurusahan, subali't kung ang isang dukha ay nagnakaw, minamabuti nilang ipataw ang kaparusahan na pinagtibay ng Allah ( y) sa kanya. Ako ay nanunumpa sa Allah, na kung si Fatimah na anak ni Muhammad ay nagnakaw, puputulin ko ang kanyang kamay (Muslim)
-
Ang mga pinagmulang kapahayagan ng Deen (Relihiyon) ng Islam ay narito pa rin sa kasalukuyan na nasa orihinal na kaayusan, malaya sa anumang pagbabago, pagbabawas, pagdaragdag o pagpapalit. Ang pangunahing pinagkunan ng Deen ng Islam ay ang Qur'an at ang Sunnah ng Sugo ng Allah.
Ang Qur‘an sa kasalukuyan ay nasa orihinal nitong anyo, tulad nang una itong ipinahayag kay Propeta Muhammad , ( s) na ang bilang ng mga titik, mga talata at mga kabanata ay hindi nagbago kahit munti man.
Ang Propeta ( s) ay nagtalaga ng mga iskribo (manunulat) mula sa mga pinakamabubuti niyang kasamahan upang isulat ang mga ipinahayag sa kanya ng Allah ( y), tulad nina Ali , Mu‘aawiyah , Ubay bin Ka‘b at si Zaid bin Thaabit . Kapag siya ay nakatatanggap ng mga kapahayagan mula sa Dakilang Allah, inuutusan niya ang kanyang mga tagasulat na isulat ang mga naipapahayag, at sinasabihan kung saang kabanata ito nararapat. Naisaulo at naisulat ang buong Qur‘an at maging sa puso ng mga Muslim.
Ang mga Muslim ay nagbigay ng malaking pagpapahalaga sa Aklat ng Allah ( y). Sila ay nagpapaligsahan sa bawat isa na matuto at ituro ito, upang sa gayon ay makatanggap ng gantimpala tulad ng pangako ng Propeta( s) promised: "Ang pinakamabuti sa inyo ay yaong mga nag-aaral sa Qur‘an at nagtuturo nito (sa mga tao)". (Bukhari)
Sila ay gumugugol ng panahon at yaman upang makapaglingkod, ingatan at isaulo ang Qur‘an. Ang mga Muslim ay naghatid sa Qur‘an mula sa mga unang nakaraang henerasyon hanggang sa mga bagong henerasyon, (isinaalang-alang na ang pagmemorya at pagbasa nito ay isang gawaing pagsamba). Ang Propeta ( s) ay nagsabi ; "Sinuman ang bumasa (bumigkas) ng isang titik ng Qur‘an, siya ay makatatanggap ng sampung gantimpala. Hindi ko ibig sabihin na ang ‗Alif Laam Meem‘ ay isang titik, subali't ang ‗Alif‘ ay isang titik, ang ‗Laam‘ ay isang titik at ang ‗Meem‘ ay isang titik" (Tirmidhi)
Ang pangalawang batayan (Batas ng Islam) ay ang Sunnah ng Sugo ( s) na tumayo bilang pagbibigay linaw at pagpapaliwanag ng Qur‘an. Pinangalagaan ito ng Allah ( y) mula sa anumang pagbabago at sa lahat ng pagkasira o katiwalian sa pamamagitan ng mga mabubuti at mapagkakatiwalaang iskolar o maalam na Muslim na nagsakripisyo ng kanilang buhay upang pag-aralan ang mga tradisyon ng Sugo ng Allah ( y), at ang mga kawing ng mga tagapagsalaysay, sinuri at masusing siniyasat kung ang mga sinasalaysay ay tunay nga (o maisasaalangalang) na nagmula sa Propeta ( s). Sinusuring mabuti ang lahat ng mga isinasalaysay kung ito ay nanggaling nga sa Propeta ( s), at hindi tinanggap ang mga salaysay na walang matibay na batayan at hindi napatunayan. Ang mga salaysay na ito ay dumating sa ating panahon na malaya mula sa anumang katiwalian o kasinungalingan. Sinuman ang magnais manaliksik sa pamamaraang ginawa upang pangalagaan ang Sunnah (ng Propeta ( s)), ay maaari silang sumangguni sa mga Agham ng Hadeeth. Magiging malinaw sa mga mananaliksik sa mga Agham na ito ay walang alinlangan tungkol sa mga isinalaysay na Hadeeth na umabot sa atin, at kanila ding mapag-aalaman ang malaking hirap na ginugol ng mga iskolar ng Islam sa paglilingkod upang mapanatili ang Sunnah ng Propeta( s).
-
Itinuturing ng Deen (Relihiyon) ng Islam na pantay ang lahat ng tao sa kanilang likas, maging ito man ay ukol sa kasarian, kulay o wika. Ang unang taong nilikha ng Allah ( y) ay si Adan. Siya ang ama ng sangkatauhan. At mula kay Adan nilikha ang kanyang asawa na si Eva, ang ina ng sangkatauhan, at mula sa kanilang dalawa, pinapangyaring dumami ang tao. Sa kanilang orihinal na likas, ang lahat ng tao ay magkakatulad. Ang Dakilang Allah ( y) ay nagsabi ; O sangkatauhan! Matakot sa inyong Rabb (sa pamamagitan ng pagtalima sa Kanyang kautusan), na Siyang lumikha sa inyo mula sa iisang tao (Adam), at mula sa kanya ay nilikha Niya ang kanyang asawa [Hawwa (Eba)], at mula sa kanila‘y nilikha Niya ang maraming kalalakihan at kababaihan. At matakot sa Allah na Siyang hinihingan ninyo (ng inyong mga karapatan) sa isa‘t isa, at (huwag putulin ang ugnayan) ng mga sinapupunan (kamag-anakan). Katiyakan, ang Allah ay Lagi nang Nakamasid sa inyo. (Qur‘an 4:1)
Si Propeta Muhammad ( s)ay nagsabi: Katotohanan na inalis ng Allah sa inyo ang (iba't ibang uri ng) pagmamalaki (na inyong naramdaman) sa panahon ng kamangmangan bago dumating ang Islam, at ang kamangmangan sa pagkakaroon ng pagmamalaki sa inyong lahi. (Ang mga tao ay dalawang uri) ; ang sumasampalataya na may takot sa Allah at ang taong walang paniniwala na isinumpang makasalanan. Ang lahat ng tao ay anak ni Adan at si Adan ay (nilikha mula sa) alabok. (Tirmidhi)
Ang mga tao na nabubuhay at mabubuhay pa sa mundong ito ay mula sa lahi ni Adan. Sila ay nagsimula sa iisang Deen (Relihiyon) at mayroong silang iisang wika nguni't dahil sa pagdami ng tao sila ay nangagkalat sa ibat ibang dako ng mundo at lupain. At ito rin ang dahilan kung bakit nagkaiba ang kulay at likas ng tao (bunga ng kapaligiran) at nagkaroon ng ibat-ibang wika. At ito ang pinagmulan ng iba‘t ibang kaisipan, pamamaraan ng pamumuhay at paniniwala. Ang Allah ( y) ay nagsabi: Ang sangkatauhan (noon) ay nag-iisang pamayanan (isang relihiyon) lamang (nang malaunan) sila ay nagkaiba-iba; at kung hindi lamang para sa isang Salita na inilahad noon ng iyong Panginoon, marahil malaon nang nalutas sa pagitan nila ang tungkol sa anumang kanilang ipinagkaiba." (Qur'an 10:19)
Sa mga aral ng Islam ay naglalagay sa tao sa pantay na katayuan na hindi isinasaalanag-alang ang kanilang kasarian, lahi, wika o pook. Lahat ay pantay sa paningin ng Allah ( y). Sila ay nagkaiba lamang sa pagsasagawa at pagsasakatuparan sa Deen ng Allah ( y). Ang Dakilang Allah ( y) ay nagsabi: O sangkatauhan! Alalahanin! Nilikha namin kayo bilang lalaki at babae at ginawa Namin kayong isang pamayanan at lahi upang kayo ay mangagkakilala. Alalahanin! Ang pinakamarangal sa inyo sa paningin ng Allah ay yaong mayroong magandang asal. (Qur‘an 49: 13)
Batay sa pagkapantay-pantay na kinilala ng Islam, lahat ng tao ay pantay sa karapatan sa kalayaan na pinangangalagaan ng Islam at hindi pinahihintulot ang makahayop na kalayaan; tulad ng pagsasagawa ng kahit na anong nais gawin.
Sa Islam ang Lahat ng Tao ay may Karapatan at Kalayaan
-
Kalayaan sa pag-iisip at pagpapahayag ang sariling opinyon. Ang Islam ay nanghihimok sa kanyang mga tagasunod na magsabi ng katotohanan at ipahayag ang kanilang kaisipan tungkol sa anumang bagay – lalu na ang mga nakabubuting paksa na dapat bigyang-pansin na walang dapat pangambahan. Ang Propeta ( s) ay nagsabi; Ang pinakamabuting pagsasagawa ng jihad ay ang pagsasabi ng katotohanan sa harapan ng isang mapaniil at mapang-aping pinuno. (Abu Dawood)
Ang mga kasamahan ng Sugo ng Allah ( s)ay patuloy na tinatangkilik ang prinsipiyong ito. Minsan, may isang tao ang nagsalita kay Omar bin Khattab na nagsabing: ‗Matakot ka sa Allah, O pinuno ng mga Mananampalataya!‘ Ang isang tao ay nagprotesta at nagsabing; ‗May lakas ka ng loob na magsabi sa pinuno ng mga Mananampalataya, na matakot sa Allah?‘, Sa pagkakataong iyon si Omar ay nagsabi: ―Hayaan mong sabihin niya, dahil wala kang halaga kung hindi mo sasabihin sa amin iyan, at kami ay wala rin halaga kung hindi namin tatanggapin ito.
Sa isa pang pagkakataon, si Ali ay humatol sa isang partikular na bagay na batay sa kanyang sariling opinyon. Nang si Omar, (na siyang pangalawang Khaleefah nang panahong iyon) ay tinanong kung ano ang kanyang masasabi sa pasiya (ni Ali, ), at siya ay sumagot, ‗Kung ako ang tinanong hinatulan ko sana ng (ganito at ganito…)‘. At nang siya ay tinanong bakit hindi siya nakipagtalo kay Ali dahil siya ang pinuno ng mga Matatapat, siya ay sumagot; Kung ang bagay na ito ay mababasa sa Qur‘an at Hadeeth, akin itong tatanggihan. Nguni't ito ay isang bagay na batay lamang sa kanyang sariling opinyon at ang opinyon ay karaniwan na maaaring ito ay tama o mali, at sinuman ay hindi nakatitiyak kung aling pananaw ang higit na tama sa paningin ng Allah.Bawat isa ay may karapatan at malayang magkaroon ng sariling ariarian at legal na hanap-buhay. Ang Allah ( y) ay nagsabi; At huwag ninyong pag-imbutan ang mga bagay na ipinagkaloob ng Allah sa iba nang higit sa inyo. Sa mga kalalakihan ay mayroong gantimpala mula sa kanilang pinagpaguran at (gayon din) sa kababaihan ay mayroong gantimpala mula sa kanilang pinagpaguran… (Qur‘an 4: 32)
- Bawat isa ay may karapatan at malayang magsikhay ng karunungan o edukasyon. Ayon sa Sugo ng Allah ( s ) na nagsabi: Ang paghahanap ng kaalaman ay isang tungkulin ng bawat Muslim. (Ibn Maajah)
- Bawat isa ay may karapatang gamitin ang mga mabubuti at likas na yaman ng mundong ito na ipinagkaloob ng Allah ( y) batay sa alituntunin ng Deen (Relihiyon). Ang Allah ( y) ay nagsabi: Ginawa Niya ang kalupaan upang sumailalim sa inyong kapamahalaan (makalakad, makapamuhay at makapagtanim atbp. dito), kayat humayo sa landas nito at kumain sa Kanyang biyaya. At sa Kanya ang pagkabuhay muli (ng mga patay). (Qur‘an 67: 15)
-
Bawat isa ay may karapatang mamuno sa isang lipunan kung siya ay karapat-dapat at may kakayahang pasanin ang tungkuling nakaatang
sa kanya. Ang Sugo ng Allah (
s) ay nagsabi:
Kung ang isang tao na binigyan ng kapamahalaan para sa mga Muslim nguni't siya ay gumawa ng pandaraya o panlilinlang siya
ay papasok sa Impiyerno.
(Ahmed)
Itinuturing ng Islam na isang pagtataksil ang ipinagkaloob ang Tiwala ng Allah ( y) isang taong hindi nararapat (hindi marunong), at ito ay isang palatandaan na ang wakas ng mundo at ang Araw ng Pagbabayad ay nalalapit na. Ang Propeta ( s) ay nagsabi: ―Kung ang tiwala ay pinagtaksilan (itinakwil), magkagayon maghintay sa pagdating ng Oras (Huling Araw). Ang isa sa kanyang mga kasamahan ay nagtanong, ‗Papaano ito pinagtaksilan (itinakwil) O Sugo ng Allah?‘ Siya ay sumagot, ‗Kung ang kapangyarihan o pamumuno ay maibigay sa hindi nararapat, magkagayon hintayin ang pagdating ng Oras. (Bukhari) -
Ang Islam ay walang independiyenteng ispiritwal na namumuno na may ganap na kapangyarihan katulad ng ibang relihiyon. Sapagkat,
katotohanan na inalis ng Islam ang anumang tagapamagitan sa tao at Diyos (Allah).
Isinusumpa ng Allah (
y) ang mga nang-iidolo sapagkat kanilang sinasamba ang mga tagapamagitan sa pag-aalay
ng pagsamba. Ang Allah (
y) ay nagsabi:
Katiyakan, ang Deen (Relihiyon) ay tanging para sa Allah lamang. At sila na tumatangkilik sa iba pang Auliya (mga tagapangalaga
at tagapagtangkilik) bukod pa sa Kanya (ay nagsasabi): 'Sila ay aming sinamba
lamang upang mapalapit kami sa Allah.
(Qur‘an 39:3)
Pagkaraan, ang Allah ( y) ay binigyang liwanag ang kataotohanan ng mga namamagitan na wala silang kakayahan na magbigay ng ikabubuti o ikasasama, at hindi rin mapangalagaan ang kanilang mismong sarili. Sila ay mga nilikha lamang. Ang Allah ( y) ay nagsabi; Alalahanin! Yaong inyong dinadalanginan bukod sa Allah ay aliping katulad ninyo. Kayat tawagin sila ngayon at hayaang sumagot sa inyo, kung kayo nga ay makatotohanan. (Qur‘an 7: 194)
Kaya ang Islam ay nagtatag at nagpatibay ng isang konsepto ng tuwirang ugnayan ng tao at Allah ( y). Ito ay batay sa ganap na paniniwala sa Allah ( y) bilang nag-iisang Diyos na dapat sambahin at humaharap lamang sa Kanya nang tuwiran sa paghingi ng mga pangangailangan ng bawat isa at kapatawaran, tulong at mga panustos na walang ibang tagapamagitan. Ang sinumang nakagawa ng kasalanan ay nararapat lamang humingi ng kapatawaran, itaas ang mga kamay at buong pagpapakumbaba sa harap ng Allah ( y), kahit kailan at kahit saan man siya naroon. Ang Allah ( y) ay nagsabi: Sinuman ang nakagawa ng kasamaan o kasalanan laban sa kanyang kaluluwa at pagkaraa‘y humingi ng kapatawaran ng Allah, kanyang matatagpuan ang Allah na mapagpatawad at Maawain. (Qur‘an 4: 110)
Sa Islam, ay walang pari, obispo o papa na nagbibigay ng pahintulot o pagbabawal nang ayon lamang sa kanilang sariling pagpapasiya. Walang may karapatang magpatawad ng kasalanan ng iba o gumawa ng bagong alituntunin at batas sa Deen (Relihiyon), o baguhin ang kanilang paniniwala. Ang karapatan ng paggawa ng batas ay sa Allah ( y) lamang. Tulad ng paliwanag ng sumusunod na kabanata : ―Sila (Hudyo at Kristiyano) ay nagtuturing sa kanilang mga ‗rabbi‘ (maalam na tao sa relihiyon) at ng mga monako (pari) bilang Panginoon maliban pa sa Allah.‖ (Qur‘an 9: 31)
Si Propheta Muhammad ( s) ay nagpaliwanag, Sila (mga Hudyo at Kristiyano) ay hindi sumamba sa mga ito (tulad ng pagdalangin sa mga ito atbp.), subali't nang (ang mga pari at rabbi) ay gumawa ng mga bagay na pinahintulutan, sila ay sumunod lamang, at nang sila ay gumawa ng pagbabawal na bagay, sila ay sumunod sa ipinagbabawal sa kanila. (Tirmidhi) -
Ang Islam ay nagbigay ng tiyak na karapatan sa bawat isa sa lipunan, bawat isa ay ayon sa ibat-ibang tungkulin na ginagampanan
sa pamayanan. Ito ay upang maging mahusay ang pamumuhay at mapabuti ang kaugalian
ng lahat, nang sa gayon ay makinabang ang lahat sa (pamamaraan) ng Deen. Ang mga
magulang, mga anak, kamag-anak, mga kapit-bahay, mga kaibigan atbp, ay mayroong katiyakang
karapatan na ipinapatupad ng Islam. Ang Allah (
y) ay nagsabi:
―Sambahin ninyo ang Allah at huwag kayong magtambal ng anuman sa Kanya. Maging magalang kayo sa inyong mga magulang, kamag-anak,
at mga ulila, mga nangangailangan, at maging sa inyong mga kapitbahay na inyong
kaanak at mga hindi kaano-ano, at ganoon din sa mga naglalakbay at napadpad sa
inyong lugar, at maging sa mga alipin na inyong pinamamahalaan. Katotohanan!
Hindi minamahal ng Allah ang mga mapagmataas at mayayabang.‖
(Qur‘an 4:36)
Ang Propeta ( s) ay nagsabi: Huwag mainggit sa isa't isa, huwag purihin ang isang bagay na itinitinda kung hindi ito bibilhin, huwag magalit o makipag-away sa isat-isa, at huwag magtakwil sa bawat isa o putulin ang pagkamag-anakan, at huwag mag-alok ng mababang halaga ng isang bagay sa inyong kapatid na alam ninyong siya ay may kasunduan na sa iba. Datapwat maging alipin ng Allah at dapat maging tunay na kapatid sa bawat isa. Ang Muslim ay kapatid ng isang Muslim, siya ay makatarungan sa kanyang kapatid, siya ay hindi nagtataksil, hindi nagsisinungaling at hindi minamaliit ang kanyang kapatid. Ang kabanalan at ang pagka-matakutin sa Allah ay naririto (itinuro ang kanyang puso ng tatlong beses). Itinuturingng napakasama ang hamakin ang kanyang kapatid na Muslim. At ipinagbabawal ang paglapastangan laban sa dugo ng kanyang kapatid na Muslim, laban sa kanyang kayamanan at dangal. (Muslism)
At sinabi rin ng Propeta ( s) : Hindi kayo magiging tunay na mananampalataya hanggang hindi ninyo minamahal ang inyong kapatid nang tulad ng pagmamahal ninyo sa inyong sarili. (Bukhari)
Kahit na ang mga taong nagpapakita ng laban sa Islam ay may karapatan. Si Abu Azeez bin Umair , ang kapatid ni Mus‘ab bin Umair ay nagsabi; Ako ay nabihag sa panahon ng digmaan ng Badr, at narinig ko ang Propeta na nagsabi; ‗Pagsilbihan ang mga bilanggo nang mahinusay sa grupo ng mga ‗Ansaar13‘, at nang sila ay kumain ng tanghalian at hapunan, sila ay kumain lamang ng datiles at pinakain ako ng tinapay14, dahil sa kautusan ng Propeta sa kanila. (Tabaraani)
Ang Deen ng Islam ay nagbigay katiyakan sa karapatan ang mga hayop. Ang Propeta ( s) ay nagsabi: Sinuman ang pumatay ng ibon o anupamang hayop ng walang tiyak na karapatan, tatanungin siya ng Allah tungkol dito. Siya ay tinanong; ‗O Propeta ng Allah! Ano ang katiyakan niyang karapatan?‘ Siya ay sumagot, ‗Siya ay patayin upang kainin… at huwag putulin ang ulo, at itapon ito!‘ (Targheeb)
Nang madaanan ng Propeta ( s) ang isang kamelyong patpatin dahil sa gutom, siya ay nagsabi; Matakot sa Allah nang dahil sa ganitong (kalagayan ng) hayop, na hindi masabi ang kanilang karapatan. Kung sila ay inyong sasakyan, dapat pakainin nang maayos (upang maging malakas sa gawain), at kung sila ay para sa pagkain, dapat silang pangalagaan nang mabuti (upang maging mataba at malusog). (Abu Dawud)
Ang Islam ay gumawa ng alituntunin (batas) tungkol sa tunay na karapatan upang ibigay ng isang tao sa isang samahan, at may ibang karapatan na dapat ibigay ng samahan sa bawat tao. Dapat isaisip ng isang tao ang kapakanan ng samahan at gayun din ang pangkat ay dapat isipin ang kapakanan ng bawat tao. Ang Propeta ( s) ay nagsabi; Ang mga mananampalataya ay katulad ng isang matatag na gusali, ang bawat isang adobe ay nagpapatatag sa bawat isa (At kanyang pinagkurus ang kanyang mga daliri upang ilarawan ang kanyang nais sabihin). (Bukhari at Muslim)
Subali't sa pagkakaroon ng di-pagkakaunawaan tungkol sa dalawa o higit pang kapakinabangan, ang kapakinabangan para sa karamihan ay higit na mangingibabaw kaysa sa kapakinabangan ng isa; katulad halimbawa ng isang bahay na luma at malapit ng gumuho ay nararapat gibahin upang hindi na makapinsala pa sa mga nagdaraan, at kailangan bayaran ang may-ari ng kaukulang kabayaran.
-
-
Ang Islam ay Deen ng Awa, Habag at Pagdadamayan at ito ay nagtuturo na dapat talikdan ang kalupitan at kagaspangan. Ang Sugo
ng Allah (
s) ay nagsabi:
Ang Mahabagin (Ar-Rahmaan) ay nagpapakita ng habag sa mga mahabagin. Magpakita ka ng habag sa mga tao dito sa mundo, at ikaw
ay kahahabagin ng Isang nasa itaas ng mga kalangitan. Ang nakapapaloob (Ar-Rahim) ay
mula sa Aking Pangalan na ArRahmaan. Sinuman ang nagpapanatili ng ugnayan (ng pagkakapatid
o pagkakamag-anak), ang habag ng Allah sa kanya ay magpapatuloy, subali't sinuman ang
pumutol ng ugnayan, mapuputol din ang habag ng Allah sa kanya.
(Tirmidhi)
Ang habag sa Deen ng Islam ay hindi lamang para sa mga tao, datapwa‘t ang habag ay dapat ding ipakita sa mga hayop. Ang isang babae ay pumasok sa Impiyerno sa dahilang pinahirapan niya ang isang pusa. Ang Propeta ( s) ay nagsabi: May isang babae ang pinarusahan dahil sa isang pusa. Ikinulong niya ito hanggang mamatay, kaya siya ay napunta sa Impiyerno sanhi nito. Hindi niya ito binigyan ng pagkain o inumin, ikinulong ito at hindi pinalaya upang kumain ng anumang insekto sa lupa. (Bukhari)
Ang pagiging maawain at mabait sa mga hayop ay isang paraan upang makapasok sa Paraiso. Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: May isang taong nangangalakal at nakaramdam ng pagkauhaw. Nadaanan niya ang isang balon at bumaba dito at uminom mula rito. Sa kanyang paghahon nakita niya ang isang aso na nakalabas din ang dila na sumisipsip ng putik nang dahil sa pagkauhaw. Ang tao ay nagsabi sa kanyang sarili na ang aso ay nauuhaw ding katulad niya kaya ito ay muling bumaba sa balon at nilagyan niya ng tubig ang kanyang sapatos at ibinigay niya ito sa aso. (Dahil dito) pinatawad ng Allah ang kanyang mga kasalanan.‖ Ang Sugo ng Allah ay tinanong: ‗O Sugo ng Allah kami ba ay gagantimpalaan sa pagiging mabait sa mga hayop?‘ Siya ay sumagot: ―Tunay na mayroong kabayarang gantimpala (sa pagiging mabait) sa bawat nilikhang may buhay. (Bukhari)
Kung ang Islam ay nagpapakita ng habag sa mga hayop, mas higit pa dito ang habag na ipakikita sa mga tao na minamabuti at binigyan ng higit na dangal ng Allah ( y) kaysa sa ibang nilikha? Ang Allah ( y) ay nagsabi: Katotohanan, Aming binigyan ng karangalan ang mga anak ni Adan. Amin silang dinala sa mga lupain at (ipinalaot) sa karagatan at pinagkalooban ng magandang kabuhayan para sa kanila. At Amin silang pinili higit sa kaninomang Aming nilikha na may tanda ng kahigtan. (Qur‘an 17: 70) -
Ang Islam ay hindi ipinapahintulot ang Monastisismo, ang hindi pag-aasawa (celibacy), ang at pagtanggi sa mga kasayahan ng
mabuting bagay dito sa mundo. Ang Sugo ng Allah (
s) ay nagsabi:
Huwag gawing mahirap ang mga bagay para sa inyong sarili, dahil sa katotohanan ang mga taong ginagawang mahirap ang mga bagay,
gagawin ng Allah sa kanila na maging mahirap nga ang mga bagay, at ito ang mangyayari
sa kanilang lugar ng pagsamba at sa kanilang tahanan15. (Pagkaraan idinalit niya ang
mga sumusunod na taludtod): ―…datapwa‘t ang hindi pag-aasawa na itinalaga nila sa kanilang
sarili (na walang batayan); ito ay hindi Namin iginawad sa kanila, subali't (ito ay pinaghanap)
upang bigyang-lugod ang Allah sa pamamagitan nito, nguni't hindi nila nagawa sa tamang
pagganap…
(Qur‘an 57:27)
Ang Propeta ( s) ay nagsabi; ―Kayo ay magsikain, uminom at magbigay ng kawanggawa na hindi nagmamalabis o may pagmamalaki at kapalaluan. Katunayan gusto ng Allah na makita sa Kanyang mga alipin ang pagtatamasa ng Kanyang kagandahang-loob.‖ (Haakim)
Sa ganitong pagkakataon, ang Islam ay hindi nagpapahintulot sa isang tao na magpapasasa sa makamundong bagay o kaya ay maging abala sa kanyang sariling pithaya at kasiyahan na walang patnubay. Subali't, ito ay Deen ng kainaman na siyang gabay at timbangan ng isang tao sa gitna nitong mundo at ng sa kabilang buhay; kaya naman ang mga ito ay komplimentaryo o ng bawat isa.
Ang Islam ay nag-aanyaya na gawin pantay ang pagtatamasa ng katamtamang para sa pangkatawan at sa kaluluwa. Halimbawa kung ang isang Muslim ay abala sa paghahanap-buhay, siya ay pinapaalalahanan na maghanap din para sa kanyang kaluluwa sa pamamagitan ng pagsamba. Ang Allah ( y) ay nagsabi; O kayong mga nagsisisampalataya (mga Muslim)! Kung ang panawagan sa pagdarasal sa araw ng Biyernes (Al-Jumuah) ay ipinagbadya sa inyo, magmadali sa pag-aala-ala sa Allah at talikdan ninyo ang kalakal (at iba pang bagay), ito ay higit na mainam sa inyo kung inyo lamang nalalaman. (Qur‘an 62:9)
Karagdagan dito, kung ang isang Muslim ay abala sa paghahanapbuhay, ito ay pagsa-alang-alang sa kanyang pang-materyal na pangangailangan. Ang Allah ( y) ay nagsabi; At kung ang pagdarasal (Salah na Jumu‘ah) ay matapos na, magkagayon kayo ay humayo sa lupain at maghanap ng kasaganaan ng Allah. (Qur‘an 62:10)
Pinupuri ng Islam ang sinumang nagtatamasa ng mabubuti para sa parehong aspeto (pang-materyal at pang-Ispirituwal) Ang Allah ( y) ay nagsabi: ―Silang mga tao na hindi naaakit sa mga paninda o pinamili dahil sa pag-aala-ala sa Allah at matatag sa pagsasagawa ng Dasal at nagbabayad ng karampatan; na natatakot sa araw na ang mga puso at mata ay babaliktarin. (Qur‘an 24: 37)
Ang Islam ay nag-aanyaya ng isang pamamaraan ng buhay na nagpapanatili sa karapatan ng katawan, kaisipan at kaluluwa ayon sa banal na Kautusan (Shari‘ah) na siyang naglalayo sa tao sa kalabisang bagay. Bilang isang Muslim, ipinag-uutos sa kanya na pigilin ang kanyang kaluluwa sa pamamagitan ng pag-iwas nito sa mga gawaing masama at iniisip ang lahat ng ginagawa. Ang Allah ( y) ay nagpaliwanag: At sinumang gumawa ng maliit ng kabutihan na katumbas ng isang atomo, ito ay kanyang makikita. At sinuman ang gumawa ng maliit na kasamaan, na katumbas ng isang atomo, ito ay kanyang makikita. (Qur‘an 99: 7-8)
Ang tao ay maaaring magtamasa ng mga mabubuting bagay na pinahihintulutan ng Allah ( y) na kinabibilangan ng pagkain, inumin, pananamit, pag-aasawa at pagtatrabaho. Ang Allah ( y) ay nagsabi: Sabihin mo (O Muhammad): Sino ang nagbabawal sa pagpapaganda o palamuti na ipinagkaloob ng Allah sa Kanyang mga nilikha at ang mga mabubuting kabuhayan para sa kanyang pamumuhay? (Qur‘an 7: 32)
Ipinagbabawal lamang ng Islam kung ano ang nakakasama sa tao, sa kanyang katawan, yaman at maging sa lipunan; dahil ang kaluluwa ng tao ay nilikha ng Allah ( y) at ginawang tagapamahala sa kalupaan upang sa ganoon Siya ( d) ay sambahin at isakatuparan ang kanyang ibinigay na alituntunin. Wala ni isa man na may karapatan na sirain o bigyan ng katapusan ang mga kautusan kundi ang Islam din lamang (ang may karapatan). Ang Allah ( y) ay lumikha ng katawan na tumutugma at karapat-dapat para sa kaluluwa upang sa gayon ito ay makapagsagawa ng mga kautusan ng Allah ( y). Ang Allah ( y) ay nagsabi ; Katiyakan, Aming nilikha ang tao sa pinakamagandang kaayusan. (Qur‘an 95: 4)
Sa ganitong kadahilanan ipinag-uutos ng Allah ( y) sa tao na pangalagaan ang kanyang pangangatawan batay sa mga alituntunin na ginawa ng Islam. Ang mga sumusunod ay ang mga itinakdang batas para sa ating pangangalaga sa ating katawan;
Pangalagaan sa pamamagitan ng pagdalisay ng sarili:
…Tunay na minamahal ng Allah yaong nagbabalik loob sa Kanya sa pagsisisi at nagmamahal sa kanila na nagpapadalisay ng kanilang sarili (naliligo at naghuhugas na mabuti ng kanilang katawan at maseselang bahagi bilang paghahanda sa padarasal atbp . (Qur‘an 2: 222)
Ipinag-uutos ng Allah ( y) ang pagsasagawa ng ‗wudhu‘ bilang pangunahing pangangailangan upang maisagawa ang pagdarasal ng limang ulit sa maghapon. Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: Walang dasal (salah) ang maaaring tanggapin kung walang pagsasagawa ng wudhu at walang kawanggawa ang tinatanggap kung ito ay galing sa kasamaan. (Muslim)
Ipinag-uutos ng Allah ( y) ang pagligo pagkaraan ang pakikipagugnayan o ng pakikipagtalik sa asawa gaya ng nakasulat sa Qur‘an; …At kung kayo ay nasa kalagayan ng ‗Janaba‘ (pagkaraan ng pagtatalik), gawing dalisay ang sarili (i.e. maligo ng ganap). (Qur‘an 5:6)
Hinahabilin at pinupuri ng Allah ( y) ang pagsasagawa ng paliligo bago ang pagdalo sa mga pagdarasal sa kongregasyon, gaya ng pagdarasal tuwing Biyernes (Jumu ‗ah), ang pagdiriwang ng Eid, Hajj at Umrah
Pagpapanatili ng kalusugan at kalinisan gaya ng mga sumusunod:
- Naghuhugas ng kamay bago at pagkatapos kumain at naglilinis ng bibig pagkatapos kumain. Ang Propeta ( s) ay nagsabi: Sinuman ang may maapuhap na pagkain sa gitna ng mga ngipin (tinga) pagkatapos kumain dapat niyang alisin at idura, at kung sinuman ang may pagkain pa sa bibig, nararapat niyang lunukin ito. Kung sinuman ang nagsagawa nito, ito ay para sa kanyang kapakanan at ito ay nakakabuti, at kung sinuman ang hindi gumawa nito, walang masama dito. (Abu Dawood)
- Ang pagpapanatili ng kalinisan ng bibig at ang pangangalaga ng mga ngipin. Ang Propeta ( s) ay nagsabi; Kung hindi lamang ako nangangamba na ang aking mamamayan ay mahirapan, aking pagpapayuhan sila na gumamit ng ‗miswak‘ sa paglinis ng ngipin bago sumapit ang pagdarasal. (Bukhari at Muslim)
- Ang paglilinis ng anumang lugar na maaaring maging sanhi ng pagdami ng dumi at mikrobiyo. Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi; Mayroong limang likas na gawain sa paglikha ng Allah sa tao: ang pagpapatuli, ang pag-alis ng buhok sa maselang bahagi, ang pag-alis ng buhok sa kili-kili, ang paggupit ng bigote at ang pagputol ng mga kuko. (Bukhari)
- Ang pagkain at pag-inom lamang sa mga puro, mga legal at mga masustansiya. Ang Allah ( y) ay nagsabi : "O kayong mananampalataya! Magsikain kayo mula sa mga pinahihintulutang bagay na ipinagkaloob sa inyo, at maging mapagpasalamat sa Allah, kung tunay nga na kayo ay (tapat na) sumasamba sa Kanya." (Qur‘an 2: 172)
-
Ang Islam ay nagpanukala ng mga patakaran upang ang isang tao ay masiyahan sa mga mabubuti at dalisay na mga bagay; gaya
ng pagiging kainaman at hindi lumalabis upang hindi makakasama sa kalusugan.
Ang Allah (
y) ay nagsabi :
…Kumain at uminom at huwag magmalabis. Alalahanin! Hindi Niya minamahal ang
pagmamalabis.
(Qur‘an 7: 31)
Si Propeta Muhammad ( s) ay nagpaliwanag kung papano ang isang tao ay kumain at sinabi niya : Walang pinakamasamang lalagyan ang pinupuno ng tao maliban sa kanyang tiyan.Sapat na sa anak ni Adan ang ngumuya ng ilang beses upang tumuwid ang kanyang likod. Subali't kung kanyang ipilit, ang ikatlong bahagi (ng kanyang tiyan) ay dapat ilaan sa pagkain, at ikatlong bahagi ay sa inumin (tubig) at ang huling ikatlong bahagi ay sa paghinga (hangin). (ibn Maajah) -
IIpinagbabawal ng Islam ang pagkain at inumin ng mga bagay na marumi at hindi dalisay katulad ng laman ng patay ng hayop,
dugo,baboy, alak at ang paninigarilyo. Kailangan pangalagaan ang katawan
ng isang tao. Ang Allah (
y) ay nagsabi:
Ang ipinagbabawal Niya lamang sa inyo ay ang laman ng patay na hayop at dugo
at laman ng baboy at yaong kinatay sa ngalan ng mga ginawa nilang mga
diyos maliban sa Allah. Subali't sinuman ang napilitan (na kumain sa
mga ito) dahilan sa pangangailangan at wala siyang tangkang sumuway sa
hangganan, samakatuwid hindi niya ito kasalanan. Alalahanin! Ang Allah
ay mapagpatawad, Ang Maawain.
(Qur‘an 2: 173)
Sinabi rin ng Allah ( y): O kayong nagsisisampalataya! Ang mga inuming nakalalasing at ang sugal at ang pagsamba sa mga diyos-diyosan at ang mahika ay kabuktutang gawa ni Satanas. Isantabi ang mga ito upang kayo ay magtagumpay. Nagsisikhay lamang si Satanas mula sa inyo ng di pagkakasundo-sundo at hidwaan sa pamamagitan ng pag-inom at sugal at inilalayo kayo mula sa pag-ala-ala sa Allah at sa pagdarasal. Kung gayon, hindi ba kayo magsisitigil?‖ (Qur‘an 5:90- 91) -
Ang pagsali sa mga nakabubuting mga palaro o paligsahan gaya ng pakikipagbuno (wrestling).
Gaya ng Propeta mismo na nakipagbuno sa isang tao na ang pangalan ay Rakaanah.
(Haakim)
Ang mga ibang nakabubuting palaro ay ang paglangoy, ang pagsakay sa kabayo at ang pagpana. Si Umar ibn al-Khattab ( d) ay nagsabi:
Turuan ninyo ang inyong mga anak sa paggamit ng palasao, paglangoy at ang pagsakay ng kabayo. - Kailangan maghanap ng gamot kung may karamdaman. Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: Katotohanan nagpadalala ang Allah ng mga sakit at ang mga kaukulang gamot para rito. Lahat ng sakit ay may mga nararapat na gamot, nguni't huwag humanap ng gamot sa mga ipinagbabawal na pamamaraan. (Abu Dawood)
-
Ang Islam ay nagtatagubilin ng pagsasagawa ng ibadah (pagsamba). Ang pagdarasal ay siyang nagiging pagkain ng kaluluwa, ang
kaluluwang hindi pinapakain ng pagsasagawa ng ibadah, ito ay maghihirap sa
siphayo at kalungkutan na nagbubunga ng masama sa katawan. Ang Allah (
y) ay nagsabi;
"At sila na nanampalataya at sila na ang mga puso ay natagpuan ang kapayapaan (at kapanatagan) sa pag-alaala sa Allah: Katotohanan,
naririto sa pagbibigay ala-ala (at paggunita) sa Allah, matatagpuan ang
kapayapaan (at kapanatagan) ng puso.
(Qur‘an 13:28)
Hindi pinahihintulutan ng Islam ang kapabayaan at pagkakait sa karapatan ng kanyang katawan, gaya ng kapahingahan, ang pangkalusugan at ang pag-aasawa. Ayon kay Anas Ibn Malik ( d); Tatlong tao ang pumunta sa bahay ng Sugo ng Allah at tinanong ang tungkol sa kanilang pagsamba (debosyon). Nang tinanong sila tungkol sa gawaing pagsamba ng Propeta at ng nalaman nila na ang kanilang ginagawa ay kulang sa kanilang inaakala. Sila ay nagsabi: ‗Sino kami upang ihambing sa Sugo ng Allah na ang nakaraan at kasalukuyan at panghinaharap na kasalanan ay napatawad na? Magkagayon man ang isa sa kanila ay nagsabi: ‗Para sa akin, aking gugugulin ang gabi sa pagsamba‘. Ang pangalawa ay nagsabi: ‗Para sa akin, ako ay mag-aayuno arawaraw at hindi ko ito sisirain‖. Ang ikatlo ay nagsabi: ‗Para sa akin, ako ay hindi mag-aasawa at iiwas sa mga babae‘. At ang Sugo ng Allah ay nagsabi: ‗Kayo ba yaong nagsabi ng ganito? (kung ano ang sinabi gaya ng sa itaas) Makinig kayo, Ako ay higit na mabuti at may takot sa Allah subali't ako ay nagdarasal at natutulog, nag-aayuno at kumakain, at nag-asawa. Sinuman ang lumihis mula sa aking Sunnah siya ay hindi nabibilang sa akin. (Bukhari at Muslim)
-
Ang Islam ay nagbibigay paalala tungkol sa kahalagahan ng kaalaman at kalinangan at inihimok ang mga tao ang paghahanap nito.
Ang Allah (
y) ay nagsabi:
…Sila bang may kaalaman ay kapantay ng mga walang kaalaman?…
(Qur‘an 39:9)
Hindi pinupuri ang kamangmangan at ang mga mangmang. Ang Allah ( y) ay binanggit sa Qur‘an si Moises na sinabi : Ako ay nagpapakupkop sa Allah mula sa pagiging mangmang at luku-luko. (Qur‘an 2 :67)
Mayroong mga partikular na kaalaman na sapilitan at iniuutos sa mga Muslim na malaman; ang mga ito ay may kinalaman sa pamumuhay sa pang-araw-araw, sa makamundo at sa mga bagay na pang-relihiyon. Ang mga ibang uri ng karunungan ay tinuturing na pangkalahatang gawain (i.e.: kung ang mga iba ay nalalaman ito, ang kasalanan ng mga hindi nag-aral dito ay hindi pangkalahatan).
Hindi ipinag-utos ng Allah ( y) sa Kanyang mga Propeta ang magkamal ng lahat dito sa mundo kundi ang karunungan. Ang Allah ( y) ay nagsabi; …At sabihin, O aking Panginoon! Dagdagan Mo ako sa kaalaman. (Qur‘an 20:114)
Binibigyan ng higit na kahalagahan ng Islam ang mga iskolar at ang mga nag-aaral at nagiging dalubhasa. Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi; Ang isang tao na hindi iginagalang ang nakatatanda sa atin, walang pagmamahal sa mga bata at hindi kinikilala ang karapatan ng mga iskolar ay hindi kabilang sa atin. (Ahmad)
Igingalang ng mabuti ng Islam ang mga iskolar at ang mga nag-aaral. Ang Propeta ( s) ay nagsabi rin: Ang isang marunong na tao ay nakahihigit kaysa sa sa isang karaniwang tao, gaya ng aking kahigtan kaysa sa pinakamababa sa inyo. (Tirmidhi)
Upang makapagbigay ng kaalaman, isinasaalang-alang ng Islam ang pananaliksik, pag-aaral at ang pagtuturo nito ay bilang isang uri ng Jihad (i.e.: Pakikipaglaban sa landas ng Allah ( y) na ginagantimpalaan ng Allah … at ito ay isang daan patungo sa Jannah (Paraiso). Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: Ang isang tao na lumabas ng kanyang tahanan sa paghahanap ng kaalaman ay nasa Landas ng Allah hanggang siya ay makabalik (sa kanyang tahanan). (Tirmidhi)
Siya ( s) ay nagsabi rin: Kung ang isang tao ay tumatahak sa landas upang magkamit ng kaalaman, gagawing magaan ng Allah ang kanyang landas patungo sa Paraiso. Sinuman ang mga taong nagpupulong sa Masjid at nagbabasa ng Qur‘an at pinag-aaralan ito, sila ay makakatamasa ng kapayapaan at bababa sa kanila ang kapanatagan at katahimikan, sila ay lulukuban ng habag, ang mga anghel ay papalibot sa kanila, at sila ay ibabalita ng Allah sa lahat ng mga kasama Niya (sa oras na yaon). Kung sinuman ang humahadlang sa isang taong gumagawa ng kabutihan (upang makamit ang Jannah – Paraiso), ang kanyang mga lahi ay walang mapapakinabang sa kanya (sa Araw ng Pagbabayad). (Muslim)
Ang Islam ay hindi lamang nag-aanyaya sa paghahanap ng kaalamang nakaugnay sa pangrelihiyong karunungan bagkus ito ay nag-aanyaya rin ng kaalaman sa ibang larangan ng pamumuhay, at itinuturing na tungkulin ng bawat isa at ng Ummah at ito ay isang uri ng pagsamba na binibigyang gantimpala ng Allah ( y). Ang Allah ( y) ay nagsabi : Hindi mo ba nakikita na ang Allah ang Siyang nagpababa ng ulan mula sa kalangitan at mula rito ay umusbong ang iba‘t ibang bungang kahoy na may iba‘t ibang kulay (at hugis) at mula sa mga kabundukan ay mga hiblang puti at pula na ibat ibang kulay at ang iba ay itim; At mula sa mga tao at mga hayop at tupa sa ganoon ding paraan, may kakaibang kulay? Ang may kaalaman mula sa alipin ng Allah ang higit na may takot sa Kanya. Alalahanin! Ang Allah ay Ganap na Makapangyarihan at laging nagpapatawad. (Qur‘an 35: 27-28)
Ang mga kabanatang ito ng Qur‘an ay naghihikayat at nag-aanyaya na magkaroon ng makatuwirang pag-iisip na siyang daan upang makilala na mayroong isang Tagapaglikha ng lahat ng bagay. Gayon din ipinamamalas (ng mga kabanatang ito ng Qur‘an) na tayo ay makikinabang mula sa lahat Niyang ipinagkaloob na kabuhayan sa sandaigdigan. Katiyakan, ang mga marurunong sa kabanatang ito na tinutukoy ay hindi lamang mga pantas (iskolar) ng relihiyon kundi lahat ng iskolar sa lahat ng larangan ng karunungan na mayroon abilidad na manaliksik sa mga sekreto na inilagak ng Allah ( y) sa daigdig.
Halimbawa ang pamamaraan kung papano nahuhubog ang ulap at ang pagbuhos ng ulan ay mauunawaan lamang sa pamamagitan ng kaalaman sa Kemistry. Kagaya rin naman na malalamnan kung papano lumalaki ang mga punong kahoy, halamanan at bungang kahoy sa pamamagitan ng agrikultura, at tungkol sa mga bundok sa pamamagitan ng kaalaman sa ―geology‖; at malalaman ang likas na pag-uugali ng tao at ng mga hayop sa pamamagitan ng ethnolohiya at zoolohiya.
-
Inihimok ng Islam ang mga tao na sa tuwina‘y magsuri ng mga ginawa. Ito ay bilang pagsasanay at magsumikap upang umiwas sa lahat ng mga ipinababawal at ikinagagalit ng Allah ( y).
Alam ng mga Muslim na nakikita sila ng Allah ( y) at alam Niya kung ano ang kanilang ginagawa, kaya naman sila ay gumagawa ng anumang ipinag-uutos at umiwas sa lahat ng ipinagbabawal. Kung ang Muslim ay umiiwas sa pagnanakaw, sa dahilang takot siya sa Allah ( y), at hindi dahil siya ay takot sa mga tao. Itinutugma ng Islam ang pangloob at panglabas na gawain ng tao. Ang Allah ( y) ay nagsabi : At kung ikaw (O Muhammad) ay mangusap ng malakas, katotohanang Siya ang nakakaalam ng mga lihim at kung anuman ang nalilingid. [20:7]
Si Propeta Muhammad ( s) ay nagpaliwanag tungkol sa ‗Ihsaan: ...ay ang pagsamba sa Allah na para mo Siyang nakikita bagamat hindi. Kahit na hindi mo Siya nakikita, ikaw ay kanyang nakikita Bukhari)
-
Ang paniniwala na ang Allah (
y) lamang ang dapat sambahin. Siya (
y) ay ganap sa lahat ng aspeto; alam Niya ang lahat ng mga pangyayari sa sandaigdigan, at walang mangyayaring anomang
bagay na hindi Niya pinapahintulutan. Ang Allah (
y) ay nagsabi :
…Batid Niya ang lahat ng pumapasok at lumalabas sa Kalupaan at ng lahat ng bumababa mula sa kalangitan at ang lahat ng umaakyat
mula rito. Siya ay kasama ninyo (sa pamamagitan ng Kanyang Kaalaman) saan
man kayo pumaroon. Siya ang nakakakita sa inyong ginagawa.
(Qur‘an 57: 4)
Ang Kanyang kaalaman ay lagpas sa mga bagay na nasasalat at nakikita. Alam Niya ang nasa loobin at kung ano ang binubulong ng kaluluwa. Ang Allah ( y) ay nagsabi At katotohanang Kami ang lumikha sa tao, at batid Namin kung ano ang ibinubulong ng kanyang kaluluwa; sapagkat higit Kaming malapit sa kanya (sa Aming Karunungan) kaysa sa kanyang ugat sa leeg. (Qur‘an 50:16) - Ang maniwala na bubuhayin ng Allah ( y) ang lahat ng tao sa Araw ng Pagbabayad. Ang Allah ( y) ay nagsabi; Yaong mga walang paniniwala ay nag-aakala na sila ay hindi babangong muli. Sabihin mo (O Muhammad), Katiyakan, sa pamamagitan ng aking Panginoon, kayo ay babangong muli at ihahayag sa inyo kung ano ang inyong mga ginawa at ito ay madali para sa Allah.‖ (Qur‘an 64:7)
-
Ang maniwala na ang lahat ng tao ay pananagutan sa lahat ng kanilang mga ginawa. Ang Allah (
y) ay nagsabi;
…At walang sinuman ang magdadala ng pasanin ng iba…‖ (walang dapat managot sa kasalanan ng isang tao maliban lamang sa kanya).
(Qur‘an 6:164)
Lahat ng tao ay mananagot sa lahat ng mga ginawa at sinabi, maging ang mga ito ay napakaliit sa tingin, mabuti man o masama. Siya ay bibigyan ng gantimpala sa mga ginawa niyang kabutihan at pananagutan sa kanyang mga kasalanan. Ang Allah ( y) ay nagsabi; At sinuman ang nakagawa ng kabutihan na katumbas ng bigat ng isang atomo (o isang maliit na langgam), ay kanyang makikita at sinuman ang nakagawa ng kasamaan na katumbas ng bigat ng isang atomo (o isang maliit na langgam), ay kanya itong makikita. (Qur‘an 99: 7-8) - Ang pagtalima sa Allah ( y) at sa Kanyang Sugo ay unang dapat gawin bago ang lahat. Ang Allah ( y) ay nagsabi ; Ipagbadya : ‗Kung ang inyong ama, ang inyong mga anak, ang inyong mga kapatid, ang inyong mga asawa, ang inyong mga kamag-anak, ang kayamanan na inyong kinita, ang mga kalakal na pinangangambahan ninyo ang pagkalugi ; at sa mga tahanan na labis ninyong kinagigiliwan ay higit na mahalaga sa inyo kaysa kay Allah at sa Kanyang Sugo, at ang pakikipaglaban sa Kanyang Kapakanan : kung gayon, kayo ay maghintay hanggang sa ibabang Allah ang Kanyang Kapasyahan (pagpaparusa) At ang Allah ay hindi namamatnubay sa mga tao na Al-Fasiqun (mga mapaghimagsik, palasuway sa Allah). (Qur‘an 9 :24)
Ang bunga ng pagsusuri ng mga gawain ay ang mga sumusunod na paniniwala :
-
Ang paniniwala na ang Allah (
y) lamang ang dapat sambahin. Siya (
y) ay ganap sa lahat ng aspeto; alam Niya ang lahat ng mga pangyayari sa sandaigdigan, at walang mangyayaring anomang
bagay na hindi Niya pinapahintulutan. Ang Allah (
y) ay nagsabi :
…Batid Niya ang lahat ng pumapasok at lumalabas sa Kalupaan at ng lahat ng bumababa mula sa kalangitan at ang lahat ng umaakyat
mula rito. Siya ay kasama ninyo (sa pamamagitan ng Kanyang Kaalaman) saan
man kayo pumaroon. Siya ang nakakakita sa inyong ginagawa.
(Qur‘an 57: 4)
-
Sa Islam, ang gantimpala ng mga mabubuting gawa ay dumarami nguni't ang kaparusahan ng kasamaan ay hindi. Ang Allah (
y) ay nagsabi:
―Sinumang gumawa ng isang mabuting gawa ay makatatanggap ng sampung ulit na katulad nito at sinuman ang gumawa ng isang kasamaan
ay makatatanggap na katumbas niyon.‖
(Qur‘an 6:160)
Ang isang tao ay may gantimpala sa intensiyon lamang niya na gumawa ng kabutihan… kahit na ito ay hindi nagawa. Sa kabilang banda, kung ang isang tao ay may balak gumawa ng masama at hindi itinuloy, dahil sa kanyang takot sa Allah ( y), siya ay gagantimpalaan din kung siya ay tumalikod at ipinaubaya na lamang sa Allah ( y). Ang Propeta ( s) ay nag-ulat na sinabi ng Allah ( y) : ―Kung ang Aking alipin ay naglayon na gumawa ng masama, hindi ito maisusulat na kasamaan (sa kanyang talaan) hanggat hindi niya ito naisasagawa. Kung kanyang ginawa… ito ay isusulat na isang kasalanan, nguni't kung iniwan niya ito alang-alang sa Allah, isusulat pa sa kanya bilang isang kabutihan. At kung siya ay naglayon na gumawa ng isang mabuti, ito ay maisusulat bilang isang kabutihan sa kanyang talaan. Kung ito ay naisakatuparan, maitatala ito bilang kabutihan na may gantimpala hanggang pitung-daan ulit‖. (Bukhari)
Karagdagan dito, ang pagsasakatuparan ng mabuting layon ng kaluluwa ay ituturing na isang pagsamba. Kung ang isang tao ay may intensiyon na kumain at uminom upang maging malakas ang katawan at makapaghanap buhay at masuportahan niya ang kanyang pamilya at ang mga ibang taong umaasa sa kanya, ito ay ituturing na gawang pagsamba at siya ay gagantimpalaan dito. Ang Propeta ( s) ay nagsabi ; Kung ang isang tao ay gumastos para sa kanyang pamilya at umaasa ng gantimpala mula sa Allah, ito ay isang kawanggawa para sa kanya (Bukhari)
Lahat ng mga gawain ng isang Muslim…na may layuning kabutihan ay itinuturing na isang kawanggawa. Ang Propeta ( s) ay nagsabi ; Lahat ng mga Muslim ay dapat magbigay ng kawanggawa. Ang kanyang mga kasamahan ay nagtanong : ‗At kung wala silang maibigay na kahit ano sa kawanggawa ?‘ Siya ay sumagot ; ‗Siya ay dapat magtrabaho sa pamamagitan ng kanyang kamay upang makapaghanap-buhay para sa kanyang sarili at makapagbigay sa kawanggawa.‘ Sila ay nagsabi ; ‗Kung hindi rin ito magawa‘, Siya ay sumagot, ‗Siya ay dapat tumulong sa mga naghihirap na nangangailangan ng tulong‘. At sinabi nila, ‗At kung hindi magawa.‘ Siya ay nagsabi ; ‗Dapat siyang gumawa ng mabuti.‘ Sila ay nagsabi ; ‗At kung hindi rin ito magawa.‘ Siya ay nagsabi ; ‗Kailangan siyang umiwas na makagawa ng kasamaan, at ito ay itinuturing ng isang kawanggawa‘ (Bukhari) -
Sa Islam, ang mga kasalanan ay napapalitan ng mabubuting gawa kung ang nagkasala ay tapat sa kanyang pagsisisi at matatag
na hindi na muling babalik sa pagkakasala. Ang Allah (
y) ay nagsabi:
At silang hindi dumadalangin sa mga diyos-diyosan at hindi kumikitil ng buhay na ipinagbawal ng Allah, maliban sa makatarungang
dahilan, at hindi nangangalunya at sinumang gumawa nito ay magbabayad ng kaparusahan.
Ang kinahihinatnan nila ay ibayong kaparusahan sa Araw ng Pagbabangong Muli at siya
ay mananatiling hamak roon magpakailanman. Maliban ang isang nagsisi at naniwala
at gumawa ng kabutihan- sa gayon babaguhin ng Allah ang kanilang masamang gawa ng
mabubuting gawa. Ang Allah ay lagi ng Mapagpatawad, ang Maawain
(Qur‘an 25: 68-70)
Ito ay ang karapatang nauukol sa Allah ( y). At sa karapatan ng tao, dapat ay maibalik at humingi ng pagpapaumanhin kung ang kanilang karapatan ay nalapastangan o nalabagan.
Sa Islam ay tuwirang binibigyang daan ang nagkasala na magbalikloob sa Allah ( y) para magsisi at humingi ng kapatawaran. Ang Allah ( y) ay nagsabi: Sabihin: O aking mga alipin na nagkasala sa sarili nilang pananakit! Huwag mawalan ng pag-asa sa Awa ng Allah, sapagkat ang Allah ay nagpapatawad ng lahat ng kasalanan. (Qur‘an 39: 53)
Ginawang magaan sa Deen ng Islam ang paghingi ng pagsisisi. Ang Allah ( y) ay nagsabi ; Sinuman ang nakagawa ng kasalanan o kamalian laban sa kanilang sarili at pagkaraa‘y humingi ng kapatawaran, kaniyang matatagpuan ang Allah na laging Mapagpatawad, at Maawain (Qur‘an 4: 110)
Ito ay angkop lamang sa mga Muslim. Para sa mga di Muslim na yumakap sa relihiyong Islam, sila ay magkakaroon ng doble at ibayong gantimpala ng dahil sa kanilang paniniwala sa kanilang Propeta, bukod sa paniniwala nila sa mensahe ni Propeta Muhammad ( s). Ang Qur‘an ay nagsabi: Yaong pinagkalooban ng Kasulatan bago paman ito, sila ay naniwala na. At nang ito ay bigkasin sa kanila, sila ay nagsabi: Kami ay naniniwala rito. Alalahanin! Ito ang katotohanan mula sa inyong Panginoon. Alalahanin! Kahit noon pa man kami ay nasa hanay ng mga sumusuko (sa Kanya). Sila ay pagkakalooban ng ibayong gantimpala sapagkat sila ay matatag at pinapalitan ang kasalanan ng kabutihan at gumugugol ng anumang ipinagkaloob Namin sa kanila. (Qur‘an 28: 52-54)
Karagdagan pa nito, ang Allah ( y) ay pinapawi ang lahat ng kanilang mga kasalanan na kanilang nagawa bago dumating ang Islam sa kanila. Sapagkat ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: Alam niyo ba na ang Islam ay pinapawi ang lahat (ng masamang gawain) na nagawa noon (bago yumakap sa Islam). (Muslim) -
Ang Islam ay nagbibigay katiyakan para sa mga tagasunod na ang patuloy na makakatanggap ng gantimpala sa paggawa ng kabutihan,
kahit na siya ay patay na (sa pamamagitan ng mga mabubuting gawain at kawanggawa hanggang
ang mga gawaing ito ay kapaki-pakinabang sa buong lipunan). Ang Propeta (
s) ay nagsabi:
Pagkaraan ng kamatayan ng tao ang kanyang gawain ay hihinto na, maliban sa tatlong bagay na kanyang iniwan: 1) ang patuloy
na kawanggawa. 2) ang kaalamang napapakinabangan ng iba. 3) ang mabuting anak na
nananalangin para sa kanya.‖
(Muslim)
Siya ( s) rin ay nagsabi: Ang isang taong nag-aanyaya sa iba ng kabutihan ay magkakamit ng gantimpalang katulad ng gantimpala ng mga sumusunod sa kanyang patnubay na hindi mababawasan ang sa kanya. Ang gantimpala sa kabilang dako, ng isang nag-aanyaya sa kamalian ay magkakaroon ng bahagi ng kaparusahang katulad ng karampatang nakalaan sa mga sumusunod sa kanya na hindi mababawasan ang kanilang parusa. (Muslim)
Ito ay isa sa mga katuwiran upang ang isang Muslim ay magsumikap na gawin ang makakaya ang pagbabago at ituwid ang hindi maganda sa pamayanan sa pagsasagawa ng kabutihan, pagtataguyod ng pagkamakatuwiran, sinasalansa ang kasamaan at nagbibigay ng babala sa mga tao sa paggawa nito. -
Pinahahalagahan ng Islam ang karunungan at kaisipan ng tao at hinihimok ang wastong pangangatuwiran. Ang Allah (
y) ay nagsabi:
Pagmasdan! Sa mga Kalangitan at sa Kalupaan ay mga tanda para sa naniniwala. At sa pagkakalikha sa inyo, at sa lahat ng hayop
na nangagkalat sa lupa ay tanda para sa mga taong may tunay na pananampalataya. At
sa pagsasalitan ng gabi at araw at ang pagpapalang ibinababa ng Allah mula sa langit
ang tubig (ulan) at mula rito ay muling nabuhay ang tigang na lupa at ang pag-ihip
ng hangin ay tanda para sa mga taong may pag-iisip
(Qur‘an 45: 3-5)
Karaniwang nilalaman ng Qur‘an ay ang tuwirang pakikipag-ugnayan sa kaisipan ng tao ng ganito: (―Sila ba ay walang pang-unawa?‖) (―Hindi ba sila nag-iisip…?‖) (―Hindi ba nila napag-iisipan?‖). Itinuturo ng Islam ang hanggahan sa pag-iisip ng mga mahahalagang bagay at kung paano gamitin ng isang tao ang kanyang pag-iisip, na kailangan gamitin ito upang maunawaan at maintindihan ang mga nakikita at nahihipong mga bagay; datapwa‘t hindi niya malirip ang mga di nakikitang bagay ng mga ibang nilikhang hindi nakikitang kamunduhan, sapagkat ito ay hindi mahalaga at pag-aaksaya lang ng lakas at panahon.
Ang isang malinaw na pagrespeto ng Islam sa pangkaisipan ay ang pagpuna sa mga taong sinusunod at tinutularan ng pikit-mata ang mga ibang tao na wala namang kaalaman at patnubay. Ang Allah ( y) ay nagsabi; "At kung sabihin sa kanila: Sundin kung ano ang ipinahayag ng Allah, sila ay nagsabi: Aming sinusunod kung ano ang natagpuan namin sa aming mga ninuno. Ano! Kahit ba ang kanilang mga ninuno ay mangmang (at salat sa kaalaman) at walang patnubay?" (Qur‘an, 2: 170) -
Ang Deen ng Islam ay umaalinsunod sa likas na kalooban ng tao, kung paano siya nilikha ng Allah (
y). Magkagayon, ang Islam ay hindi sumasalungat sa Fitra (ang likas na kaugalian
ng tao). Ang Allah (
y) ay nagsabi ;
…sa Fitrah ng Allah (ang likas na damdamin ng paniniwala at pagsamba sa tanging isang Rabb, Panginoon) sa gayunding (konsepto)
nito (Fitrah) ay Kanyang nilikha ang lahat ng mga tao. Walang anumang pagbabago ang
marapat (sa Deen ng Allah). Ito ang tuwid na pananampalataya, datapwa‘t ang karamihan
sa mga tao ay walang kaalaman.
(Qur‘an 30:30)
Ang Fitrah ay maaaring mamantsahan sa mga ibang pagkakataon mula sa panglabas na kadahilan, na siyang sanhi upang lumihis mula sa tamang landas. Ang Propeta ( s) ay nagsabi: Ang sanggol ipinanganak maliban sa kalagayan ng Fitrah (sa Deen ng Islam) subali't ang kanyang mga magulang ay pinalaki siya bilang isang Kristiyano, Hudyo o Zoroastrinismo. (Bukhari)
Ito ang Deen na nagtataguyod sa tama at matuwid na landas. Ang Dakilang Allah ( y) ay nagsabi; Sabihin (O Muhammad); Katotohanan, ang aking Panginoon ay namatnubay sa akin sa tuwid na landas, isang tuwid na pananampalataya, ang pananampalataya ni Abraham (na Hanifan, ang paniniwala sa Iisang Diyos, ang Allah) at kailanman, siya ay hindi kabilang sa lipon ng mga sumamba sa iba maliban sa Allah. (Qur‘an 6:161)
Wala sa katuruan ng Islam ang sumasalansang sa likas o dalisay na talino ng tao, higit pa dito, nagpapatunay ang wagas na karunungan sa katotohanan, kaangkupan at nakikinabang sa katuruan ng Islam. Ang lahat ng pag-uutos at ang mga ipinagbabawal ng Islam ay makatuwiran. Hindi ito nag-uutos ng anupaman kundi ang isang tiyak at ganap na kapakinabangan. Gayun din, nagbabawal ng mga bagay na sadyang nakasasama ang mga ito, o kaya naman ang kasamaan dito ay higit kaysa sa dulot na kabutihan. Ito ay mapapatunayan kung ang isang tao ay magbasa at mag-isip sa katuruan ng Qur‘an at sa mga kaugalian at tradisyon ng Sugo ng Allah ( S)
-
Pinalaya ng Islam ang tao mula sa pagsamba sa mga nilikha maging ang mga sinasamba ay mga propeta, mga anghel, at iba pang
mga bagay tungo sa malinis na pagsamba sa Nag-iisang Tagapaglikhaang Dakilang Allah.
Ito ay matatamo lamang sa pamamagitan ng katotohanan na walang makapagdudulot ng kabutihan
o kapinsalaan maliban sa kapahintulutan ng Dakilang Allah (
y). Ang Dakilang Allah (
y) ay nagsabi:
…At (sila ay) hindi nagtataglay ng pananakit o kapakinabangan sa kanilang mga sarili at hindi sila nagtataglay ng buhay at
kamatayan o ng kakayahang bumuhay ng patay.
(Qur‘an 25:3)
-
Ang lahat ng pangyayari o bagay ay nasa Kamay ng Allah ( y). Ang Allah ( y) ay nagsabi: Kung ang pighati ay ipinagkaloob sa iyo ng Allah, walang sinuman ang makapapawi nito maliban sa Kanya. At kung Siya ay magnais sa iyo ng kabutihan, walang makapipigil ng Kanyang Pagpapala. Ipinagkakaloob Niya ito sa kaninumang aliping Kanyang nais… (Qur‘an 10:107)
Ang Sugo ng Allah ( s) sa kabila ng mataas niyang antas sa paningin ng Allah ( y) ay nakararanas ng kapighatian, magkagayon, ang ganitong kalagayan ay nararanasan din ng ibang tao. Ang Dakilang Allah ( y) ay nagsabi: Sabihin mo (O Muhammad) "Ako ay walang kapangyarihan upang ito ay makapagdulot ng kabutihan o kapinsalaan sa aking sarili maliban sa kapahintulutan ng Allah. Kung ako man ay mayroong kaalaman tungkol sa Al-Ghaib, marahil ako ay naglaan para sa aking sarili ng masaganang kayamanan, at marahil walang anumang kasamaan ang maaaring sumaling sa akin. (Subali't, ang katotohanan nito) Ako ay isa lamang tapapagbabala, at isang tagapaghatid ng magagandang balita para sa mga taong nananampalataya. (Qur‘an 7: 188)
Pinalalaya rin ang kaisipan ng tao mula sa kalungkutan, sakit ng kalooban, pangamba at pag-aalinlangan sa pamamagitan ng pagbibigay lunas nito. Kung ang isang tao ay may pangamba sa kamatayan, ang Allah ( y) ay nagsabi: Walang sinuman ang mamamatay maliban sa kapahintulutan ng Allah at sa itinakdang (panahon). (Qur‘an 3:145) - Bagamat ang tao ay umiiwas sa kamatayan, ito ay hindi mapaglalabanan at ito ay sadyang magaganap sa kanya. Ang Allah ( y) ay nagsabi: Sabihin (sa kanila, O Muhammad): Alalahanin! Ang kamatayan na inyong iniiwasan ay katiyakang ito ay magaganap, katiyakang ito ay inyong makakatagpo… (Qur‘an 62: 8)
- Sa pangamba ng kahirapan at paghihikahos, ang Allah ( y) ay nagsabi ; …Walang hayop sa kalupaan na hindi umaasa sa Allah. Siya (Allah) ang nakaaalam ng kanilang mga pinagkukunan at pinagtataguan. Lahat ay nasa maliwanag na Talaan. (Qur‘an 11:6)
- Sa pangamba ng sakit at sa mga ibang pagdadalamhati, ang Allah (
y) ay naglahad:
Walang masamang pangyayari ang dumating dito sa kalupaan o sa inyong mga sarili na hindi nakatala sa Talaang Aklat bago Namin
ito pinapangyaring matupad. Pagmasdan! Ito ay sadyang madali sa Allah---
upang hindi ninyo ikalungkot ang bagay na nakalipas sa inyo o di kaya ay
magalak dahil sa bagay na ipinagkaloob sa inyo. Hindi minamahal ng Allah
ang mga taong mapagmalaki at mayayabang.
(Qur‘an 57: 22-23)
Kung may kinakatakutang pinsala o pananakit mula sa mga nilikha ng Allah ( y), ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi; Pangalagaan ang inyong sarili mula sa pagmamalabis o paglabag sa itinakdang batas ng Allah at pangangalagaan ka ng Allah at ikaw ay Kanyang papatnubayan mula sa paghihirap dito sa mundo at sa Kabilang Buhay. Alalahanin mo ang Allah sa oras ng iyong kaginhawahan at ikaw ay alalahanin niya sa oras ng iyong kahirapan. Kung ikaw ay humiling… humiling sa Allah at kung ikaw ay hihingi ng tulong… ikay ay humingi mula sa Allah. Ang lahat ng pangyayaring magaganap ay naitala o naitadhana na.Kung ang mga tao ay magtangkang magbigay sa iyo ng kapakinabangan na hindi ito itinadhana o itinala ng Allah, hindi nila ito maibibigay sa iyo. Gayon din kung ang mga tao ay magtangkang gumawa ng kasamaan sa iyo na hindi itinalaga o itinadhana ng Allah, hindi nila maaaring gawin sa iyo ito. Kung ikaw ay may kakayahang magtiis, ito ay iyong gawin. At kung hindi mo kaya, matuto kang magpaumanhin sapagkat ang mga bagay na hindi mo ninanais ay maghahatid sa iyo ng higit pang kabutihan. Alalahanin mo na ang tagumpay ay makakamtan sa pamamagitan ng pagtitiis, na pagkaraan ng dalamhati ay may dalang kasiyahan, at kapag may hirap ay may ginhawa. (Haakim)
-
-
Ang Islam ay Deen (Relihiyon) ng katamtaman, maging sa pananampalataya at makamundong bagay. Ang Dakilang Allah (
y) ay nagsabi;
Kayo ay Aming ginawang makaturangang pamayanan (may pinakamainam na pananampalataya) upang kayo ay maging saksi sa sangkatauhan
at ang Sugo ay maging saksi sa inyo...
(Qur‘an 2:143)
- Ang Islam ay Deen ng kaginhawaan. Ang Propeta ( s) ay nagsabi; Hindi ako isinugo ng Allah upang gawin mahirap ang mga bagay, bagkus, ako ay isinugo bilang isang guro upang gawing madali (at magaan) ang mga bagay para sa tao. (Muslim)
- Itinuturo ng Islam sa mga tao na gawing magaan ang lahat ng bagay. Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi; Magbigay ng saya at magandang balita at huwag gumawa ng nakasusuklam na bagay upang lumayo ang mga tao. Gawing madali ang mga bagay at magaan at huwag gawing masalimuot at mahirap para sa mga tao (Muslim)
- Ang Islam ay Deen (Relihiyon) ng pagpaparaya, pagtitiis, pagpapatawad at kabutihan. Si Aishah (nawa‘y kalugdan siya ng Allah), ang asawa ng Propeta ( s), ay naglahad na may pamgkat ng mga Hudyo na nagtungo sa Propeta ( s) at sinabi; Kamatayan ay mapasaiyo‖… si Aishah ay sumagot, ‗at mapasainyo din ang kamatayan at mga sumpa‘. Sinabi ng Sugo ng Allah; ‗Sandali lang Aishah, katotohanan na mahal ng Allah ang pagiging mabait at mapagpatawad sa lahat ng bagay.‘ Sinabi niya, ‗O Propeta ng Allah, hindi mo ba narinig ang kanilang sinabi?‘ Ang Sugo ng Allah ay sumagot, ‗Sinabi ko na sa kanila na; ‗Mapasainyo rin…‘ (Bukhari)
- Ang Islam ay Deen (Relihiyon) na naglalayon ng kabutihan at kapakanan para sa lahat ng tao. Ang Propeta ( s) ay nagsabi; Ang pinakamabuting tao sa harap ng Allah ay sila na nagbibigay ng pinakamaraming kapakinabangan sa ibang tao. Ang pinakamabuting gawain sa mata ng Allah ay ang mga nagbibigay kasiyahan sa ibang Muslim, dinadalhan siya ng ginhawa, binabayaran ang pagkakautang o kaya ay pinapawi ang gutom ng iba. Mas mainam para sa akin ang paglalakad upang makatulong sa mga nangangailangan kaysa manatiling nagtatago sa Masjid sa pagdalangin sa loob ng isang buwan. Kung sinuman ang pumipigil ng kanyang galit, tatakpan ng Allah ang kanyang pansariling gawain. Sinuman ang nagpipigil ng kanyang pangangalit kahit na siya ay maaaring gumanti, ang puso niya ay pupunuin ng ligaya ng Allah sa Araw ng Pagkabuhay-Muli. Sinuman ang tumulong sa kanyang kapatid na Muslim sa kanyang pangangailangan, gagawin ng Allah na maging matatag ang kanyang paa sa araw na ang mga paa ng mga tao ay dumudulas. Katotohanan na ang masamang ugali ay sumisira sa kanyang mabubuting gawa tulad ng suka na sumisira (sa lasa) ng pulut-pukyutan. (Tabarani)
- Ang Islam ay Deen (Relihiyon) ng kahinahunan o katamtaman at hindi kahirapan. Ang Dakilang Allah ( y) ay nagsabi: Hindi binigyan ng pasanin ng Allah ang isang tao nang higit sa kanyang makakayanan. Siya ay nagtatamo ng gantimpala para sa gayong (kabutihan) na kanyang pinagpaguran, at siya ay maparurusahan sa anumang (kasamaan) kanyang nagawa… (Qur‘an 2: 286)
- Ang lahat ng Kautusan ng Islam ay naitatag mula sa prinsipiyong ito. Ang Sugo ng
Allah (
s) ay nagsabi:
Anuman ang aking ipinagbabawal, iwasan ito. At anuman ang aking iniatas, gawin sa abot ng inyong makakayanan, sapagkat sa
katotohanan, ang mga nauna sa inyo ay nangawasak at nangapinsala sanhi ng
kanilang pagpupumilit sa pagtatanong at sa lagi nang di-pagsang-ayon sa kanilang
mga Propeta.
(Muslim)
Ang magandang katibayan dito ay ang kasaysayan ng isang kasamahan na nagtungo sa Propeta ng Allah ( y) at nagsabi ; O Sugo ng Allah ako ay nagkasala‘, Ang Sugo ng Allah ay nagtanong; ―Ano bang nangyari sa iyo.‖ Siya ay sumagot; ‗Ako ay nakipagtalik sa aking asawa habang ako ay nag-aayuno.‘ Ang Sugo ng Allah ay nagtanong sa kanya: ―Kaya mo bang magpalaya ng alipin?‖ Siya ay sumagot, "Hindi". Ang Sugo ng Allah ay nagtanong; ―Kaya mo bang mag-ayuno ng dalawang buwan na magkasunod?‖ Siya ay sumagot, "hindi rin". Ang Sugo ng Allah ay nagtanong; ―Kaya mo bang magpakain ng (60) anim napung mahihirap na tao?‖ Siya ay sumagot, "hindi pa rin". Ang Sugo ng Allah ay tumahimik habang sa ganoong kalagayan, may isang basket na puno ng bunga ng datiles ang ibinigay sa kanya. Siya ay nagtanong; ―Nasaan yung nagtatanong?‖ Ang tao ay sumagot: ‗ako ay naririto‘. ―Dalhin mo itong basket (ng datiles) at ibigay mo sa kawanggawa.‖ Ang tao ay nagsabi; ‗Ibibigay ko ba ito sa isang higit na mahirap kaysa sa akin?, Isinusumpa ko sa Allah na walang pamilya (sa pagitan ng dalawang bundok ng Medina) na higit na mahirap kaysa sa akin.‘ Ang Sugo ng Allah ay ngumiti hanggang lumabas halos ang kanyang mga ngipin (mga bagang) at saka nagsabi: ―Pakainin mo ang iyong pamilya sa mga ito. (Bukhari)
Lahat ng prinsipiyo at pagsamba sa Islam ay naaayon o tumutugma sa kakayahan ng tao at hindi ito nagiging pabigat o pasanin. Gayon pa man, maaari din na ang isang Muslim ay mapagpaumanhinan sa hindi niya pagsasakatuparan ng mga itinakdang kautusan o pagsamba, tulad ng mga sumusunod na halimbawa:
- Isa sa tungkulin sa pagsasagawa ng pagdarasal ay ang pagtayo kung ang isang tao ay may kakayahang tumayo. Kung wala siyang kakayahang tumayo, ang isang nagdarasal ay maaaring magsagawa ng pagdarasal sa nakaupong paraan, kung hindi niya kaya, maaaring sa nakasandal na paraan at kung hindi pa rin kaya, maaari siyang magdasal sa pamamagitan ng senyas lamang (kung siya ay nakahiga).
- Ang pagbabayad ng Zakat (kawanggawa) ay hindi tungkulin ng isang Muslim na hindi nakaabot (nakaipon) sa itinakdang halaga ng pagbabayad ng salapi o ari-arian. Sa kaibahan pa nito, ang isang taong maralita ay maaari pang tumanggap ng Zakat (kawanggawa).
- Ang mga Muslim ay maaaring mapagpaumanhinan sa pagsasagawa ng pagdarasal at pag-aayuno, kung sila ay maysakit, ang mga babaeng buntis at sa kanilang buwanang regla at sa kanilang pagdurugo sa panganganak.
- Yaong walang kakayahang pananalapi at pisikal (hindi malusog) ay walang tungkulin sa pagsasagawa ng Hajj hanggang sumapit ang panahon na siya ay mayroon ng kakayahang pananalapi at pangangatawan. Ang Allah ( y) ay nagpahayag: …At ang Hajj (paglalakbay sa Makkah) sa Banal na Tahanan ay isang tungkulin sa Allah ng Sangkatauhan, siya na may kakayahang pumaroon… (Qur‘an 3: 97)
- Kung ang isang tao ay nasa bingit ng kamatayan, siya ay pansamantalang pinahihintulutang
kumain ng mga pagkaing ipinagbabawal alinsunod sa kanyang pangangailangan, katulad
ng baboy at alak (maliban na siya ay hindi makakita ng mga pagkaing pinahihintulutan).
Ang Dakilang Allah (
y) ay nagsabi:
…Nguni't kung siya ay nasa bingit ng pangangailangan, at wala siyang tangkang sumuway o lumagpas sa hangganan samakatuwid
hindi niya ito kasalanan…
(Qur‘an 2: 173)
Sa pamumuna sa talatang ito, sinabi ni G. Sayyed Qutb na: Ito ay prinsipiyo na tinatanggap ang tao bilang tao hindi bilang isang hayop, anghel o demonyo. Tinatanggap ng Islam maging ang kahinaan at lakas nito, at itinuturing nito bilang isang bagay na may katawang may damdamin, kaisipan na may kakayahang mangatuwiran at kaluluwa na may pag-asa at adhikain. Ipinaguutos din sa tao ang kanyang tungkulin na maaari niyang pasanin at pinagpapayuhang panatilihin ang balanseng pagsasagawa ng tungkulin at ang kakayahan nito na hindi magbibigay hirap sa kanya.
- Ang Deen (Relihiyon) ng Islam ay iginagalang ang lahat ng banal na Relihiyon sa kanilang
orihinal na pagkakatatag at inuutusan ang mga Muslim na maniwala at mahalin ang mga Sugo
na nagdala sa mga ito. Ang Allah (
y) ay nagsabi;
Tunay! Sinuman ang hindi naniniwala sa Allah at sa Kanyang mga Sugo at sila ay naghahangad ng pagtatangi sa pagitan ng Allah
at ng Kanyang mga Sugo at sinasabi; Kami ay naniniwala sa ilan nguni't hindi naniniwala
sa iba at naghahangad ng daan sa pagitan..
(Qur‘an 4:150)
Ipinagbabawal ng Islam sa mga Muslim ang pang-iinsulto sa ibang paniniwala o Relihiyon. Ang Allah ( y) ay nagsabi ; Huwag hamakin (alipustain) yaong mga sumasamba sa iba bukod sa Allah sapagkat maaari nilang alipustain (hamakin) ang Allah sanhi ng kamangmangan… (Qur‘an 6: 108)
Manapa‘y, nag-aanyaya ang Islam sa lahat para sa isang mabuti, maganda at makatuwirang pakikipag-ugnayan. Ang Dakilang Allah ( y) ay nagsabi: Mag-anyaya sa landas ng inyong Panginoon nang may karunungan at makatarungang paghihikayat at makipagtalakayan sa kanila sa paraang mahusay… (Qur‘an 16:125)
Tinatawagan ng Islam ang mga Muslim na itaguyod ang kusang pakikipag-talakayan upang magkaisa ang mga tao sa banal na pamamaraan. Ang Dakilang Allah ( y) ay nagsabi ; "Sabihin: O, Mga taong pinagkalooban ng (Banal) Kasulatan! (Hudyo at Kristiyano) Halina sa isang salita na makatarungan sa amin at sa inyo: na wala tayong dapat sambahin maliban sa Allah, na hindi tayo mag-uugnay ng sinupaman (bilang diyos bukod pa sa Allah), na wala tayong itatakdang (iba pang) Panginoon bukod sa Allah. Pagkaraan nito, kung sila ay magsilayo (magsitalikod), inyong sabihin: ―Kayo ang saksi na kami ay Muslim (sumusuko at sumasamba lamang sa Allah) (Qur‘an 3: 64) -
Ang Islam ay Deen ng Kapayapaan sa tunay na kahulugan nito, kahit na ito ay nasa loob ng pamayanan, tulad ng pagsabi ng Propeta(
s):
"Sasabihin ko ba sa inyo kung sino ang tunay na mananampalataya18? Siya ang taong pinagkakatiwalaan ng ibang tao sa kanilang
yaman at buhay… Ang isang Muslim ay yaong ligtas ang ibang tao sa kanyang mga kamay
at dila. Ang tunay na ‗Mujaahid‘ (ang tagapagtanggol sa Landas ng Allah) ay yaong
nagsusumikap sa pagtupad ng lahat ng kautusan ng Allah. Ang isang ‗Muhaajir‘ (ang
taong lumikas sa pook na walang paniniwala at nagtungo o lumikas sa pook na may paniniwala)
ay siyang tumalikod sa mga masasamang gawain
(Ibn Hibbaan)
…O kaya ay sa pang-daigdigang kahulugan, na ito ay batay sa pagpapatayo ng kapatirang pagdadamayan na walang pananalakay sa gitna ng pamayanan ng mga Muslim at di-Muslim. Ang Dakilang Allah ( y) ay nagsabi ; "O kayong mananampalataya ! Magsipasok kayo sa Islam nang lubusan at ganap (tulad ng pagsunod sa lahat ng alituntunin at patakaran ng Deen) at huwag sumunod sa mga yapak ng ‗Satanas‘. Katotohanan ! siya ay inyong malinaw na kaaway. (Qur‘an 2 :208)
Ang Islam ay nag-uutos na tutulan at lumaban sa mga taong mapangapi o mapang-abuso. Ang Dakilang Allah ( y) ay nagsabi: …At sinumang nagtaboy sa inyo, itaboy rin sila sa paraan ng pagtaboy sa inyo… (Qur‘an 2:194)
Upang makatiyak na ang kapayapaan ay mananatili, ang Islam ay naguutos sa mga Muslim sa panahon ng digmaan na tumanggap ng kasunduang pangkapayapaan at pagilin ang labanan kung ito ay hinihiling ng mga kaaway. Ang Dakilang Allah ( y) ay nagsabi ; Nguni't kung sila ay humiling ng kapayapaan, nararapat ding kayo ay magbigay ng kapayapaan at ibigay ang pagtitiwala sa Allah. Katotohanan, Siya ang Palakinig at Maalam. (Qur‘an 8: 61)
Habang ang Islam ay nakatuon sa layon ng kapayapaan, hindi nangangahulugan na magpapakababa ang mga Muslim para lamang sa kapayapaan bagkus nag-uutos sa kanila na panatilihin ang kapayapaan habang ang kanilang dangal ay nananatiling walang dungis. Ang Dakilang Allah ( y) ay nagsabi: Kaya, huwag panghinaan ng loob at huwag humingi ng kapayapaan (mula sa mga kaaway ng Islam) habang kayo ay nasa kakayahang (magtanggol). At ang Allah ay nasa sa inyo at hindi Niya babawasan ang gantimpalang (nakalaan) sa inyong mabubuting gawa. (Qur‘an 47: 35) -
Walang sapilitan sa Deen ng Islam, tulad ng patakaran sa pagyakap sa Islam, ito ay batay sa katapatang nagmumula sa puso
at katiyakan sa pananalig. Ang pamimilit ay hindi isang pamamaraan ng pagpapalaganap
ng Islam at ng mga katuruan nito. Ang Allah (
y) ay nagsabi:
Walang sapilitan sa relihiyon. Tunay na ang katotohanan ay mangingibabaw laban sa kamalian…
(Qur‘an 2: 256)
Pagkaraan na ang Da‘wah (ang pag-anyaya ng Islam) ay dumating sa mga tao at ito ay naipaliwanag sa kanila, mayroong silang karapatan na pumili kung ano ang kanilang pasiya. Ayon sa Islam, ang mga tao ay may karapatan na tanggapin o tanggihan ang Da‘wah. Ang Dakilang Allah ( y) ay nagpahayag : At sabihin; ang katotohanan ay mula sa inyong Panginoon. Samakatuwid, kung sinuman ang magnais, hayaang manampalataya at kung sinumang ang di-magnais, hayaang huwag maniwala. (Qur‘an 18: 29)
Ang pananampalataya at ang patnubay ay mula sa Kamay ng Makapangyarihang Allah ( y). Siya ay nagsabi; At kung nanaisin lamang ng iyong Rabb (Panginoon), ang lahat ng tao na nasa kalupaan ay sasampalataya nang sama-sama. Kaya‘t ikaw ba (O Muhammad), ay iyong pipilitin ang sangkatauhan hanggang sa sila ay maging mananampalataya? (Quran 10:99) -
Mula sa marangal at bantog na katangian ng Islam ay ang pagpapahintulot nito sa mga taong tumutuligsa mula sa mga ‗taong
pinagkalooban ng Kapahayagan o Kasulatan‘19 na magsagawa ng kanikanilang pagsamba sa
kani-kanilang relihiyon. Si Abu Bakr ay nagsabi;
Inyong madadaanan ang ilang tao na deboto sa kanilang Monasteryo, hayaan sila at sa mga bagay na kanilang pinaglalaanan ng
debosyon.
(Tabari)
Sa kanilang karapatan pangmamamayan, tulad ng pagpapakasal, diborsyo, pang-kalakalan, mayroon silang kalayaan na sundin ang batas ng kanilang relihiyon batay sa alituntunin na itinatag ng Islam. -
Hinihikayat ng Islam sa mga Muslim na magpalaya ng mga alipin sapagkat ito ay may nakalaang pangako ng dakilang gantimpala
sa mga gumawa nito, ang ibig sabihin nito ay ang Paraiso. Ang Propeta (
s) ay nagsabi;
Sinuman ang nagpalaya ng alipin, papalayain ng Allah ang bawat bahagi na kanyang pinalaya mula sa Impiyerno…
(Muslim)
Ginawang legal ng Islam ang isang paraan na maaaring maging alipin ang isang tao… kung ito ay naging bihag sa panahon ng digmaan. Ito ay pinahintulot lamang batay sa pahintulot ng pinuno ng mga Muslim, sapagkat sa Islam, ang mga bihag ng digmaan ay tinatrato sa pamamagitan ng kautusan ng Allah ( y). Ang Dakilang Allah ( y) ay nagsabi; "Kaya, kung inyong makaharap sa labanan yaong mga Kafir, tigpasin ang (kanilang) mga leeg hanggang sila ay inyong ganap na magapi at sila ay igapos nang mahigpit (bilang inyong mga bihag). Pagkaraan niyaon, (sila ay inyong palayain na walang tubos) magbigay ng mabuting-loob o di kaya naman ay humingi ng kabayaran (tubos) hanggang ang digmaan ay lubusang magmaliw…" (Qur‘an 47:4)
Sa kabila nito, gumawa ng mga batas ang Islam upang makalaya ang mga bihag at mga alipin. Ang pagpapalaya ng alipin ay isang pagbabayad ng isang uri ng kasalanan sa Islam, tulad ng mga sumusunod ;
*Ang pagpatay na hindi sinasadya. Ang Makapangyarihang Allah ( y) ay nagsabi; …Sinumang pumaslang sa isang Muslim ng hindi sinasadya, nararapat siyang magpalaya ng isang alipin, magbayad ng diyah (karampatang salapi sa pamilya ng namatay) maliban kung ang pamilya nito ay ituring na lamang ito para sa iyo bilang kawanggawa. At kung ang biktima ay mula sa mga taong may galit sa iyo at siya ay mananampalataya, samakatuwid, (ang kabayaran) ay ang pagpapalaya ng isang mananampalatayang alipin. At kung siya ay nagmula sa angkan na may namamagitang kasunduan sa inyo, ang pagbabayad ng salapi ay dapat ipagkaloob at ang pagpapalaya ng mananampalatayang alipin… (Qur‘an 4: 92)
*Sa di-pagtupad ng pangako: Ang Dakilang Allah ( y) ay nagsabi ; Ang Allah ay hindi nagpaparusa sa mga hindi sinasadyang pangako (panunumpa). Nguni't magpaparusa sa mga sinadyang di-pagtupad na pangako (panunumpa). Ang pagbabayad-sala nito ay ang pagpapakain ng sampung taong mahihirap, (katumbas ng dami ng pagpapakain ng sariling pamilya) o ang pagbibigay damit sa kanila o ang pagpapalaya ng isang alipin… (Qur‘an 5: 89)
*Ang pagturing sa asawa bilang bawal sa kanyang sarili. Ang Allah ( y) ay nagsabi; At yaong nagturing ng pakikipaghiwalay (diborsiyo) sa kanilang mga asawa sa pamamagitan ng Zihar , at nagnanais na bawiin (o ipawalang-saysay) ang mga salita na kanilang binitawan, (ang kabayaran) sa gayong kaso ay ang pagpapalaya ng isang alipin bago sila magtalik sa isa‘t-isa: Ito ay isang paalaala sa inyo (upang hindi ninyo muling tangkaing gawin ang gayong kasuklam-suklam na bagay)… (Qur‘an 58:3)
*Ang pakikipagniig sa asawa sa araw ng pag-aayuno sa buwan ng Ramadan. Si Abu Hurairah ( d) ay nag-ulat na ang isang tao ay nakipagtalik sa kanyang asawa habang nag-aayuno sa buwan ng Ramadan. Sinabi sa Propeta ( s) at tinanong niya ang tao : Makapagpapalaya ka ba ng alipin ?‘ Siya ay sumagot ; ‗Hindi‘. Tinanong ulit, ‗Kaya mo bang mag-ayuno ng dalawang buwan na magkasunod?‘ Siya ay sumagot ulit ng ;‗Hindi‘ Magkagayon, ikaw ay magpakain ng 60 – taong dukha. (Muslim)
*Ginawa ng Islam na ang kabayaran ng pananakit sa isang alipin ay ang pagpapalaya sa kanya. Ang Propeta ( s) ay nagsabi ; Kung sinuman ang sumampal o nanakit sa isang alipin, ang kabayaran nito ay ang pagpapalaya sa kanya. (Muslim)
Ang Deen (Relihiyon) ng Islam ay gumawa ng paraan upang makapagpalaya ng mga alipin, tulad halimbawa ng mga sumusunod ;
Inuutos ng Islam sa mga tao na tanggapin ang ‗Kasunduan ng Pagpapalaya‘. Ito ay isang kasunduan ng isang alipin sa kanyang pinaglilingkuran para sa pagpapalaya ng una batay sa karampatang salaping ibabayad. Ayon sa mga Pantas na Muslim, na kung ang isang alipin ay nakiusap para sa kasulatan ng pagpapalaya, tungkulin ng kanyang pinaglilingkuran na sang-ayunan ang pakiusap ng kanyang alipin katulad ng nasasaad sa Qur‘an: …At sa inyong mga alipin na humihiling ng kasulatan (para sa kanyang kalayaan) isulat para sa kanila kung inyong nalalaman ang anumang kabutihan sa kanila at ipagkaloob sa kanila (ang ibang bahaging) ipinagkaloob sa iyo mula sa yaman ng Allah… (Qur‘an 24:33)
*Ginawang batas ng Islam na ang Zakat (ubligadong kawanggawa) ay maibigay upang makapagpalaya ng mga alipin at mga bilanggo. Ang Allah ( y) ay nagsabi: Ang kawanggawa (Zakat) ay para lamang sa mga mahihirap (faqir) at nangangailangan (miskin) at para sa mga maniningil ng Zakat at para sa taong ang puso ay nakalaan sa Islam at yaong alipin para sa kanilang paglaya at sa mga nagkautang at mga naglalakbay (na kinapos ng salapi) at mga nakikipaglaban sa landas ng Allah; ito ay isang tungkuling ipinag-utos ng Allah. Ang Allah ay Lubos na Maalam, Ang Tigib ng Karunungan. (Qur‘an 9:60) -
Ang Deen ng Islam ay itinataas ang katayuan ng mga kababaihan at ibinibigay ang nararapat na karangalan. Ginawa silang kapuri-puri
at iginagalang nang lubusan ang kanilang pagkatao. Ang Propeta (
s) ay nagsabi;
Ang mga mananampalataya na may ganap na paniniwala ay sila na may pinakamabuti at magandang pag-uugali, at ang pinakamabuti
sa inyo ay silang pinakamabuti sa kanilang mga asawa.
(Tirmidhi)
Ipinagtatanggol ng Islam ang makataong likas ng mga kababaihan at hindi siya (babae) sinisisi sa pagpapalayas kay Adan mula sa Paraiso, o kaya siya ay isinasaalang-alang bilang pinagmulan ng kasalanan, tulad ng paniniwala ng mga ibang relihiyon. Ang Dakilang Allah ( y) ay nagsabi; O sangkatauhan! Matakot sa inyong Rabb (sa pamamagitan ng pagtalima sa Kanyang kautusan), na Siyang lumikha sa inyo mula sa iisang tao (Adam), at mula sa kanya ay nilikha Niya ang kanyang asawa [Hawwa (Eba)], at mula sa kanila‘y nilikha Niya ang maraming kalalakihan at kababaihan. At matakot sa Allah na Siyang hinihingan ninyo (ng inyong mga karapatan) sa isa‘t isa, at (huwag putulin ang ugnayan) ng mga sinapupunan (kamaganakan). Katiyakan, ang Allah ay Lagi nang Nakamasid sa inyo.… (Qur‘an 4:1)
Itinanggi ng Islam ang nakasasakit na pananalita laban sa mga kababaihan, lalo na yaong mga nagtuturing na ang mga kababaihan ay mas mababa kaysa sa mga kalalakihan; na siyang nagtutulak sa pagkawala ng kanilang saligang karapatan pang-tao. Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi; Ang mga kababaihan ay kakambal (katuwang) ng mga kalalakihan. (Abu Dawood)
Ipinagtatanggol ng Islam ang dangal at puri o kalinisan ng mga babae, tulad ng paglalapat ng kaparusahan sa mga taong nagpaparatang ng pakiki-apid laban sa mga malinis na babae. Ang Dakilang Allah ( y) ay nagsabi; At sila na nagpaparatang sa mga malilinis ng mga babae, at hindi makapagbigay ng apat na saksi, hagupitin sila ng walumpung hampas, at huwag tanggapin mula sa kanila ang kanilang pagsaksi kahit na kailan, katotohanang sila ay palasuway sa Allah. (Qur‘an 24:4)
Katulad ng mga kalalakihan, binigyan din ng katiyakan ng Islam ang mga karapatan ng mga kababaihan hinggil sa pamana, na sila ay inalisan ng karapatan bago dumating ang Islam. Ang Dakilang Allah ( y) ay nagsabi; Mayroong natatanging bahagi nakalaan sa mga kalalakihan at sa mga kababaihan sa anumang naiwan na kayamanan ng mga magulang at malalapit na kamag-anak (kapag sila ay yumao na), kahima‘t ang ari-arian ay maliit o malaki; (ito ay) isang nakalaang bahagi. (Qur‘an 4:7)
Pinahintulutan ng Islam ang mga kababaihan na gawin ang kanilang kagustuhan tungkol sa kanilang mga yaman, tulad ng pamimili at pagtitinda na walang panghihigpit at pagtatakda maliban na lamang kung ito ay ipinagbabawal ng Deen ng Allah .
Ang Allah ( y) ay nagsabi; O kayong nagsisisampalataya! Magsipagbigay kayo ng mga mabubuting bagay na inyong kinita (nang malinis)… (Qur‘an 2:267)
Ginawang tungkulin ng Islam para sa mga kababaihan ang pag-aaral at maging maalam. Ang Propeta ( s) ay nagsabi; Ang paghahanap ng karunungan ay tungkulin para sa lahat ng Muslim (Ibn Maajah)
Ginawang tungkulin ng Islam na ang mga babae ay nararapat tumanggap ng mabuting pagtuturo at tamang pagpapalaki, na ito ay isang paraan para ang isang tao na siya ay makapasok sa Paraiso. Ang Propeta ( s) ay nagsabi; Sinuman ang may tatlong anak na babae, sila ay kanyang nilingap, iniingatan, at naging mahabagin sa kanila, siya ay makapapasok sa Paraiso.‘ Ang isang tao ay nagtanong; ‗O Sugo ng Allah, ‗Kung dalawa?‘ Siya ay nagsabi; Kahit na dalawa. (al-Adab al-Mufrad) -
Ang Islam ay Deen ng kadalisayan, kahima‘t ito ay pangkatawan o pang-ispirituwal. Ang mga pang-ispirituwal na kalinisan ay ang mga sumusunod;
- Kadalisayan mula sa kasalanang Shirk (ang pagbibigay ng katambal sa pagsamba sa Allah, ( y)). Ang Dakilang Allah ( y) ay nagsabi; …Katotohanan, ang pagtatambal ng iba pa sa pagsamba sa Allah ay tunay ngang pinakamatinding kamalian. (Qur‘an 31:13)
- Kadalisayan mula sa kasalanang Riyaa (i.e. paggawa ng kabutihan upang makita lamang ng mga tao). Ang Dakilang Allah ( y) ay nagsabi; Kaya‘t kasawian sa mga Munafiq (taong mapagkunwari) na nagsasagawa ng Salah (takdang pagdarasal). Na nagpapabaya ng kanilang Salah sa takdang oras. Na nagsasagawa lamang ng Salah at mga kabutihan bilang pakitang-tao upang mamalas (ng mga tao). At tumangging magbigay ng kahit na katiting na tulong sa kapwa niya…‖ (Qur‘an 107:4-7)
- Kadalisayan mula sa labis pagpapahalaga sa sariling gawa. Ang Dakilang Allah ( y) ay naglahad ng kasaysayan tungkol sa anak ni Luqman; At huwag ibaling ang iyong mukha mula sa mga tao nang may pagmamalaki at huwag lumakad sa kalupaan nang may pangmamataas (at pagyayabang). Katotohanan, hindi minamahal ng Allah ang mayabang (at mapagmalaki). ( Qur‘an 31:18)
-
Kadalisayan mula sa kasalanan ng karangyaan o kayabangan. Ang Propeta (
s) ay nagsabi;
Kung sinuman ang kumaladkad ng kanyang damit (sa lupa) sanhi ng pagmamalaki at pagyayabang (lamang), hindi siya titingnan
ng Allah sa Araw ng Pagbabangong Muli.
(Bukhari)
Kadalisayan mula sa kasalanan ng pagpapahalaga o pagmamataas sa sarili. Ang Propeta ( s) ay nagsabi; Sinuman ang may katiting na pagmamalaki sa kanyang puso ay hindi makapapasok sa Paraiso.‖ Ang isang tao ay nagtanong: ‗O, Sugo ng Allah, kung ang isang taong nais manamit ng magaganda at magsuot ng sapatos na mararangya?‘ Ang Sugo ng Allah ay nagsabi: ‗Ang Allah ay maganda, at nais Niya ang Kagandahan. Ang pagmamalaki ay yaong tumatangging tumanggap sa katotohanan at minamaliit ang ibang tao. (Muslim) - Kadalisayan mula sa kasalanang pagkainggit. Ang Propeta ( s) ay nagsabi; Ang sakit ng mga naunang mamamayan (pamayanan) ay nakapinsala sa inyo… ito ang paninibugho at pagkapoot. Ang mga kaugalian na ito ay siyang pupuksa sa Deen, tulad ng labaha ay ginagamit sa pag-ahit ng buhok. Isinusumpa ko sa Kanya na Siyang may tangan ng aking kaluluwa, kayo ay hindi makapapasok sa Paraiso hanggang kayo ay di-mananampalataya,at kayo ay hindi maaaring maging mananampalataya hanggang hindi kayo magmahalan sa isa‘t-isa…tuturuan ko kayo ng isang bagay, na kung ito ay inyong gawin, katiyakan na kayo ay magmahalan. Magbatian kayo sa bawa‘t isa ng pagbating Salaam. (Abu Dawood)
- Tungkol sa kadalisayan sa pangkatawan. Ang Allah (
y) ay nagsabi;
O kayong Mananampalataya! Kung kayo ay maglayong magsagawa ng Salaah, hugasan ang inyong mga mukha, mga kamay (braso) hanggang
mga siko, haplusin ng basang kamay ang inyong mga ulo at hugasan ang inyong
mga paa hanggang (sa hugpong ng) bukung-bukong. Kung kayo ay nasa kalagayan
ng Janaba (pagkatapos ng pakikipagtalik) gawing dalisay ang inyong mga sarili
(sa pamamagitan ng paliligo ng buong katawan). Nguni‘t kung kayo ay may karamdaman
o kaya‘y nasa oras ng paglalakbay o sinuman ang nanggaling mula sa likas
na tawag ng pangangailangan, o nagkaroon ng pakikipagtalik sa mga kababaihan
at (sa gayong pagkakataon) ay wala kayong matagpuang tubig-magsagawa ng Tayammum
sa pamamagitan ng malinis na lupa at ito ay ihaplos (idampi) sa mukha at
mga kamay. Hindi nais ng Allah na kayo ay magdanas ng kahirapan nguni‘t nais
(lamang) Niyang kayo ay maging malinis, at gawin Niyang lubos ang pagpapala
sa inyo upang sakali kayo ay (matutong) magpasalamat.
(Qur‘an 5:6)
Si Abu Hurairah ( d) ay nag-ulat na sinabi ng Propeta ( s):
Ang binanggit na talata ay naipahayag upang ilarawan ang mga naninirahan sa Qubaa‘; ―… "… naririto ang mga tao na nagnanais na linisin at padalisayin ang kanilang sarili. At ang Allah ay nagmamahal sa mga taong nagpapadalisay sa kanilang sarili. (Qur‘an 9:108)
Sila ay naglilinis sa pamamagitan ng tubig (pagkatapos gumamit ng palikuran),… kaya ang talata na ito ay naipahayag tungkol dito. (Tirmidhi)
- Ang Deen ng Islam ay may dakilang lakas sa kalooban… kapag ito ay pumasok sa puso, lagi nang sumasagi sa ala-ala ninuman. Sa ganitong kadahilanan, marami ang pumapasok sa Islam, sa kabila ng kahinaan sa tulong na pananalapi at moral na tagapagtaguyod na natatanggap ng mga tagapangasiwa ng Dawah (Tagapagtawag sa Islam). Bagama‘t ang mga kaaway ng Islam ay gumugugol ng napakalaking halaga upang sirain at wasakin ang magandang larawan ng Islam, tulad ng mga maling paratang na ipinupukol dito. Magkagayonman, marami pa rin ang yumayakap sa Islam. Bihira lamang ang taong yumayakap sa Islam at pagkaraan ay tumatalikod. Ang panloon na lakas ng Islam ay may panlaban din sa mga taga Silangan, na nag-aaral sa Islam upang pag-alinlanganan ang katotohanan ng Islam. Ang kagandahan ng Islam, ang mga makatotohanang prinsipiyo nito, na umaalinsunod sa likas na kalooban ng tao at ng kanyang pang-unawa at pag-iisip, ang siyang naging daan ng kanilang pagbabago ng buhay, at dahil dito, marami ang tumatanggap sa Islam. Ang mga kaaway ng Islam ay nagpapatunay sa Islam bilang tunay na relihiyon. Si G. Gibb ay nagsabi; Magkagayon, kung ang Qur‘an ay nagmula lamang sa kanyang sariling pagkatha at pagsisikap, katiyakang ang mga ibang tao ay maaaring makipagtagisan ng pagkatha dito. Hayaan silang kumatha at magpakita ng sampung talata katulad ng mga ito (Qur‘an). Kung sila ay hindi sila makagagawa (at katiyakan nahindi nila ito matutularan), dapat nilang tanggapin ang Qur‘an bilang natatanging (nangingibabaw na) katibayan ng himala.
-
Ang Islam ay Deen ng panlipunang tagapagtangkilik, sapagkat ginawang isang tungkulin sa lahat ng Muslim ang pagtulong o pagtangkilik
sa kanilang mga kapatid kahit nasaan man sila naroroon. Ang Propeta (
s) ay nagsabi;
Ang mga mananampalataya, dahil sa kanilang pagmamahal, habag at damdamin sa bawat isa ay tila iisang katawan, kung ang isang
bahagi ay may karamdaman, ang buong katawan ay nakararamdam ng pananakit at kawalan
ng tulog.
(Muslim)
Ipinag-uutos ng Islam sa mga Muslim na magtrabaho upang umunlad ang kanilang kalagayan sa pamamagitan ng ubligado o kusang-loob na kawanggawa. Ang Propeta ( s) ay nagsabi; Hindi magiging tunay na mananampalataya ang isa sa inyo hanggang hindi niya mamahalin ang kanyang kapatid nang tulad ng pagmamahal niya sa kanyang sarili. (Bukhari)
Ipinag-uutos ng Islam sa mga Muslim na magsikhay para sa kanilang mga kapatid sa panahon ng krisis at kahirapan. Ang Propeta ( s) ay nagsabi; Ang mga mananampalataya ay katulad ng isang matatag na gusali, ang bawat isang adobe (brick) ay nagpapatatag sa bawat isa (At kanyang pinagdikit ang kanyang mga daliri upang ilarawan ang kanyang nais sabihin) (Bukhari)
Ipinag-uutos ng Islam sa mga Muslim na tulungan at ipagtanggol ang kanilang mga kapatid sa panahon ng digmaan kung kinakailangan. Ang Dakilang Allah ( y) ay nagsabi; Nguni't kung sila ay humiling ng tulong sa inyo tungkol sa relihiyon, ito ay inyong tungkulin na sila ay tulungan… (Qur‘an 8:72)
Ipinagbabawal na sila ay pabayaan at layuan sa panahon ng kanilang pangangailangan. Ang Propeta ( s) ay nagsabi; Sinuman ang hindi nagtanggol sa kanyang kapatid na Muslim, habang ang dangal nito ay niyuyurakan o nilalapastangan, siya ay pababayaan din ng Allah sa panahong higit niyang kailangan ang tulong. Sinuman ang nagtanggol sa kanyang kapatid na Muslim habang ang dangal nito ay niyuyurakan o nilalapastangan, siya ay ipagtatanggol din ng Allah sa panahong higit niyang kailangan ang tulong. (Saheeh al-Jami) - Ang Deen ng Islam ay dumating na mayroong dalang makatarungan at makatuwirang alituntunin tungkol sa pamana na ipinamamahagi ng naiwang kayamanan ng namatay para sa kanyang mga legal na tagapagmana, kahit na sila ay bata o matatanda, lalaki o babae, na ang pamamahagi dito ay katanggap-tanggap ng mga taong may ganap na katalinuhan. Ang kayamanang (naiwan) ay ipapamahagi sa mga tagapagmana nang ayon sa pinakamalapit na kamag-anak ng namatay. Walang ibang taong ang may karapatang ipamahagi ang mga mana nang ayon sa kagustuhan lamang niya. Ang isang kabutihan ng sistemang ito ay ang pamamahagi ng mga kayamanan, gaano man ito karami, sa pamamagitan ng paghati-hati (sa maliliit na bahagi), at hindi maaaring sarilinin ito. Ang marangal na Qur‘an ay ipinaliwanag ang pagbibigay ng bahagi para sa mga bata, mga magulang, mga asawa, at mga kamag-anak at pamangkin, tulad ng naipaliwanag sa Qur‘an, Kabanata An-Nisaa, talata 11, 12 & 176. Ang Propeta ( s) ay nagsabi rin; Tunay na binigyan ng Allah ang bawat tao ng kanyang karapatan. Kaya huwag pahintulutan ang sinuman na mamahagi ng kahit na ano sa iba na nabigyan na siya ng kaukulang bahagi ng pagmamana. (Abu Dawood )
-
Ang Deen ng Islam ay nagtakda ng pamamaraan kung paano ipamahagi ng isang tao ang ibang bahagi ng kanyang kayamanan. Ang
bawat Muslim ay may karapatang ipamahagi ang ibang bahagi ng kanyang kayamanan upang
gamitin pagkaraan ng kanyang kamatayan para sa mabubuting layunin upang mapabilang ito
bilang tuloy-tuloy na kawanggawa. Subali't ang Deen (Relihiyon ng Islam) ay nagbigay
ng hangganan kung magkano ang pinakamalaking halaga na maaaring ipamahagi, ito ay ang
ikatlong bahagi ng kabuuang halaga ng kanyang kayamanan. Si Aamir bin Sa‘d (
d) ay nagsabi;
Ang Propeta ay dumadalaw sa akin nang ako ay nasa Makkah at maysakit. Sinabi ko sa kanya, ‗Mayroong akong kaunting kayamanan,
maaari ko bang ipamahaging lahat (bilang kawanggawa)? Siya ay sumagot, ‗Hindi‘. At
sinabi ko, ‗Kung gayon, ang kalahati nito?‘ Siya ay sumagot, ‗Hindi‘. Kaya sinabi
ko, ‗Ang ikatlong bahagi?‘ Siya ay sumagot, ‗Ang ikatlong bahagi ay labis din.‘ Kung
iiwanan mo ang iyong mga tagapagmana na masagana, ito ay higit na mabuti kaysa iiwanan
mo silang namamalimos. Kahit na ano man ang iyong gugulin, ito ay itatala bilang
kawanggawa para sa iyo, kahit na ang isang subo ng pagkain na iyong isusubo sa iyong
asawa. Maaaring itataas ng Allah ang iyong kalagayan at ang ibang tao ay makinabang
sa iyo, at maaari din namang makapinsala sa ibang tao.
(Bukhari)
Ang Islam ay nagtalaga ng saligan o patakaran para sa isang tao upang siya ay mamahagi ng pamana…hindi niya dapat saktan ang kanyang mga tagapagmana. Ang Allah ( y) ay nagsabi; …pagkaraang mabayaran ang kanyang huling habilin (testamento) o mga utang, upang sa gayo‘y hindi mawalan (ng bahagi ng pamana) ang sinuman. Ito ay isang Kautusan mula sa Allah… (Qur‘an 4:12) -
Ang Deen ng Islam ay nagpanukala ng batas para sa kaparusahan ng mga kriminal at ito ay nagdudulot ng tiyak na katahimikan
at kaligtasan sa pamayanan. Ang pagpatay ay napipigilan, ang kayamanan at ang dangal
ay naipagtatanggol, ang mga kriminal ay nahuhuli at ang mga karapatan ng tao ay nababantayan
mula sa pagkamkam. Ang kriminalidad ay nababawasan, sapagkat sa Islam ang bawat krimen
ay mayroong kaukulang kaparusahang nararapat ipataw dito. Ito ay nagpapataw ng pangunahing
parusa sa mga sinadyang pagpatay. Ang Dakilang Allah (
y) ay nagsabi;
O kayong mananampalataya! Ang Batas ng pagkapantay-pantay sa kaparusahan ay itinalaga sa inyo sa kaso ng pagpatay…
(Qur‘an 2:178)
Ang pumatay ay hindi mapuputulan ng ulo, kung ang pamilya ng namatay ay nagpatawad sa kanya. Ang Dakilang Allah ( y) ay nagsabi; Nguni‘t kung ang nakapatay ay pinatawad ng kapatid na lalaki (o kamang-anakan) ng biktima sa pamamagitan ng Diyah (pinagkasunduang) kabayarang salapi, samakatuwid sumunod dito sa pantay na paraan at dapat na magbayad ng salapi (Diyah) sa tagapagmana sa paraang makatarungan… (Qur‘an 2:178)
Ang kaparusahan sa pagnanakaw ay ang pagputol ng kamay mula sa pulso. Ang Allah ( y) ay nagsabi; At (ukol) sa lalaking magnanakaw at sa babaing magnanakaw, putulin (mula sa sugpungan) ang kanilang (kanang) kamay bilang kabayaran sa anumang kanilang ginawa, isang kaparusahang magsisilbing halimbawa mula sa Allah. At ang Allah ay Ganap na Makapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan. (Qur‘an 5:38)
Kung nalalaman ng isang magnanakaw na puputulin ang kanyang kamay kung siya ay nahuling nagnanakaw, hindi siya gagawa nito (magnanakaw). Pahahalagahan niya ang kanyang kamay, at magiging ligtas ang kayamanan ng mga tao mula sa kasamaan (ng magnanakaw).
Ang kaparusahan ng pangangalunya ay paghagupit o paghampas sa kanila ng 100-ulit para sa mga hindi pa Muhsan. Ang Allah ( y) ay nagsabi; Ang mga mangangalunyang babae at lalaki ay dapat hagupitin ang bawat isa sa kanila ng tig-iisang daang hampas… (Qur‘an 24:2)
Ang isang taong nagparatang sa isang lalaki o babae ng pangangalunya ay dapat ding hagupitin. Ang Dakilang Allah ( y) ay nagsabi; At sila na nagparatang (ng pakikiapid) sa malilinis na babae na hindi makapagbigay ng apat na saksi, hagupitin sila ng walumpong hampas… (Qur‘an 24:4)
Ang lahat ng kaparusahan at pagkastigo ay nagmula sa pangunahing prinsipiyo ng Islam. Ang Dakilang Allah ( y) ay nagsabi; At ang kabayaran (sukli) sa isang kasamaan ay isang kasamaan din ng katulad nito… (Qur‘an 42:40)
At sinabi rin ng Allah ( y); At kung inyong parusahan (ang inyong kaaway), kailangang parusahan sila nang katumbas ng kanilang ginawa sa inyo… (Qur‘an 16:126)
Mayroong mga likas na patakaran at alituntunin para sa pagpapatupad ng mga kaparusahan. Karagdaragan pa nito, ang pagpapatupad ng mga parusa ay hindi naitakdang bagay na dapat ipatupad, subali't ang isa ay maaaring magpatawad at magpaumanhin lalo na kung ang kaparusahan ay nauukol sa karapatan ng mga tao. Ang Dakilang Allah ( y) ay nagsabi; …datapwa‘t kung sinuman ang nagpatawad at makipagkasundo, ang kanyang gantimpala ay magmumula sa Allah. (Qur‘an 42:40)
Ang mga katuwiran sa likod ng pagpapatupad ng mga kaparusahan ay hindi upang makapaghiganti, ang layunin ng pagpapatupad ng mga kaparusahan ay upang mapangalagaan ang karapatan ng mga tao, at upang mapanatili ang kaligtasan ng mga mamamayan at magsisilbing hadlang sa mga taong may balak na gumawa ng kasamaan sa pamayanan. Kung nababatid ng isang taong nais pumatay na siya ay papatayin din, at nababatid ng magnanakaw na puputulin din ang kanyang kamay at ang mga mapangalunya at nagparatang ng pangangalunya ay mapaparusahan…katiyakang sila ay magsisitigil sa paggawa ng mga ganitong krimen. Ang Dakilang Allah ( y) ay nagsabi; At sa Qisas (Batas ng pagkapantay-pantay sa kaparusahan) ay mayroong kaligtasan ng buhay sa inyo, O, kayong mga tao na may pang-unawa, upang kayo ay maging mabuti at magkaroon ng takot sa Allah. (Qur‘an 2:179)
Ang mga ibang tao ay magsasabi na ang mga kaparusahan na ginawang batas ng Islam laban sa ibang krimen ay malulupit! Subali't ang lahat ay sang-ayon na ang mga ginawa ay krimen na ang panganib ay malinaw at hayag sa pamayanan, samakatuwid, kailangan ang panlaban upang sugpuin ang panganib nito at ang mga gumagawa sa mga ito ay dapat patawan ng parusa. Samakatuwid ang pagkakaiba ng opinyon (kuro-kuro) nauukol sa uri ng parusa hinggil sa mga krimen na ito. Tanungin natin ang ating sarili kung alin ang higit na matagumpay sa pagsugpo ng krimen, ang Batas ng Islam na nakababawas ng krimen o ang Batas na gawa ng tao na pinaiiral subalit patuloy din ang paglaganap ng krimen? Tunay na ang bulok na bahagi ng katawan ay dapat putulin upang ang lahat ng bahagi ng katawan ay mananatiling malusog. -
Pinahintulot ng Deen ng Islam ang lahat ng uri ng pananalaping kasunduan tulad ng pamimili at pagtitinda, pagtayo ng mga
kalakalan, ang pagpapa-upa, at kalakalan at pagpapalitan ng paninda, upang maging magaan
ang buhay sa pang-araw-araw. Tunay na ito ay pinahihintulutan ang ayon sa batas na itinatag
ng ‗Shari‘ah‘, tulad halimbawa kapag ang siang tao ay nararapat pigilan kung ang kalakalan
ay nakapipinsala sa sarili o sa kapwa at maging sa karapatan ng bawat tao. At kailangan
ang dalawang panig (ng pangangalakal) ay maligaya sa kasunduan, at kailangan ang produkto
ay nakikitang maliwanag ng dalawang panig at ang kasunduan ng pangkalakalan tungkol dito.
Walang ipinababawal sa Islam kundi ang masasamang kahahantungan ng transaksiyon, tulad
ng pagbigay ng patubo, pagsusugal at mga kasunduan na ang patakaran o produkto nito ay
hindi nalalaman
Bagaman, ang bawat isa ay may kalayaang gamitin ang sariling salapi nang ayon sa Shari‘ah, subali't maaaring pagbawalan siya sa paggamit nito, kung ang gagawin dito ay magdudulot ng pinsala sa kanyang sarili o sa iba. Ang mga taong maaaring pagbawalan sa paggugol ng kanilang kayamanan ay ang mga bata, wala sa tamang kaisipan, at sa mga walang kakayahan27, at ang mga taong may utang hanggang hindi nababayaran ang napag-utangan. Sa mga nabanggit, ating matutunghayan ang dakilang kadahilanan at ang pangangalaga sa mga karapatan na sadyang maliwanag sa mga taong may malinaw na kaisipan.
-
Ang Islam ay maliwanag at may katiyakan na Deen. Walang paniniwala sa Islam na nakakalito, at ang isang tao ay may karapatang
magtanong tungkol dito. Ang Dakilang Allah (
y) ay nagsabi;
…kaya‘t inyong tanungin ang mga tao may kaalaman sa Kasulatan (paham) kung ito ay hindi ninyo nababatid.
(Qur‘an 21:7)
Ang Islam ay mahigpit na nagbabala sa sinumang nagtatago ng anumang patnubay na ipinahayag ng Allah ( y). Ang Allah ( y) ay nagsabi; Katotohanan, silang ikinukubli ang malinaw na patunay, katibayan at patnubay na Aming ipinahayag pagkaraan na Aming binigyang-linaw ito sa mga Angkan ng Kasulatan, sila yaong isinumpa ng Allah at (sila) yaong isinumpa ng mga manunumpa... (Qur‘an 2:159) -
Ang Islam ay Deen ng pagkakaisa at pakikipagtulungan na nagtatawag sa mga Muslim na tumayo ng sama-sama na may pagkakasundo
upang makuha nila ang dangal at puri. Ito ay maaaring makamtan sa mga sumusunod na pamamaraan;
- Iwanan o isantabi ang pansariling hangarin at layunin na siyang nag-uudyok upang maging isang makabayan at magkaroon ng damdamin na pagkapangkat-pangkat, at ito ang mga nagiging dahilan sa pagiging mahina at pagkawasak ng Ummah.
- Ginagawang dalisay ang paniniwala at ang mga gawaing pagsamba mula sa mga bagay na nakakasira, tulad ng pagbibigay ng katambal sa pagsamba sa Allah ( y) at ang pagsasagawa ng Bid'aah (pagbabago sa pamamaraan ng pagsamba sa Deen).
-
Ang pagkakaisa ng mga Muslim sa lahat ng bagay at kapakanan, maging ito ay sa larangan ng politikal, kabuhayan o panlipunan
atbp… na siyang nagtataguyod sa kapayapaan at katahimikan. Ang Dakilang Allah
(
y) ay nagsabi;
At kayo ay tumangan nang mahigpit , lahat kayo ng sama-sama sa lubid ng Allah at huwag maghiwa-hiwalay sa isa‘t-isa...
(Qur‘an 3:103)
Ipinagbabawal ng Islam na magkaiba-iba at magkahiwa-hiwalay sa iba't iang pangkat. Ang Allah ay nagsabi: At huwag kayong tumulad sa mga naghihiwa-hiwalay at may pagkakasalungatan sa kanilang sarili matapos ang maliwanag na katibayan ay dumating sa kanila. At sila ay parurusahan ng napakatinding kaparusahan. (Qur‘an 3:105)
Karagdagan pa dito, ang paghihiwa-hiwalay ay hindi mula sa Deen ng Allah ( y). Ang Allah ( y) ay nagsabi; Katotohanan, yaong pinaghati-hati ang kanilang relihiyon at pinaghiwa-hiwalay sa iba't ibang sekta, ikaw (O Muhammad) ay walang kaugnayan sa kanila maging sa anupaman. Ang kanilang (sariling) gawain (pananagutan) ay sa Allah lamang, na Siyang magsasabi sa kanila kung ano ang lagi nilang ginagawa. (Qur‘an 6:159)
Ipinaliwanag ng Deen ang nakakasamang bunga ng dipagkakaunawaan at pagkawatak-watak. Ang mga kalaban ng Islam ay hindi matatakot sa mga Muslim at sila ay pangingibabawan nila at mahuhulog sa pinakamababang antas. Ang Allah ( y) ay nagsabi; …at huwag kayong makipagtalo (sa isa‘t-isa), baka kayo ay mawalan ng tapang at ang inyong lakas ay maglaho… (Qur‘an 8:46)
-
Ang mga ibang paksa tungkol sa mga di-nakikitang daigdig ay naipaliwanag ng Islam, tulad ng pagbanggit sa mga kasaysayan
ng mga naunang mamamayan o pamayanan. Maliwanag sa mga talata ang nangyari sa pagitan
ng mga nasabing pamayanan at ng kanilang mga Propeta at Sugo. Ang Allah (
y) ay nagsabi;
At katotohanang Aming isinugo si Musa (Moises) na may dalang Ayat (aral, talata, babala, himala, tanda) at isang malinaw
na kapangyarihan kay Fir'awn (Paraon) at kanyang mga pinuno, ngunit kanilang sinunod
ang utos ni Fi'rawn, at utos ni Fir'awn ay hindi matuwid (na kautusan). aral at alituntunin)
(Qur‘an 11:96-97)
Tungkol kay Hesus ( a), sinabi ng Allah ( y): "At (alalahanin) nang si Hesus, ang anak ni Maria, ay nagbadya: 'O Angkan ng Israel! Ako ay isang Sugo ng Allah na ipinadala sa inyo, na nagpapatotoo sa Torah (mga Batas) na ipinadala (sa inyo) nang una pa sa akin, at nagbibigay sa inyo ng masayang balita ng isang Sugo na susunod sa akin, ang pangalang itatawag sa kanya ay Ahmad. Datapwa‘t nang siya ay pumaroon sa kanila na may mga Maliwanag na Katibayan, sila ay nagsipagsabi: ‗Ito ay isang maliwanag na salamangka‘" (Qur'an 61:6)
Tungkol kay Hud ( a), sinabi ng Allah ( y); At sa mga tribo ng ‗Aad, ipinadala Namin ang kanilang kapatid na si Hud at sinabi; ‗O aking mga sinasakupan (tao) paglingkuran lamang ang Allah, wala kayong ibang Diyos maliban sa Kanya… (Qur‘an 11:50)
Tungkol kay Salih ( a), sinabi ng Allah ( y); At sa mga Tamud (ay isinugo Namin) ang kanilang kapatid na si Salih, at siya ay nagbadya, ‗O aking pamayanan ! Sambahin ninyo ang Allah, wala kayong ibang Ilah (Diyos) maliban sa Kanya.Kanyang nilikha kayo mula sa lupa at dito ay Kanyang itinira kayo, kaya‘t bumaling kayo sa Kanya sa pagsisi, Katotohanan, ang aking Panginoon ay laging malapit (sa lahat, sa pamamagitan ng Kanyang Kaalaman), ang Maaasahan. (Qur‘an 11 :61)
Gayon din, isinalaysay ng Allah ( y) ang mga kuwento ng mga ibang Propeta at ang mga Sugo at kung ano ang nangyari sa kanila at ng kanilang bansa.
-
Ang Deen ng Islam ay nanghamon sa lahat ng sangkatauhan na gumawa ng kagaya ng Qur‘an, na siyang pinakahuli sa mga Aklat
na Panlangit. Ang hamon na ito ay hanggang sa Araw ng Pagbabayad Muli. Ang Allah (
y) ay nagsabi ;
Hayaan sila na gumawa ng pagbigkas na katulad nito (Qur‘an) kung sila ay nagsasabi ng katotohanan.
(Qur‘an 52 :34)
Ginawang magaan ng Allah ( y) ang paghamon na magbigay ng ilang kabanata na katulad ng Qur‘an. Ang Allah ( y) ay nagsabi ; O sila ay nagsasabi: "Siya (Propeta Muhammad) ay nanghuwad nito (ang Qur'an)." Sabihin mo (O Muhammad sa kanila): "Kumatha kayo, kung gayon, ng sampung Surah (Kabanata) katulad nito, at tawagin ang sinuman bukod sa Allah (upang kayo ay tulungan), kung kayo nga ay tunay na makatotohanan!" (Qur‘an 11 :13)
Lalong ginawang magaan ang hamon na ito ng Allah ( y) at humingi na lang ng isang kabanata28 na katulad ng Qur‘an. Ang Allah ( y) ay nagsabi ; At kung kayo ay nag-aalinlangan tungkol sa Aming ipinahayag (ang Qur‘an) sa Aming alipin (na si Muhammad), kung gayon, kayo ay kumatha ng isang ‗surah‘ (kabanata) na katulad nito at inyong tawagin ang inyong mga saksi (mga tagapagtaguyod) bukod pa sa Allah, kung tunay nga na kayo ay nagsasabi ng katotohanan. (Qur‘an 2 :23)
Ang paghamon na ito ay inihain para sa lahat ng nilikha, mga Jinn at mga tao. Ang Allah ( y) ay nagsabi ; Ipahayag: ‗Katiyakan, kung ang sangkatauhan at mga Jinn ay magsama-sama sila upang makagawa ng katulad nitong Qur‘an, sila ay hindi makagagawa ng katulad nito, kahit na sila ay magtulungan sa isa‘t-isa. (Qur‘an 17 :88) -
Ang Islam ay Deen ng Jihad ; ang Deen, sarili, pamilya at ang sariling bansa ay pinangangalagaan. Ipinag-uutos na ang Jihad
ay isagawa laban sa mga humahadlang sa pagpapalaganap ng Deen ng Allah (
y), dahil ito ay panawagan para sa buong mundo, at hindi nakahangga sa mga parikular
na lahi lamang. Magkagayon, ang bawat isa ay may karapatang mabatid ang dala nitong kabutihan,
katarungan at pagmamahal na nilalaman nito. Ang Jihad ay pakikilaban upang mapawi ang
paghihirap at tulungan ang mga inaapi. Ang Allah (
y) ay nagsabi ;
At makipaglaban sa Landas ng Allah sa mga taong lumulupig sa inyo, nguni't huwag lumagpas sa hangganan. Katotohanan hindi
minamahal ng Allah ang manlulupig…
(Qur‘an 2:190)
Ang Jihad sa Islam ay isinasagawa upang ang salita ng Allah ( y) ay ibantayog at ang Kanyang Deen ay mapalaganap. Ang Allah ( y) ay nagsabi ; At makipaglaban sa kanila hanggang ang kasamaan at ang pagsamba sa mga diyus-diyusan ay maglaho at ang relihiyong mangibabaw ay ang para sa Allah lamang(sa buong mundo)… (Qur‘an 8:39)
May isang taong nagsabi sa Propeta ( s); May mga taong nakikipaglaban upang makakuha sa labi ng digmaan, mayroong ding nakikipaglaban para magpakita ng gilas at maging bantog.‘Sino sa mga ito ang tunay na nakikipaglaban sa Landas ng Allah ( y) lamang ?‘
Ang Propeta ( s) ay sumagot ; Sinuman ang nakipaglaban upang ibantayog ang Salita ng Allah at maging dakila, siya ang gumagawa para lamang sa Kapakanan ng Allah." (Bukhari)
Ang layunin ng Jihad ay hindi yaong naglalayong makakuha ng mga makamundong bagay, pansarili o masamang kapakinabangan, o kaya ito ay isinasagawa upang makamkam at palawakin ang hangganan ng sariling bansa, o ang magpakita ng lakas ng kanilang militar o kaya naman ay bunga lamang ng paghihiganti. Ang Allah y) ay nagsabi ; Huwag pamarisan yaong lumalabas sa kanilang mga lugar o tahanan na nagmamayabang para lamang magmalaki at makita ng mga tao. (Qur‘an 8:47)
Ang Islam ay Deen na nagtatagubilin ng kabutihan at nagbabawal ng kasamaan… na ito ay bilang kaligtasan ng pamayanan, sapagkat ang Deen ay hindi maaaring tumayo kung ang mga tagasunod nito ay hindi tumutupad sa kanyang alituntunin at ipinag-uutos at umiiwas sa anumang mga ipinagbabawal nito. Nanghihimok din ito sa mga taong naliligaw ng landas na maging mabuti at pumipigil sa mga gumagawa ng kasamaan. Sa ganitong paraan, ang pamayanan ay ligtas mula sa mga masasama at pagkawasak. Ang Propeta ( s) ay nagsabi ; Ang kahalintulad ng isang tao na tumatalima at sumusunod sa kautusan ng Allah at ang isang tao na sumusuway sa hangganang itinakda ay katulad ng mga pasahero ng isang sasakyang dagat (barko) na nagpasiya kung sino ang dapat manatili sa itaas at kung sino ang mananatili sa ibabang bahagi ng sasakyan (barko). Yaong nasa ibabang bahagi ay kailangang dumaan muna sa itaas upang sumalok ng tubig na nagiging sanhi ng pang-aabala ng mga nasa itaas na bahagi ng barko. Kaya, sila ay nagmungkahi sa mga nananatili sa itaas na bahagi ng barko na pahintulutan silang gumawa ng butas sa ilalim na bahagi ng barko at sumalok ng tubig roon na walang pang-aabala sa mga nasa itaas. Kung ang mga nasa itaas ay hahayaan o pahihintulutan ang mungkahi ng mga nasa ibaba, maaari silang magkaroon ng sakuna na magiging sanhi ng kanilang kapahamakan, nguni't kung ito ay hindi nila pahihintulutan sa kanilang balak, sila ay magiging ligtas sa anumang kapahamakan. > -
Ang Deen ng Islam ay para sa buong daigdig at sakop nito ang lahat ng aspeto ng buhay, tulad ng pagpapanukala ng batas at
alituntunin tungkol sa kalakalan, digmaan, kasalan, pangkabuhayan, politika at ang pagsasagawa
ng pagsamba atbp. Ito ay nagtatayo ng huwarang pamayanan ; kahit na magtulungan pa ang
mga taong gumawa ng katulad nito, hindi nila maisasagawa ito. Kung malayo ang pamayanan
mula sa mga batas at alituntunin na itinatag ng Islam, katiyakan na kapariwaraan ang
ibubunga nito at bulok na pamahalaan. Ang Allah (
y) ay nagsabi ;
…At Aming ibinaba (sa lupa) ang Aklat (Qur‘an) bilang isang paliwanag sa lahat ng bagay, isang patnubay, isang awa at magandang
balita para sa sumusuko ng kanilang sarili (sa Allah bilang Muslim).
(Qur‘an 16:89)
Ipinaliwanag ng Islam ang ugnayan ng Muslim at ng kanyang Rabb (Panginoon), ang kanyang lipunan at kapaligiran, buhay man o hindi. Walang anumng bagay sa Islam na tinatalikdan ang likas na asal o kaugalian ng tao o ng kanyang buong katalinuhan. Ang katibayan na tumutukoy sa katotohanang ito ay ang kahalagahan na ipinapakita tungkol sa magandang kaugalian, sa mga partikular na bagay na may kaugnayan sa pang-araw-araw na buhay, tulad ng pag-uugali sa pagsagot sa tawag ng kalikasan, at kung ano ang dapat gawin ng Muslim bago at pagkatapos ng paggamit ng palikuran. Sinabi ng Abdulrahman b. Zaid ( d) na may nagsabi kay Salman, ‗Lahat ay itinuro sa inyo ng inyong Propeta ( s) kabilang ang gagawin ninyo sa paggamit ng palikuran ?‘ Si Salman ( d) ay sumagot ; Katotohanan, ipinagbabawal sa amin ang nakaharap sa Qiblah (sa Makkah) tuwing gumagamit ng palikuran, at ginagamit namin ang kaliwang kamay sa paglilinis ng maselang bahagi ng katawan, at gumagamit kami ng hindi kukulangin sa tatlong bato sa paglilinis o ng natuyong dumi o buto. (Muslim)
-
And Deen ng Islam ay isang palatandaan sa pagdating ng Araw ng Pagbabangong Muli at ang katapusan ng Mundo. Ang Propeta (
s) ay nagpaliwanag na siya ang huling Propeta (
s), ang kanyang pagiging Propeta (
s) ay isang tanda na malapit na ang Huling Oras. Si Anas (
d) ay nag-ulat na sinabi ng Propeta (
s);
Ang Huling Sandali at ako ay itinayo katulad nitong dalawa‘, at ipinagdikit ang kanyang gitnang daliri at ang hintuturo.
(Muslim)
Ito ang pagpapatunay na siya ang huli at ang pangwakas na Sugo ( s).