Ang Aspetong Politikal ng Islam

Ang Islamikong legislatura ay nagpanukala ng pangunahing prinsipiyo at patakaran sa larangan ng pampulitikang na siyang tumatayong batayan o haligi kung saan naitayo ang Islamikong panlipunan. Ang namumuno ng Pamayanan ng Muslim ay katulad ng isang kinatawan na nagpapatupad sa mga kagustuhan ng Allah ( y) sa panahon ng pagpapalakad niya sa mga tuntunin at mga prinsipiyo. Ang Allah ( y) ay nagsabi; Sila ba ay nagsisikhay ng paghusga (batay sa panahon ng pagano) kamangmangan? Datapwa't sino ba ang higit na mabuti sa paghuhusga maliban sa Allah sa paghatol sa mga tao na may katiyakan (sa kanilang) pananampalataya
(Qur‘an 5:50)

Ang namumuno sa isang Pamayanan ng Muslim ay isang kinatawan ng buong Pamayanan na hinirang para ipatupad ang mga sumusunod;

  • Gawin ang kanyang makakaya para magkaloob ng tapat at marangal na kabuhayan para sa mamamayan, upang ipagtanggol ang Deen, ang kapayapaan, ang buhay ang ang kanilang ari-arian at kayamanan. Ang Propeta ( s) ay nagsabi; Walang alipin ang Allah na pinamahalaan sa pamumuhay ng mga Muslim, nguni't hindi nakapagbigay ng tapat at magandang buhay (sa kapakanan ng mga mamamayan) hindi niya malalanghap kahit na ang amoy ng Paraiso.
    (Bukhari)

    Ang namumuno sa Pamayanan ng Muslim ay dapat kagaya ng iniulat ni Khalifa Omar Ibn Al-Khattab ( d), ng sabihin niya sa kanyang mga kasamahan;
    Dalhin ninyo ako sa isang tao na maaasahang maglingkod sa kapakanan ng mga Muslim na mahal sa akin. Sinabi nila si Abdur-Rahman Ibn ‗Auf. Nasabi niya, siya ay mahina. Nagbanggit ng iba nguni't hindi rin niya pinahintulutan. Pagkatapos sila ay nagtanong, sino ang iyong gusto? Ang sabi niya; ―Gusto ko ang isang tao, na kung hirangin kong maging Gobernador, siya ay dapat mag-asal ng gaya nila, at kahit na hindi siya ang namumuno ay dapat kumilos siya na parang siya ang namumuno. Sinabi nila; ‗walang ibang higit na nararapat maliban kay ‗Ar-Rabee‘ah ibn ul-Haarith.‘ At sinabi ni Omar, sinabi ninyo ang katotohanan.

  • Ang namumuno ay hindi dapat humirang ng namamahala para sa mga Muslim ng sinuman na hindi marunong humawak ng pananagutan at hindi tapat. Hindi siya dapat magbigay ng pabor sa mga kaibigan o kamag-anak niya ng higit sa mga taong karapatdapat sa isang katungkulan.

    Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi; Kung sinuman ang nandaya sa mga itinalaga para sa isang katungkulan ay papasok sa Impiyerno.
    (Saheeh Al-Jami)

    Ang mga nabanggit sa itaas na mga alituntunin at prinsipiyo ay maipapaliwanag sa mga sumusunod;

    • Ang mga ito ay banal na ipinag-uutos ng Allah ( y). Alinsunod sa mga ito, ang lahat ay pantay-pantay; ang namamahala at ang mamamayan, ang mayaman at ang mahirap, ang mga maharlika (nakakataas) at mabababa, ang mga mapuputi at maiitim. Walang sinumang nakakataas ng tungkulin ang maaaring lumabag sa mga ito o magpanukala ng batas na salungat sa mga ito. Ang Allah ( y) y nagsabi; Hindi marapat sa isang nananampalataya, lalaki o babae, na kung ang isang bagay ay napagpasiyahan na ng Allah at ng kanyang Sugo, na magkaroon pa sila ng anumang pamimilian tungkol sa kanilang pasiya; at sinuman ang sumuway sa Allah at sa Kanyang Sugo, tunay na siya ay napaligaw sa maliwanag na kamalian.
      (Qur‘an 33:36)

    • Ang lahat ay kinakailangang igalang ang mga patakaran at prinsipiyo at hinihingi ang pagpapatupad mula sa pinuno at sa mga mamamayan. Ang Allah ( y) ay nagsabi; Ang tangi lamang pahayag ng mga matatapat na nananampalataya kung sila ay tawagin sa Allah at sa Kanyang Sugo, upang humatol sa pagitan nila, ay ang pagsasabi ng : ‗Kami ay dumirinig at kami ay tumatalima.‘ At sila ang magtatagumpay (na mananahan sa Paraiso magpakailanman).
      (Qur‘an 24:51)

      Sa Islam, walang sinuman ang may tunay na kapangyarihan, kasama na dito ang namumuno dahil ang kanyang kapangyarihan ay may hangganan na pinapatupad ng Islmikon legislatura; kung siya ay sumalungat dito, ang mga mamamayan ay di-dapat tumalima sa kanya datapwa‘t nararapat lang na sumunod sa katotohanan. Ang Propeta ( s) ay nagsabi; Tungkulin ng isang Muslim na makinig sa kinauukulan maging ito ay kanyang gusto o hindi maliban kung siya ay inuutusang gumawa ng kasamaan. Samakatuwid kung ang pinasusunod ay gawaing kasamaan, hindi dapat makinig o sumunod.
      (Bukhari)
    • Ang pagsasanggunian ang siyang pinaka-sentro ng sistemang pampolitikal ng Islam. Ang Allah ( y) ay nagsabi; At sila na dumirinig sa panawagan ng kanilang Rabb at nagsasagawa ng Salah (takdang pagdarasal), at namamatnugot sa kanilang kapakanan sa pamamagitan ng magkapantay na pagsasanggunian; at gumugugol sa anumang ipinagkakaloob Namin sa kanila.
      (Qur‘an 42:38)

      At sinabi rin ng Allah ( y): At sa habag ng Allah, (O Muhammad) makipag-ugnayan sa kanila ng mahinahon. Kung ikaw ay naging mabalasik at matigas ang puso, sila ay maaaring lumisan sa iyo, kaya‘t pagpaumanhin ang kanilang mga kakulangan at humingi ng kapatawaran sa Allah para sa kanila at sumangguni sa kanila hinggil sa kanilang gawain…
      (Qur‘an 3:159)


    Sa naunang talata (ayat), ang Sanggunian ay binanggit kaalinsabay ng pagdarasal, samakatuwid ito ay tinatanggap bilang pangunahing sangkap ng isang mahusay na pamamalakad ng pamahalaan. Ang mga payo ng mga maaalam at mapananaligang Muslim ay dapat sundin sa lahat ng bagay na umuugnay sa kapakanan ng pamayanan. Sa huling talata ng ayat, ang Allah ( y), ay nagbigay ng papuri sa mga mananampalataya sa malawak na pananaw ng kanilang marubdob na hangaring ipatupad ang prinsipyo ng sanggunian sa lahat ng kanilang pamumuhay.
    Sa pangalawang talata (ayat) ang Allah ( y) ay nag-utos sa Kanyang Huling Sugo ( s) nang siya‘y namumuno sa pamayanang Muslim, na humingi ng payo o isangguni ang mga bagay na nakaugnay sa kapakinabangan at gawain ng mga mamamayan kung walang kapasiyahan na ipinahayag ng Allah ( y) tungkol dito. Nguni't kung mayroong maliwanag na paksa sa Shari‘ah na nakaugnay sa pagpapasiya, ito ay hindi hahantong sa pagsasanggunian. Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi ; Walang taong lagi ng may Sanggunian, kundi sila yaong napapatnubayan sa pinakamabuting bagay. At binigkas ng Sugo ng Allah ( s) ang : ‗At sino ang mga namamatnugot sa kanilang kapakanan sa pamamagitan ng sanggunian‘. (Adab al-Mufrad)

    Ang mga may Autoridad ay isinasaalang-alang na ito (sanggunian) ay tungkulin ng isang mamumuno upang sumangguni sa tao kaugnay ng kanilang ikabubuti. Kung hindi binigyang pansin ang Sanggunian, kinakailangang ipilit ng tao ang kanilang karapatan na magsalita at magbigay ng sariling paliwanag o opinyon. Ito ay batay sa nasabing talata (ayat) sa itaas. Sapagkat sa Islamikong batas isinaalang-alang ang namumuno bilang kinatawan ng bansa na may tungkuling magsagawa ng anumang iniatang sa kanyang balikat. Sa kabilang dako ang mga tao naman ay kinakailangan magkaroon ng pagbabantay sa pagpapatupad ng batas ng isang namumuno. Ipinagkakaloob ng Islam sa bawat isa ang magbigay ng sariling kuro-kuro at pamumuna sa paraang naaangkop at alinsunod sa prinsipiyo na itinalaga ng Deen. Datapwa‘t hindi sila dapat magsagawa ng mga bagay na makakapagpagulo. Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi; Ang pinakamabuting pakikibaka (Jihad) ng dahil sa Allah ay ang pagsasabi ng salitang makatarungan sa harap ng mapangabusong namumuno.
    (Haakim)

    Si Abu Bakr ( d), ang unang Kalipa ng Islam, isang araw ay tumayo sa pulpito at nagbigay aral sa tao ng ganito;
    O mamamayan, ako ay napili bilang inyong namumuno bagamat ako ay hindi pinakamabuti mula sa inyo. Kung ako ay makita ninyong nasa matuwid, tulungan ninyo ako. Kung makita ninyo akong nasa kamalian, itama ninyo ako. Sumunod kayo sa akin hangga‘t ako ay sumusunod sa Allah sa pagtataguyod ng inyong pamumuhay. Nguni't kung ako sumuway sa Kanya (Allah) wala akong karapatang magpasunod sa inyo. ay

    Si Omar Ibn Khattab ( d), ang ikalawang Kalipa, isang araw ay nakatayo sa minbar at nagbibigay ng ‗Khutba‘ sa mga tao;
    O, mamamayan, kung inyong makita na ako ay mayroong katiwalian, itama ninyo ako. Isang bedouin ang tumindig at nagsalita; ‗Sa pamamagitan ng Allah, itatama ka namin sa pamamagitan ng espada.

    Sa kabila nito, si Omar ( d) ay hindi nagalit, itinaas niya ang kanyang kamay sa langit at nanalangin;
    Ang Kapurihan ay para sa Allah, na Siyang lumikha ng isang taong mula sa amin upang ituwid ang kamalian ni Omar.‖

    Ang namumuno ay maaari ding tawagin ng mga tao upang papanagutin. Minsan, si Omar ( d) ay nagsalita sa mga tao habang nakasuot ng dalawang pirasong damit. Nang siya ay nagsabi;
    O, mamamayan, Makinig at maging masunurin‖. Isang tao ang tumayo at nagsabi; ‗Walang makikinig at walang susunod!‘ Si Omar ay nagtanong, ―Bakit?‖ Ang tao ay sumagot; ‗Sapagkat ikaw ay may dalawang pirasong damit samantalang kami ay iisa lamang.‘ (Si Omar ay namahagi ng tig-iisang damit sa bawat Muslim). Dali-daling tinawag ni Omar ang anak. ―O, Abdullah Ibn Omar! Sabihin mo sa kanila‖. Si Abdullah ay nagsalita, ‗Ibinigay ko ang aking damit sa kanya.‘ Ang taong nag-atubili ay nagsalita; ‗Ngayon, kami ay makikinig at sumunod.‘

    Kaya, ang Islam ay pinanatili ang karapatan at pinangangalagaan ang kapayapaan ng tao maging ito ay pampubliko o pang-pribado. Inilalayo ang mga pinagmulan ng mga batas mula sa makasariling pagnanasa o kasiyahan ng mga tagapagpatupad ng batas, sapagkat ang kanilang pagpapatupad ay bunga ng pansariling pangangailangan at pagkakataon. Kung ano ang ginawang batas kahapon ay mapawalang bisa ngayon at ang ginawang batas ngayon ay mapawalang bisa bukas. Nguni't ang Islam ay hindi nag-iwan ng mga hindi tapos na batas para sa lahat ng bagay na pangangailangan. Sapagkat, ito ay maaaring mag-iwan ng bukas na pinto para ang mga Muslim na mambabatas para sa kanilang pansariling kapakanan at magamit kahit na sa anong lugar at sa anong oras, na ito‘y sa pamamaraan na ang ginawang batas ay hindi taliwas sa prinsipiyo at saligan ng Islam.