Ang Aspetong Moral ng Islam

Ginawang ganap ng Islam ang kagandahang asal at itinaas ang mga ito sa pinakamataas na pamantayan. Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: "Ako ay isinugo upang gawing ganap at buuin ang pag-uugali at kagandahang asal." (Haakim)

Ipinag-uutos ng Islam ang bawat mabubuting ugali at ipinagbabawal at binigyang babala ang bawat kasamaan at malaswang ugali.

Ang Dakilang Allah ( y) ay nagsabi batay sa Qur‘an: Magbigay ng kapatawaran at mag-anyaya sa kabutihan (kabaitan) at lumayo sa mga mapaggawa ng kasamaan. (Qur‘an 7:199)

Ang Propeta ng Allah ( s) ay nagsabi: "Alam ba ninyo kung sino ang nalugi? Sila (ang kanyang kasamahan ay nagtanong; "Ang nalugi sa amin ay yaong nawalan ng salapi o yaman." Ang Propeta ay nagsabi: "Ang nalugi sa aking pamayanan ay yaong dumating sa Araw ng Paghuhukom na dala ang (gantimpala ng) kanyang mga pagdarasal, kawanggawa, pag-aayuno, siya ay dumating na kasama ang mga ito nguni't sa kanyang nagdaang buhay, isinumpa niya ang isang tao at pinaratang nang may kamalian ang isa, pumatay siya ng isang tao at sinaktan ang isa pa. Kaya, ang gantimpala niya ay ipinagkaloob sa mga taong iyon at maging ang iba pa. Kapag ang gantimpala para sa kanyang mabubuting gawa ay ipamamahagi bago bayaran ang kanyang mga kasalanan, ang kanilang mga kasalanan ay kukuhanin at itatapon sa kanya at siya ay ihahagis sa Impiyerno. " (Muslim)

Maraming salaysay tungkol sa tamang pag-aasal o pag-uugali na kapupulutan ng aral ang matatagpuan sa Qur‘an at maging sa mga Hadith ng Sugo ng Allah ( s). Ang mga paksa ay tumatalakay tungkol sa katapatan, kabaitan, pangkawanggawa, pakikipagtulungan, kahinahunan at kababaang loob. At mayroon ding mga salaysay tungkol sa masasamang pag-uugali na nagiging sanhi upang ang tao ay maligaw ng landas at umani ng poot mula sa kanyang Panginoon.

Ang deen ng Islam ay inilalarawan sa paraan na dapat isabuhay ng isang Muslim sa kapwa tao at sa kanyang lipunan. Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: "Iwasan ang mga ipinagbawal at kayo ay magiging pinakamahusay na mananampalataya, masiyahan sa biyayang ipinagkaloob ng Allah sa iyo at ikaw ang magiging pinakamayaman sa lahat ng tao, maging mabuti sa iyong kapitbahay at ikaw ay magiging tunay mananampalataya, mahalin mo para sa iba ang anumang mahal mo para sa iyong sarili at ikaw ay magiging tunay namananampalataya. At huwag labis na tumawa sapagkat ang pagtawa nang labis ay nagiging sanhi ng kamatayan ng puso" (Tirmidh)
"Ang isang tunay namananampalataya ay yaong ang kapwa Muslim ay ligtas mula sa kanyang dila at sa kanyang mga kamay, at ang tunay na Muhajir ay siyang lumisan (o ganap na tinalikdan) ang anumang ipinagbabawal ng Allah." (Bukhari)


Ang Islam ay naglalayong magtatag ng isang maayos na lipunan na nagpapakita ng pagmamahalan at habag sa isa't isa. Ito ay naisasakatuparan lamang kapag ginagampanan ang mga kautusan nito at iniiwasan ang mga ipinagbabawal. Ang ilan sa mga halimbawa ng mga gawaing ipinagbabawal ay ang mga sumusunod:

  • Ipinagbabawal ng Islam ang pagsamba sa iba‘t ibang diyusdiyusan. Ang Qur‘an ay nagsabi: Alalahanin! hindi pinatatawad ng Allah ang pagbibigay katambal sa Kanya (sa pagsamba). Nguni't (maliban dito) pinatatawad Niyang lahat ang sinumang Kanyang naisin… (Qur‘an 4:116)
  • Ipinagbabawal din ng Islam ang Karunungang Itim (Magic). Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: ―Iwasan ang pitong mapanganib na bagay.Ang mga kasamahan ng Sugo ng Allah ( s) ay nagtanong: O, Sugo ng Allah, alin ang mga bagay na ito?‘ Siya ay sumagot: ―Ang pagsamba sa iba bukod sa Allah, ang pagsasanay ng karunungang itim, ang pagpatay ng walang katarungan, ang pagpapatubo (interest), ang paglustay ng kayamanan ng mga ulila, ang pagtalikod mula sa mga kaaway ng Islam sa panahon ng digmaan. At ang paninirang puri sa mga malilinis at inosenteng babaing Muslim. (Bukhari at Muslim)
  • Ipinagbabawal din ng Islam ang kawalang katarungan at pangaapi sa pamamagitan ng pananalita o gawa at ipagkait ang karapatang nauukol sa iba. Ang Qur‘an ay nagsabi: Ang daan (ng panunumbat) ay sa kanya lamang na nang-aapi sa mga tao at maling paghihimagsik sa kalupaan, at sa kanya ay isang mahapding kaparusahan. (Qur‘an 42:42)

    Ang Qur‘an ay nagsabi rin ng ganito: Ipahayag: Ipinagbabawal (higit) ng aking Panginoon ang mga makasalanang gawain, (lahat ng bawal na pakikipagtalik, ang kalaswaan, maging ito ay nalalantad o nakatago) ang dimakatarungang pang-aapi, pang-aabuso... (Qur‘an 7:33)

    Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: Ipinahayag sa akin ng Allah, ang Kataas-taasan, na kayo ay nararapat na maging mapagpakumbaba upang walang sinuman ang abusuhin o apihin, o itaas ang sarili kaysa sa iba pa. (Muslim)

    Sa isa pang Hadith ng Sugo ng Allah ( s): Ipinag-uutos ng Allah: O aking alipin, ipinagbawal Ko sa Aking sarili ang pang-aapi (pang-aabuso), at ito ay Aking ipinagbabawal sa inyo. Kaya huwag gumawa ng kasamaan sa iba. (Muslim)

    Ito ay hindi naman nangangahulugan na maging matiisin na lamang sa pang-aapi o pang-aabuso ng ibang tao sapagkat ang Islam ay nagbabawal ng mga gawaing di makatarungan. Ang Qur‘an ay nagsabi: …At sinumang nagtaboy sa inyo, itaboy rin sila sa paraan ng pagtaboy sa inyo… (Qur‘an 2:194)

    Itinuturo rin ng Islam na dapat tulungan ang mga biktima ng pangaapi at di makatarungang pang-aabuso maging siya man ay Muslim o kaanib ng ibang relihiyon. Ang Qur‘an ay nagsabi: At kung ang isa sa mga ‗Mushrik‘ (nang-iidolo, pagano at hindi naniniwala sa Kaisahan ng Allah) ay humingi ng pangangalaga, pangalagaan siya upang kanyang marinig ang mga salita ng Allah at pagkaraan nito, dalhin siya sa kanyang sariling pook ng kaligtasan. (Qur‘an 9:6)

    Sapagkat ang Islam ay hindi nagpapahintulot na ipagkait sa sinumang tao ang karapatan at kalayaan nito o ang kanilang damdamin ay hindi dapat saktan kahit sila ay di Muslim.

    Ang Islam ay nag-aanyaya rin sa mga nang-aabuso o nang-aapi at sa mga naaapi o inaabuso ng ganitong aral: Tulungan ang inyong kapatid maging siya ay nang-aapi o naaapi.‖ Isang kasamahan ng Sugo ng Allah ang nagtanong: ‗O, Sugo ng Allah (tunay na totoo) aking tutulungan ang kapatid kung siya ay inaapi, nguni't sabihin mo sa akin kung paano ko tutulungan kung nagkataong siya ay mapang-api?‘ Ang Sugo ng Allah ay nagsabi: ―Pigilin mo siya sa pang-aapi ng kapwa sapagkat ang pagpigil sa kanya mula sa paggawa ng pang-aapi ay tulong para sa kanya. (Bukhari)

    Ipinagbabawal din ng Islam ang pagkitil ng buhay maliban sa makatarungang dahilan. Ang Qur‘an ay nagsabi: Sinuman ang kumitil sa isang mananampalataya na may sadyang layon, ang kanyang gantimpala ay Impiyerno magpakailanman. At ang galit at sumpa ng Allah ay mapasakanya, at inihanda sa kanya ang matindi at malaking parusa. (Qur‘an 4:93)
    Sa ganoong dahilan, Aming ipinag-utos sa angkan ng Israel na sinuman ang pumatay ng tao maliban sa kasamaan o katiwalian sa mundo, para na ring pinatay ang lahat ng sangkatauhan. At sinuman ang nagligtas ng buhay ng isang tao, para na ring iniligtas niya ang buhay ng sangkatauhan… (Qur‘an 5:32)

    Ang sabi ng Propeta ng Allah ( s): Ang isang Muslim ay nananatiling nagtatamasa ng kaligtasan at pangangalaga ng kanyang pananampalataya hanggang hindi nakagagawa ng di-makatarungang pagpatay. (Bukhari)

    Ang ligtas sa ganitong babala, ay yaong pumatay at napatay ng dahil sa pagtatanggol sa kanyang sarili, sa kanyang ari-arian, at dangal o inaping tao na humingi ng tulong sa kanya. Karagdagan nito, wala itong pagkakaiba kung ang pinatay ay Muslim o di-Muslim na may karapatan sa pangangalaga ng pamahalaang Muslim. Ang sabi ng Propeta ng Allah ( s): Ang sinumang pumatay ng tao na may kasunduan (treaty) sa mga di-Muslim, ay hindi niya malalanghap ang amoy ng Paraiso; ang amoy nito ay malalanghap mula sa layong 40 taon (paglalakbay). (Bukhari)

  • Ipinagbabawal rin ng Islam ang paghihiwalay ng magpapamilya at pagtalikod o pagtakwil sa kamag-anak. Ang sabi ng Dakilang Allah ( y): Kung sa inyo ba ay ipagkaloob ang kapamahalaan, magkagayon hindi ninyo kaya magawa na maghasik ng kasamaan sa kalupaan at putulin ang inyong ugnayang pagkamag-anakan? Isinumpa ng Allah ang mga ganitong pangyayari, kaya ginawa silang mga bingi at bulag ang kanilang mga mata. (Qur‘an 47:22-23)

    Ang sabi ng Sugo ng Allah ( s): Walang sinuman na tumalikod o pumutol sa ugnayang pangkamag-anakan ang makapapasok sa Paraiso. (Bukhari at Muslim)


    Ang pagtakwil o pagtalikod sa ganitong ugnayan ay nagpapahiwatig ng di pagbibigay pansin sa pakikitungo na may bahid pagmamataas, hindi paglingap sa mga kamag-anakan na mahihirap o maysakit. Sa pagkamag-anakan, ang kawanggawa at magandang pakikipagugnayan ay isang tungkulin na dapat tuparin ng sinumang Muslim. Kung ang isang tao ay mahirap lamang, ang pananatili ng ugnayan ay magagampanan sa pamamagitan ng masayang pagbati, paggalang at pagdalaw sa kanila upang alamin ang kanilang mga kalagayan. Ang sabi ng Propeta ( s): Panatilihin ang (magandang) ugnayang pangkamag-anakan sa pamamagitan ng pagbati ng ―Salaam.

    Ipinagbabawal ng Islam ang pagsuway at masamang pag-uugali sa mga magulang. Ang sabi ng Qur‘an: At ang iyong Panginoon ay nag-utos na wala kang dapat sambahin maliban sa Kanya (Allah) At maging masunurin sa iyong mga magulang. Kung ang isa sa kanila o kapwa sila nasa katandaan huwag silang pagsalitaan ng kawalang galang at huwag silang sigawan subalit' ikaw ay mangusap sa kanila sa paraang magalang (may pitagan). At iyong ibaba para sa kanila ang diwa ng kapitagan at kababaang-loob sa pamamagitan ng Habag, at magsabi: "O Aking Rabb (Panginoon)! Igawad Ninyo sa kanila ang Inyong Habag sapagkat sila ang nangalaga sa akin nang ako ay musmos pa." (Qur‘an 17:23-24)

    Ang sabi ng Propeta Muhammad ( s): Ang Kasiyahan ng Allah ay batay sa kasiyahan ng magulang (sa kanyang anak) at ang Kanyang galit ay batay rin sa galit ng magulang. (Tirmidhi)

    Nang itanong kung ano ang ibig sabihin ng pagsuway sa magulang, ang sabi ni Ka‘ab Al-Ahbar ( d): Ang ibig sabihin nito ay kung ang isang magulang ay umaasa sa pangako nguni't hindi tinutupad ang pangako; kung siya ay inuutusan ay hindi sumusunod; kung mayroong hinihingi ay hindi ito ibinibigay; at kung siya ay pinagkakatiwalaan ito ay nagtataksil (hindi matapat)

  • Ipinagbabawal ng Islam ang pangangalunya at ang lahat ng bagay at gawain na magbibigay daan tungo sa pangangalunya at pakikipag-apid. Ang sabi ng Qu‘raan: ―At huwag lalapit sa ipinagbabawal na pakikipagtalik, ito ay karumal-dumal at daan ng kasamaan. (Qur‘an 17:32)

    Ang sabi ng Propeta ( s): Walang mabigat na kasalanang kasunod ng pagsamba bukod sa Allah maliban sa isang taong nakiapid. (Ahmad)

    Nakasaad dito ang kaparusahan sa pakikiapid: Sa babae at sa lalaking nagkasala ng bawal na pakikipagtalik, hagupitin ng isang daang latay. Huwag awa ang mangibabaw sa kanilang pagkakasala sa parusang itinakda ng Allah, kung tunay nga na kayo ay naniniwala sa Allah at sa Huling Araw. Hayaang ang pangkat ng naniniwala ay saksihan ang kanilang kaparusahan. (Qur‘an 24:2)

    Ang parusang ito ay para sa mga walang asawa na nagkasala sa nabanggit na kasalanan nguni't kung ang may asawa ang nagkasala, ang parusa ay ang batuhin sila hanggang kamatayan. Upang ipatupad ang ganitong parusa, mayroong dalawang pangangailangan ang nararapat.

    Ang pag-amin ng nagkasalang lalaki at babae.
    Ang apat na saksi na may kakayahang isalaysay ang pangyayari sa pinakamaliwanag na detalye at walang namumuong alinlangan sa naganap na pagkakasala.

    Sa katotohanan, ito ay posible lamang maganap kung ginawa ng dalawang naki-apid ang kasalanan sa publiko at nasaksihan ng lahat ng saksi. Sa kasaysayan ng Islam, dalawa o tatlo lamang na pangyayari ang pinatawan ng parusa batay sa pag-amin ng nagkasala at pagkaraan lamang na ang mga nagkasala ay nagpumilit na sila ay patawan ng kaukulang parusa. Ang parusang ito ay nagpapahiwatig kung gaano kalubha ang kasalanang pakikiapid. Ito ay naglalayon na panatilihin ang dangal mula sa pagkadungis at pangalagaan ang mga tao at ang kanilang mga dangal laban sa katiwalian, at ang lipunan mula sa hidwaan at mga sakit, at ang kanilang lahi laban sa dungis at alinlangan sa mga bagay na nauukol sa pamana at kakayahang pag-aasawa. Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: Kung ang kasalanang pangangalunya ay lumaganap mula sa mga tao sa publiko, ang mga salot at bagong mga sakit ay lalaganap din mula sa kanila. (Ibn Majah)

    Ang kasuklam-suklam na uri ng ganitong kasalanan ay ang ugnayang sekswal ng magkapatid, mag-ina o mag-ama (incest). Isang Hadith na isinalaysay ni Al Hakeem ( d) ay nagsabi ng ganito: Sinumang nagkasala ng ‗incest‘ (pakiki-apid sa malapit na kamag-anak) ay dapat patayin.

    Ipinagbabawal din ng Islam ang Sodomiya (ugnayang seksuwal ng kapwa lalaki o kapwa babae. Ang Qur‘an ay nagsalaysay tungkol sa pangyayari na naganap sa mga mamamayang pinamunuan ni Propeta Lot ( s): Nang dumating ang Aming Kautusan, pinapangyari Namin (na ang bayan ng Sodom sa Palestine) ay bumaligtad (tumaob) at pinaulanan ng mga matitigas na bato sa itinakdang paraan. Tanda mula sa iyong Panginoon; at sila ay hindi nalalayo tulad ng mga makasalanan. (Qur‘an 11:82-83)

    Ito ay nagpapahiwatig na sinuman ang kumilos ng katulad ng mga tao sa panahon ni Propeta Lot ( s) ay nararapat mag-ingat sa maaaring parusang igawad sa ganitong kasalanan.

    Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: Mayroong apat na tao ang inihantad ang mga sarili sa galit (o sumpa) ng Allah bawat umaga at gabi: Ang mga lalaki na tinutularan ang kababaihan, ang mga babae na tinutularan ang mga kalalakihan, ang mga taong nakikipagtalik sa mga hayop at yaong nagkasala ng sodomiya. (Tabarani)

  • Ipinagbabawal din ng Islam ang paglustay ng mga yaman ng mga ulila sapagkat ito ay pagsira sa karapatan ng mga mahihinang tao. Ang Dakilang Allah ( y) ay nagsabi mula sa Qur‘an ng ganito: Katotohanan, yaong naglustay ng walang kabuluhan sa mga ari-arian (o yaman) ng mga ulila, ay kumain ng apoy sa sarili nilang katawan; sasakanila ang naglalagablab na Apoy. (Qur‘an 4:10)

    Ang hindi kabilang dito ay ang mahirap na tagapangalaga ng isang ulila. Siya ay pinahihintulutang kumuha ng kaukulang bahagi ng yaman ng ulila para sa kanyang pangangalaga, pag-aasikaso at paglilingkod sa mga ito kasama na rito ang pagpapakain, pananamit at pagpapaunlad ng mga ari-arian sa pinakamakabuluhang kabutihan ng mga ulila. Ang Qur‘an ay nagsabi: At sinuman (mula sa mga tagapangalaga ng ulila) ang mayaman, siya ay hindi nararapat kumuha ng bayad sahod, nguni't kung siya (ang tagapangalaga) ay mahirap lamang, pinahihintulutang kumuha para sa kanyang sarili ng kaukulang bayad sa paraang makatarungan at makatuwiran (ayon sa kanyang pinagpaguran)… (Qur‘an, 4:6)

    Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagbigay payo na dapat pangalagaan ang mga ulila at pakitunguhan ang mga ito ng may kabaitan, ٍ siya ay nagsabi: Ako at ang tagapangalaga ng mga ulila ay katulad nito. Itinuro niya ang kanyang hintuturo at gitnang daliri (at magkadikit). (Bukhari)
    Kung ang isang tao ay nag-alaga ng isang ulilang Muslim at kanyang itinaguyod ito hanggang sa paglaki, siya ay may karapatang pumasok sa Paraiso hanggang hindi siya nakagawa ng walang kapatawarang kasalanan. (Tirmidhi)

    Ipinagbabawal din sa isang Namumuno na dayain ang kanyang mga mamamayan. Ang Qur‘an ay nagsabi: ―Huwag isipin na hindi nalalaman ng Allah ang mga ginagawa ng mga makasalanan. Binibigyan lamang Niya ng maikling palugit hanggang sa Araw na ang kanilang mata ay nakatitig sa malaking takot (at sindak). (Sila ay) Madaliang sumusulong na ang kanilang mga leeg ay nangaghaba, kanilang mga ulo ay nakatungo sa itaas (nakatingin sa kalangitan), ang kanilang mga titig ay di bumabalik sa kanila at ang kanilang mga puso ay walang laman (mula sa pag-iisip ng dahil sa malaking takot). (Qur‘an 14:42-43)

    Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: Kung ang isang namumuno ay pinagkatiwalaan ng Allah (para sa pangangalaga ng mga tao) nguni't hindi naging matapat sa kanila, siya ay pagkakaitan ng Paraiso. (Sa ibang Hadith, isinalaysay ng ganito); Kung siya ay mamatay habang nandadaya sa kanyang mga mamamayan, siya ay pagbabawalang pumasok sa Paraiso. (Bukhari)

    At siya ( d) rin ay nagsabi: Ang di-makatarungang namumuno ay makatatanggap ng pinaka-mahapding parusa sa Araw ng Paghuhukom. (Tabarani)

    Palagian din niyang dinarasal ang ganito O, Allah, sinuman ang namahala sa aking mamamayan at naging mabait siya sa mga ito, (idinadalanging kong) maging mabait Kayo sa kanya. Nguni't kung pinagmalupitan niya ang mga ito, (nawa ay) maging mahigpit Kayo sa kanya. (Muslim)

  • Ipinagbabawal din ng Islam ang pagsaksi o pagpapahayag ng walang katotohanan (false witness) at panunumpa na walang katotohanan (false oath). Ito ay itinuturing na isa sa pinakamalaking kasalanan na ang ibubunga ay maaaring kawalan ng pananampalataya. Ang Qur‘an ay nagsabi: At silang hindi nakikinig sa mga walang katotohanang pagsaksi (o pagpapahayag) at kung sila ay madaan sa mga masasamang gawain o pananalita, sila ay makikiraan ng may dangal. (Qur‘an 25:72)

    Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagtanong sa kanyang mga kasamahan kung nais nilang malaman ang isa sa pinakamabigat na kasalanan. At nang sila ay sumagot ng paayon, siya ay nagsabi: Ang pagbibigay katambal sa Allah (sa pagsamba), ang pagsuway sa magulang. At pagkaraa‘y siya ay umupo at humilig at nagsabi: Mag-ingat sa pananalita na walang katotohanan, mag-ingat sa pagpapahayag ng walang katotohanan (false testimony). Patuloy niyang sinasabi ito ng paulit-ulit hanggang nais namin na sana ay nanahimik na lamang (nang dahil sa awa namin sa kanya). (Bukhari)

    Ito ay sanhi ng siphayong idinudulot ng maling pagpapahayag sa lipunan kabilang na rito ang paninira ng mga karapatan ng mga tao at ang paglaganap ng mga di makatarungang gawa. Ito ay nagbibigay pasakit sa sumasaksi sapagkat tinutulungan niya ito sa gawaing di makatarungan at sa mga biktima ng maling pagsaksi (sa pagkakait ng kanilang kaukulang karapatan, maging pisikal o moral).

  • Ipinagbabawal din ng Islam ang Sugal at Alak maging ang mga ipinagbabawal na gamot. Ang Qur‘an ay nagsabi: ―O kayong Mananampalataya! Ang lahat ng Khamr (inuming nakalalasing) at ang sugal at ang Ansab63 at ang Azlam (panghuhula upang hanapin ang kapalaran o pagpapasiya) ay mga gawaing kasuklam-suklam mula sa Satanas. Kaya, (mahigpit na) iwasan ang lahat ng ito upang kayo ay magsipagtagumpay. Nais lamang ng Satanas na maghasik ng galit at poot sa pagitan ninyo sa pamamagitan ng Khamr (mga inuming nakalalasing) at sugal at (nais niyang) hadlangan kayo sa pagbibigay alaala sa Allah at mula sa pagtupad ng Salaah (pagdarasal). Kaya, hindi ba kayo kung gayon iiwas? (Qur‘an 5:90-91)

    Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: Sinumang sumusuway sa kanyang mga magulang at gumon sa alak ay hindi paroroon sa Paraiso. (Nasai‘e)

    Upang hadlangan ang daan ng pangangalakal o pagtitinda ng mga inuming nakalalasing kahit hindi pa umiinom, ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: Sumpa sa alak, sa mga umiinom, sa mga nagbibigay, sa mga nagtitinda, sa mga namimili, sa mga gumagawa nito, sa mga nagpapagawa nito, sa mga nag-aangkat, sa mga nagpapaangkat, at sa tumatanggap ng halaga nito. (Abu Dawood)

    Sa ganitong babala, ang Islam ay nagsisikhay lamang ng pangangalaga sa kaisipan ng tao at damdamin na maaaring sirain nang dahil sa pagkagumon sa ganitong inumin. Ninanais ng Islam na ang tao ay manatiling marangal bilang tao na hindi nagpapakababa katulad ng hayop na walang ganap na pag-iisip. Hindi maipagkakaila na ang taong gumon sa alak o bawal na gamot ay maaaring gumawa ng anumang paraan upang magkaroon ng sapat na salapi na pambili ng alak o gamot. Ito ay maaaring umakay sa kanya sa iba pang masasamang bisyo. Samakatuwid, tinagurian ng Islam ang alak bilang ugat ng mabibigat na kasalanan.

    Tungkol sa sugal, kung ang isang tao ay nanalo mula sa sugal, kanyang kinain ang pinagpagurang salapi ng iba sa paraang dimakatarungan at ang pagkahumaling sa panalo ay magdadala sa tao upang mandaya. Kung siya ay matalo, siya ay naglustay ng salapi ng walang katuturan at maaari siyang gumawa ng iba pang masamang gawain tulad ng pagnanakaw kung sakaling siya ay ganap na talunan.

  • Ipinagbabawal ng Islam ang pagnanakaw o panloloob sapagkat ito ay isang paraan ng pagkuha ng ari-arian ng iba sa paraang masama. Ang Qur‘an ay nagsabi: At (para sa) lalaking magnanakaw at babaing magnanakaw, putulin (mula sa pulso) ang kanilang (kanang) kamay bilang kabayaran sa kasalanang ginawa, isang parusa bilang babala mula sa Allah. Ang Allah ay makapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan. (Qur‘an 5:38)

    Ang pagpapatupad ng ganitong parusa ay batay sa mga sumusunod:

    • Ang ninakaw na ari-arian ay dapat na nasa pag-iingat. Ang mga magnanakaw ay dapat na napatunayan na pumasok at sinira ang kaha upang nakawin ang laman nito.
    • Ang dahilan o nagbigay daan upang magnakaw ay hindi dahil sa marubdob na pangangailangan ng pagkain, inumin o pananamit. Magkagayon walang maaaring putulan ng kamay
    • Ang ninakaw na ari-arian ay dapat katumbas ng pamantayang halaga upang putulin ang kamay ng isang magnanakaw.

    Ang ilang pantas o iskolar ay nagsabi na walang pagsisisi na maaaring tanggapin mula sa mga magnanakaw hanggang hindi niya ibinabalik ang ninakaw na bagay sa may-ari nito. Nguni't kung siya ay walang salapi maaari siyang humingi ng paumanhin sa may-ari bago isampa ang kaso sa korte. Ito ang pasiya tungkol sa pagnanakaw kung ito ay hindi maiwasan.

  • Ipinagbabawal ng Islam ang pagiging tulisan o pananambang (highway robbery) na tinatakot ang mga mapayapang mamamayan o di kaya ay ninanakawan. Ang Qur‘an ay nagsabi: Pagmasdan! Silang ipinagpalit (ipinagbili) sa maliit na halaga ang kanilang kasunduan sa Allah at ang kanilang pangako (panunumpa), sila ay walang bahagi sa kabilang buhay. Hindi sila kakausapin o titingnan man lamang ng Allah sa Araw ng Pagbabangong muli at hindi sila gagawing dalisay. Ang hantungan nila ay isang mahapdi at masakit na parusa. (Qur‘an 3:77)

    Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: Sinuman ang kumuha sa karapatan ng isang Muslim sa pamamagitan ng panunumpa (na walang katotohanan) ay isinusumpa siya ng Allah tungo sa Impiyerno at ipagkakait sa kanya ang Paraiso.‖ Ang isang tao ay nagtanong: ―O, Sugo ng Allah, kahit ba ito ay munting halaga? Siya ay sumagot: Maging ito ay isang sanga ng punong kahoy. (Muslim)

    Sapagkat ito ay nakaugnay sa pagkuha ng karapatan ng ibang tao sa paraang masama.

  • Ipinagbabawal ng Islam ang Pagpapatiwakal sapagkat ayon sa Qur‘an: At huwag ninyong patayin ang inyong sarili, Alalahanin! Ang Allah ay lagi ng Maawain sa inyo. Sinuman ang gumawa nito sa pamamagitan ng pang-aabuso at di makatarungan, Aming itatapon siya sa Apoy at ito ay magaan para sa Allah. (Qur-an 4:29-30)
    Kung ang isang tao ay nagpakamatay sa pamamagitan ng patalim, siya ay paroroon sa Impiyerno na may patalim sa kanyang kamay na sinasaksak ang sarili nang walang hanggan. Kung ang isang tao ay nagpakamatay sa pamamagitan ng lason, ang lason ay dadalhin niya sa Impiyerno na iniinum niya nang walang hanggan. Kung ang isang tao ay nagpakamatay sa pamamagitan ng paghulog ng sarili sa bangin, siya ay magpapatihulog sa Impiyerno nang walang hanggan. (Bukhari at Muslim)
  • Ipinagbabawal ng Islam ang kasinungalingan, pandaraya at panlilinlang. Ipinag-uutos ang maging matapat o makatotohanan, pagtupad sa mga pangako o kasunduan, ang pagsasauli sa may-ari ng anumang bagay na ipinagkatiwala. Binigyang babala laban sa dipagtupad o pagtalikod ng mga kasunduan o pangako at ang pagkaila ng mga bagay na sa kanya ay ipinagkatiwala. Ang Qur‘an ay nagsabi: O kayong mananampalataya! Huwag pagtaksilan ang Allah at ang Kanyang Sugo. Huwag tangkaing magtaksil sa mga nagtiwala sa inyo. (Qur‘an 8:27)

    Ipinag-uutos din ang pananatili ng mga lihim o bagay na dapat ilihim sapagkat ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: Kung ang isang tao ay nagtapat sa iyo ng isang bagay at pagkaraan ay umalis, samakatuwid siya ay nagsabi sa iyo ng isang pagtitiwala. (Abu Dawood at Tirmidhi)

    Ang Islam ay nag-aanyaya rin ng katapatan sa pagbibigay ng payo. Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: Ang nagbibigay ng payo ay pagbibigay tiwala. (Abu Dawood at Tirmidhi)

    Ang pagtitiwala ay kaugnay ng pananampalataya. Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: Walang pananampalataya sa isang kapos sa pagtitiwala at walang kabanalan kung walang katuparan sa kanyang pangako. (Ahmed at Baihaqi)

    At siya ay nagsabi rin: ―Mayroong apat na katangian na matatagpuan sa isang mapagkunwari. Kung ang isang katangian ng pagkukunwari ay matagpuan sa isang tao, mayroon siyang isang katangian ng pagkukunwari hanggang ito ay kanyang talikdan. Ang apat na katangian ay: - Kapag siya ay pinagkatiwalaan, siya ay hindi nagiging matapat.- Kapag siya ay nagsasalita, siya ay nagsisinungaling. - Kapag siya ay nangako, siya ay hindi tumutupad. - Kapag siya ay nakipag-away, siya ay nang-aabuso. (Bukhari at Muslim)

    Ipinagbabawal din ng Islam ang paninirang puri sapagkat ito ay nagpapalaganap ng galit sa mga tao ng isang lipunan. Ito ay isinalaysay mula sa isang Hadith: Alam ba ninyo kung ano ang paninirang puri? Sila ay sumagot: Ang Allah at ang Kanyang Sugo ang nakakaalam ng higit. Siya ay nagsabi: ―Ang pagsasalita ng mga bagay tungkol sa iyong kapatid na kanyang kinayayamutan. Ang isang kasamahan ay nagsabi: Kahit ba ang sinabi ay totoo? Siya ay nagsabi: Kung ang kapintasan niyaon ay totoo nga, magkagayon siya ay iyong inalipusta nguni't kung ito ay walang katotohanan, ito ay paninirang puri sa kanya. (Bukhari at Muslim)

  • Ipinagbabawal ng Islam ang inggit o paninibugho sapagkat inilalantad nito ang layunin na nagbibigay daan sa isang tao upang maghiganti upang ang kanyang paninibugho at inggit ay maibsan. Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: Siya ay malinis ang puso, isang makatotohanan.‖ Sila ay nagtanong: ‗Aming nauunawaan ang makatotohanan nguni't anong ibig sabihin ng malinis ang puso?‘ Siya ay nagsabi: ―Ito ay nangangahulugan ng matuwid, mabuting tao na ang puso ay malaya sa mga kasalanan, sa di makatarungan, sa mga masasamang hangarin at paninibugho.

    Ipinaliwanag ng Sugo ng Allah ( s) ang magiging bunga ng inggit at paninibugho na nagiging daan ng pagkamuhi at pangangalit. Siya ay nagsabi: Iwasan ninyo ang inggit, dahil ang inggit (o paninibugho) ay sumisira sa mabubuting gawa katulad ng apoy na tumutupok ng kahoy.

    Ipinagbabawal ng Islam ang paghihiwalay o pagtalikod sa kapwa katulad ng pagsasalaysay ng Sugo ng Allah ( s): Huwag putulin ang ugnayan sa isa‘t isa, huwag maghasik ng inggit o masamang hangarin sa bawat isa, O kayong alipin ng Allah- maging magkakapatid sa bawat isa. Hindi pinahihintulutan sa isang Muslim na manatiling galit at malayo (ang loob) sa kanyang kapatid ng higit sa tatlong araw. (Bukhari at Muslim)

  • Ipinagbabawal ng Islam ang Pagsumpa katulad ng salaysay ng Sugo ng Allah ( s): Ang mga taong namihasa sa pagsumpa (cursing) ay hindi bibigyan ng tagamapagitan o saksi sa Araw ng Pagbabangong Muli. (Muslim)
    Kahit sa mga hindi Muslim, ang Muslim ay nararapat ipagdasal ang mga ito sa Dakilang Allah para sa kanilang patnubay sa tuwid na landas at ipinag-uutos din na iwasan ang pagsumpa (cursing) sa kanila. Ayon kay Abu Hurayrah ( d) ang Sugo ng Allah ( s) ay may taong nagsabi sa kanya: ‗O Sugo ng Allah ( s), isumpa o idalangin mo sa Allah ( y) ang mga walang paniniwala. Siya ay sumagot: Ako ay isinugo hindi upang sumpain ang sinuman kundi ako ay isinugo bilang Awa (o Habag). (Muslim)
  • Miserliness. Wealth belongs to Allah…He Ipinagbabawal ang pagiging maramot sapagkat isinasaalang alang ng Islam ang yaman bilang pagmamay-ari ng Allah ( y) at ito ay ipinagkatiwala lamang ng Dakilang Allah sa tao upang gugulin sa kanyang sarili, sa kanyang pamilya at kamag-anakan at mahihirap. At ang nangangailangan na kapatid ay may karapatang bahagi nito. Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagpahiwatig ng kasalanan ng isang kuripot o maramot: Walang mandaraya, walang maramot o manunumbat ang maaaring pumasok sa Paraiso. (Tirmidhi)

    Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagbigay paliwanag sa magiging bunga o kahihinatnan ng pagiging maramot o kuripot sa pagsasalaysay ng isang Hadith: Iwasan ang gawang di makatarungan at kalupitan sapagkat sa Araw ng Paghuhukom ang ganoong gawain ay magiging malaking kadiliman at pangalagaan ang inyong sarili sa karamutan o kakuriputan sapagkat maraming nawasak na lipunan ng mga nagdaang panahon nang dahil dito. Ang karamutan ay nagbibigay daan sa pagdanak ng dugo at nagtuturing sa mga ipinagbabawal na bagay bilang pinahihintulutang bagay. (Muslim)

  • Ipinagbabawal ng Islam ang luho at paglustay ng salapi. Ang Qur‘an ay nagsabi: At magbigay sa mga kamag-anakan ng kanilang karapatan at sa mga nangangailangan at naglalakbay. Nguni't huwag maglustay (ng inyong yaman) sa pamamagitan ng luho (at walang katuturan) Katotohanan, ang naglulustay ay mga kapatid ng mga demonyo at ang demonyo ay walang pasalamat sa kanyang Panginoon. (Qur‘an 17:26-27)
    At ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: Ang Allah, ang Kataas-taasan, ay nag-uutos sa inyo na kayo ay maging masunurin at mabait sa inyong ina. Huwag pagkaitan (ng tulong) ang mga namamalimos. Huwag ilibing ng buhay ang inyong mga anak na babae. Hindi Niya nais sa inyo na kayo ay maging masalita, mapagtanong at mapaglustay ng yaman. (Bukhari at Muslim)
  • Ipinagbabawal ng Islam ang labis ng higpit sa larangan ng Relihiyon. Ang Qur‘an ay nagsabi: …Nilalayon ng Allah para sa inyo ang gaan (ng gawain). Hindi Niya nilalayon sa inyo ang kahirapan... (Qur‘an 2:185)
    Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: Magbigay ng magandang balita, at hindi ng masamang balita, gawing magaan ang mga bagay at huwag gawing mabigat o mahirap. (Bukhari at Muslim)
  • Ipinagbabawal ng Islam ang pagmamataas at makasarili. Ang Islam ay nagbigay babala at tuwirang ipinagbawal ang pagiging makasarili, pagmamayabang, pagmamataas at pagmamalaki. Ang Allah, ang Kataas-taasan, ay nagbigay utos sa tao ng ganito: At huwag ibaling ang iyong mukha mula sa mga tao ng may pagmamalaki at huwag lumakad sa kalupaan ng may pangmamataas (at pagyayabang) Katotohanan, hindi minamahal ng Allah ang mayabang (at mapagmalaki). At maging magalang (at kaaya-aya) sa iyong paglalakad at ibaba ang iyong tinig. Katotohanan, ang pinakamatigas na tinig sa lahat ng tinig ay ang atungal ng isang asno. (Qur‘an 31:18-19)

    Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagbabala laban sa pagmamayabang at pagmamalaki. Iwasan ang pagyayabang (at kapalaluan). (Bukhari)


    Ipinag-uutos din na dapat iwasan ang pangmamataas o pagmamalaki sapagkat ayon sa Sugo ng Allah ( s): ―Sinuman na may katiting na pagmamalaki sa kanyang puso ay hindi makapapasok sa Paraiso. Ang isang tao ay nagtanong:―O, Sugo ng Allah, ang isang tao na may ganitong pananamit at sapatos na mararangya. Ang Sugo ng Allah ay nagsabi: Ang Allah ay maganda, at nais Niya ang Kagandahan.

    Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi rin: Sinumang kinakaladkad ang pananamit sa kanyang likuran ng may pagmamalaki ay hindi papansinin ng Allah sa Araw ng Pagbabangong Muli. (Bukhari at Muslim)

    Ipinagbabawal din ng Islam ang anumang uri ng pakikipag-away o hidwaan at hiwalayan. Ang Qur‘an ay nagsabi: At maging matatag, lahat kayo (ay magkakasamang humawak) sa lubid ng Allah at huwag maghiwa-hiwalay... (Qur‘an 3:103)

  • Ipinagbabawal din ng Islam ang kawalan ng tiwala at ang panghihinala, sapagkat ang Dakilang Allah ay nagsabi: O kayong mananampalataya! Iwasan ang labis na panghihinala. Tunay na ang mga ilang panghihinala ay kasalanan… (Qur‘an 49:12)
    Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: Mag-ingat sa panghihinala sapagkat ito ang pinakasinungaling na pananalita. (Bukhari)

    Ang Islam ay nagpapayo sa tao na dapat bigyang katiyakan ang isang balita bago ito ipalaganap. Ang Qur‘an ay nagsabi: O kayong mananampalataya! Kung ang isang mapaggawa ng kasamaan ay maghatid sa inyo ng isang balita, tiyakin ang katotohanan nito. Maaaring inyong masaktan ang ibang tao nang walang kamalayan. At pagkaraan, ay inyong ikinalulungkot ang inyong ginawa. (Qur‘an 49:6)

  • Ipinagbabawal din ng Islam ang kawalan ng pagtitimpi at kalaswaan. Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: Ang tunay na Muslim ay hindi nang-aalipusta, hindi nanunuya, hindi nanunumpa (cursing) o nang-aabuso at hindi labis magsalita. (Tirmidhi)
  • Ipinagbabawal din ng Islam ang galak sa kapaitang nararanasan ng iyong kapatid. Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: "Huwag magpakita ng galak sa sakit na naranasan ng iyong kapatid upang ang Allah ay magkaroon ng Awa sa kanya at ikaw ay iligtas sa gayong pagsubok. (Tirmidhi)
  • Ipinagbabawal din ng Islam sa tao ang pakikialam sa gawain ng ibang tao lalo na kung siya ay walang kaugnayan (sa gawaing ito). Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: Bahagi ng magandang katangian ng isang pagiging Muslim na hindi niya dapat bigyang pansin ang mga bagay na walang kaugnayan sa kanya maging sa buhay dito o sa kabilang buhay. (Tirmidhi)
  • Ipinagbabawal din ng Islam ang Pangangalit. Ang Qur‘an ay nagbigay liwanag tungkol dito: At silang umiiwas sa mabibigat na kasalanan at sa bawal na pakikipagtalik at kung sila ay nagagalit, sila ay nagpapatawad. (Qur‘an 42:37)

    At ang isa pa: …Iwaksi ang (gawaing) masama sa pamamagitan ng paggawa ng higit na mabuti, (i.e.: Ipinag-uutos ng Allah sa mga mananampalataya na maging matiisin sa oras ng pangangalit, at pagpaumanhin ang mga taong gumagawa ng di kanais-nais), kaya alalahanin! siya na sa pagitan niya at ikaw na may galit ay magiging malapit na magkaibigan. (Qur‘an 41:34)

    Si Ibn Abbas ( d) ay nagpaliwanag: Ano ang ibig sabihin ng pagtitiis sa panahon ng pangangalit, pagpapatawad pagkaraan ng pagdaramdam? Kung sila ay umasal ng mahusay, pangangalagaan sila ng Allah at ang kanilang kaaway ay susuko sa kanila na tila ba mga kaibigan. (Imam Bukhari)

    Si Abu Hurayrah ( d) ay nagsalaysay na ang Sugo ng Allah ( s) ay hiningan ng payo ng isang tao, siya ay nagsabi: Huwag kang magalit. Nang ang tao ay inulit ang tanong: Siya ay nagsabi ng maraming ulit: Huwag kang magalit. (Bukhari)

    Ipinagbabawal din ng Islam ang paghamak sa kapwa tao. Ang Qur‘an ay nagsabi: O kayong mananampalataya! Huwag ang ilang pangkat sa inyo ay hamakin ang ibang pangkat, maaaring sila ay higit na mabuti kaysa sa mga unang pangkat. Huwag ang ilang kababaihan ay hamakin ang ibang pangkat ng kababaihan, maaaring sila ay higit na mabuti kaysa sa mga unang pangkat. Huwag alipustain ang bawat isa sa inyo at huwag insultuhin ang iba (sa pamamagitan ng pagtawag sa kanya ng ibang bansag)... (Qur‘an 49:11)

    Ipinagbabawal ng Islam ang anumang uri ng pagkamkam sapagkat ito ay di makatarungan at ito ay tiwali sa lipunan. Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: Itinakda ng Allah ang Apoy (bilang parusa) sa taong kumamkam sa ari-arian ng ibang Muslim sa pamamagitan ng pagpapahayag ng kasinungalingan. At siya ay pagkakaitan ng Paraiso. Ang Kasamahan ng Sugo ng Allah ay nagsabi: ‗Kahit ba ito ay maliit lamang?‘ Ang Sugo ng Allah ay nagsabi: ―Kahit ito ay isang sanga lamang ng isang kahoy. (Muslim)

  • Ipinagbabawal din ng Islam sa isang Hukom ang paggawa ng di makatarungan maging siya ay mahusay o marunong sapagkat ang isang Hukom sa Islam ay itinuturing na isang responsableng tao para sa pagpapatupad ng Shariah. Kaya siya ang naatasang pairalin ang batas at hindi siya ang gumagawa ng batas. Samakatuwid, kung siya ay nakagawa ng di makatarungan, kanyang pinagtaksilan ang lipunang kanyang kinasasaniban. Ang Qur‘an ay nagsabi: ―…Sinuman ang naghusga (o humatol) ng hindi batay sa ipinahayag ng Allah, sila yaong mga hindi sumasampalataya. (Qur‘an 5:44)
    Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: Ang mga Hukom ay tatlong uri: Isa sa Paraiso at dalawa sa Impiyerno; 1) Ang isang Hukom na nakaaalam ng katotohanan at nagbigay ng tamang paghusga. Siya ay paroroon sa Paraiso. 2) Ang isang Hukom na nakaaalam ng katotohanan at lumihis mula sa katarungan. Siya ay paroroon sa Impiyerno. 3) Ang isang Hukom na nagbigay ng paghusga nang walang kaalaman. Sila ay nagtanong: Ano ang kasalanan ng isang walang alam na hukom. Siya ay nagkasala sapagkat hindi siya dapat maging hukom hanggang siya ay maalam na tao. (Hakeem)
  • Ipinagbabawal ng Islam ang kawalan ng pitagan sapagkat ito ay nagpapahiwatig ng kawalan ng dangal at inaayunan ang mga labag o ipinagbabawal. Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: Tatlong uri ng tao ang pagkakaitan ng Paraiso: Ang taong gumon sa alak, ang taong sumusuway sa kanyang mga magulang at ang taong pinahihintulutang makipag-apid ang kanyang asawa sa iba. (Nasai‘e)
  • Ipinagbabawal ng Islam ang paggaya ng lalaki sa katauhan ng isang babae gayun din naman ang babae na pamarisan ang katauhan ng isang lalaki

    Sa isang Hadith ng Sugo ng Allah ( s) siya ay nagsabi: ―Isinusumpa ng Sugo ng Allah ang mga lalaking tinutularan ang mga babae at ang mga babaeng tinutularan ang mga lalaki. (Bukhari)

  • Ipinagbabawal ng Islam ang panunumbat pagkaraang gumawa ng kabutihan sa kapwa. Kapag ang isang tao ay nanumbat pagkaraang gumawa ng kabutihan o magandang loob sa kanyang kapwa ito ay isang daan upang masaktan ang damdamin ng taong ginawan ng kabutihan. Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: Iwasan ang panunumbat sa pamamagitan ng pagpapaalaala sa kabutihang ginawa sa kanila sapagkat nawawalan ng kabuluhan ang pasasalamat at nawawalan ng halaga ang gantimpala (mula sa Allah).

    Pagkaraan ay binigkas niya ang isang talata ng Qur‘an na may ganitong aral: ―O, kayong mananampalataya. Huwag hayaang ang inyong kawanggawa ay mawalan ng saysay sa pamamagitan ng panunumbat o pagmamarali ng iyong kabaitan… (Qur‘an 2:264)

    Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi rin: Ang sinumang bumawi ng handog (na ipinagkaloob sa iba) ay katulad ng aso na kumakain ng sariling isinuka. (Bukhari at Muslim)