Ang Mga Haligi ng Islam
Ang mga uri ng pagsamba na isinasagawa na pangkatawan at pagbigkas ay tinatawag na Haligi ng Islam.
Ito ang mga haligi na siyang kinatatayuan ng Deen, at siyang batayan ng isang tao upang siya
ay ituring bilang Muslim. Ang mga haligi na ito ay tinatawag na, ang Dalawang Pagsaksi sa Pananampalataya,
ang mga ito ay pasalitang haligi ng Islam. Ang pangalawa at pang-apat na haligi ng Islam ay ang
pagdarasal (As-Salaah) at ang pag-aayuno (As-Sawm). Ang ikatlo ay ang pagbayad ng Zakah bilang
pangkatawan na pagsamba na siyang pagbibigay ng sapilitang kawanggawa. Ang ikalimang haligi ng
Islam ay ang paglalakbay sa Makkah (Hajj), magkahalong pisikal, pananalita at nananawagan ng
paggugol mula sa kanyang kayamanan. Tinatawagan ng Islam ang mga Muslim hindi upang magsagawa
lamang ng pagsamba, kundi, naglalayon itong gawing dalisay ang kanilang kaluluwa. Ang Allah (
y) ay nagsabi tungkol sa pagdarasal (As-Salaah);
…Katotohanan ang pagdarasal (Salaah) ay pumipigil mula sa gawaing kahiya-hiya (Al Fahsha) at
masasamang gawaing (Al Munkar)…
(Qur‘an 29:45)
Ang Allah (
y) ay nagsabi tungkol sa ubligadong kawanggawa;
Kumuha ng kawanggawa mula sa kanilang yaman upang sila ay maging malinis at pagpalain sila nito.
(Qur‘an 9:103)
Ang Allah (
y) ay nagsabi tungkol sa pag-aayuno (As-Sawm);
"O kayong Mananampalataya (mga Muslim)! Ang (pagsasakatuparan ng) Sawm43 (pag-aayuno) ay ipinag-uutos
sa inyo katulad ng ipinag-utos sa mga nauna sa inyo upang kayo ay maging Muttaqun
(Qur‘an 2:183)
Ang pag-aayuno ay nagtuturo ng pagpipigil ng isang tao at disiplina at hindi dapat sumunod sa sariling
pithaya at pagnanasa. Ito ang pahiwatig ng Propeta (
s) nang kanyang sabihin ang;
―Kung ang isang tao ay hindi umiiwas sa pagsisinungaling at malaswang gawain, hindi kailangan
ng Allah na siya ay dapat umiwas sa pagkain at pag-inom.‖
(Bukhari)
Ang Allah (
y) ay nagsabi tungkol sa Paglalakbay sa Makkah (Hajj)
Ang Hajj ay (nasa) kilalang mga buwan45. Kaya, sinuman ang naglalayong magsagawa ng Hajj, samakatuwid
hindi siya dapat makipagtalik (sa kanyang asawa) at hindi dapat gumawa ng kasalanan o makipagtalo
ng walang kabuluhan sa panahon ng Hajj…
(Qur‘an 2: 197)
Sa Islam, ang pagsamba ay gumaganap ng mahalagang papel sa pagpapaunlad at paglinang ng kapuri-puring kaugalian, at pati ang pangangalaga ng pagkakaisa ng mga Muslim. Ang mga Haligi ng Islam ay ang mga sumusunod;
-
Unang Haligi ng Islam; Ang Dalawang Pagsaksi sa Pananampalataya (Ang 'Shahaadatain')
Ito ang dalawang pagsaksi; ‗na walang karapat-dapat sambahin maliban sa Allah ( y), at si Muhammad ay Kanyang alipin at sugo ( d)‘. Ito ay pasalitang haligi ng Islam, subali‘t ang isang Muslim ay nararapat sumunod at maniwala na may kaakibat na gawa. Ito ang susi sa pagpasok sa Paraiso.
Ang Kahulugan ng 'La Ilaaha Illa-Allah'
Ito ang diwa ng Tawheed46. Sa pamamagitan ng konseptong ito, nilikha ng Allah ( y) ang lahat (sangkatauhan, jinn, anghel at maging ang di-nakikita o nakatagong bagay) at sa konseptong ito, nilikha Niya ang Jannah (Paraiso) at ang Jahannam (Impiyerno). Ang Allah ( y) ay nagsabi; "At hindi Ko nilikha ang mga Jinn at mga Tao maliban na sila ay nararapat na sumamba sa Akin (tanging sa Akin lamang)."
(Qur'an 51:56)Ito ang paniniwala na ipinag-anyaya ng mga Propeta at Sugo sa kanilang mga mamamayan, nagmula pa noong panahon ni Adan hanggang sa Huling Sugong si Muhammad ( s). Ang Dakilang Allah ( y) ay nagsabi; "At hindi Kami nagpadala ng sinumang Sugo bago pa man sa iyo (O Muhammad) maliban na Aming ipinahayag sa kanya (na nagsasabing): "La ilaha ilallah (walang diyos na dapat sambahin maliban sa Allah), kaya sambahin Ako (tanging Ako at wala ng iba pa)."
(Qur‘an 21:25)Ang unang pagsaksi; ‗Na walang karapat-dapat sambahin maliban sa Allah ( y), ay napapaloob dito ang sumusunod na kahulugan;
-
Ang Allah ( y) ang Siyang Tagapaglikha sa lahat ng bagay. Ang Allah ( y) ay nagsabi; "Siya ang Allah, ang inyong Rabb! La ilaha illah Huwa (walang diyos na dapat sambahin maliban sa Kanya), ang Tagapaglikha ng lahat ng bagay. Kaya, sambahin Siya (tanging Siya lamang), at Siya ang Wakil (tagapangalaga) sa lahat ng bagay."
(Qur'an 6:102) -
Ang Allah ( y) ang nagmamay-ari sa lahat ng Kanyang nilikha. at Siya ( d) ang tagapamahala sa lahat ng gawain at pangyayari.47. Ang Allah ( y) ay nagsabi; "…Katotohanan, sa Kanya ang (Ganap na Kapangyarihan ng gawang) paglikha at pag-uutos. Mapagpala ang Allah, ang Rabb (Panginoon) ng lahat ng nilikha."
(Qur‘an 7:54) -
Tanging ang Allah ( y) lamang ang karapat-dapat sambahin48 nang buong puso at kaluluwa. Siya ( d) ay nagsabi; "Walang alinlangan! Katotohanan! na ang Allah lamang ang nagaangkin ng anupamang nasa mga kalangitan at anupamang nasa kalupaan. At yaong sumasamba at dumadalangin sa iba pa bukod sa Allah, (katotohanan na) sila ay hindi sumusunod sa mga itinuturing nilang katambal (ng Allah), bagkus kanilang sinusunod lamang ang mga haka-haka at sila ay naglulubid lamang ng kasinungalingan."
(Qur'an 10:66) -
Ang Allah ( y) ang nagmamay-ari ng mga Magagandang Pangalan at ang Kanyang taglay na mga Katangian ay Ganap at Lubos. Siya ay malayo sa mga kakulangan, kapintasan at kamalian49. Ang Allah ( y) ay nagsabi; "At (lahat ng) naggagandahang mga Pangalan50 ay nauukol sa Allah (lamang), kaya manalangin sa pamamagitan ng mga iyon at lisanin ang pangkat na nagpapasinungaling o nagtatakwil sa Kanyang mga Pangalan. Sila ay pagbabayarin sa anumang lagi nilang ginagawa."
(Qur'an 7:180)
Ang Mga Patakaran ng Shahaadah:
Hindi sapat na bigkasin lamang ang Shahaadah upang ito ay tanggapin ng Allah ( y). Ang Shahaadah ay itinuturing na isang susi sa pintuan ng Paraiso, datapwa't upang ito ay maging makabuluhan, kinakailangan ang tamang patunay nito. Ang Shahaadah ay dapat tugunan ng mga sumusunod na mga patakaran upang ito ay tanggapin ng Allah ( y).
-
Karunungan (Al-Ilm):binubuo ng kaalaman na ang lahat ng mga ibang bagay na sinasamba bukod sa Allah ( y) ay mga huwad na diyos maging ito man ay isang dakilang Propeta, Sugo o isang marangal na anghel. Walang sinuman o anupaman sa mga nilikha ang maaaring ituring bilang diyos, o naging diyos, magiging diyos o may pagkadiyos, o may kahati sa pagkadiyos. Tanging ang Nag-iisang Tagapaglikha ang Siyang Tunay na Diyos. Samakatuwid, walang ibang diyos na dapat sambahin sa katotohanan maliban sa Allah ( y). Ang Allah ( y) lamang ang nararapat na pag-ukulan ng lahat ng uri ng pagsamba, tulad ng pagdarasal (Salaah), pagdalangin (Du'aa), pagluhog ng pag-asa, pagaalay at panunumpa, at iba pa.
Sinuman ang nag-alay ng anumang uri ng pagsamba sa iba pa bukod sa Allah ( y), siya ay nagkasala ng Kufr51 , kahit na siya ay bumigkas ng Shahaadatain.
-
Katiyakan (Al-Yaqeen);Ang puso ay nararapat na nakatitiyak sa kahulugan ng dalawang
Shahaadah. Ang katiyakan ay kabaligtaran ng pag-aalinlangan, kaya, walang puwang
para sa isang Muslim na magalinlangan o mag-atubili sa kanyang paniniwala. Ang Allah
(
y) ay nagsabi,
"Katotohanan, ang tunay na Mananampalataya (Muslim) ay yaon lamang na (tapat na) nananalig sa Allah at sa Kanyang Sugo, at
pagkaraan ay hindi nag-alinlangan bagkus nagtanggol (at nakipaglaban) sa Landas
ng Allah (Jihad) sa pamamagitan ng kanilang yaman at (inihandog ang) sariling
buhay. Sila yaong tunay na makatotohanan."
(Qur'an 49:15) -
Pagtanggap (Al-Qubool);Nararapat na tanggapin ang mga patakaran ng Shahaadah
nang buong puso at walang itinatakwil sa anumang bahagi nito52. Ang Allah (
y) ay nagsabi;
"Katotohanan, kapag sila ay pinagsasabihan ng: "La ilaha illa Allah (walang iba pang diyos na dapat sambahin maliban sa Allah),
umiiral sa kanilang mga sarili ang kapalauan (at sila ay nagtatakwil sa katotohanan)."
(Qur'an 37:35) -
Pagsuko at Pagtalima (Al-Inquiad) ito ay pagsunod, pagsasagawa at pagsasakatuparan
ng lahat ng tungkuling hinihingi at kinakailangan ng Shahaadah53. Ang isang tao ay
nararapat na sumunod sa lahat ng ipinag-uutos ng Allah (
y) at umiwas sa mga ipinagbabawal. Ang Allah (
y) ay nagsabi;
At sinuman ang ganap na isinuko ang sarili sa Allah samantalang siya ay Muhsin54 (gumagawa ng kabutihan) magkagayon, kanyang
tinanganan ang pinakamatibay na hawakan (ang La ilaha ill-Allah). At sa Allah
ang pagbabalik ng lahat ng bagay tungo sa pagpapasiya (sa lahat ng pangyayari)."
(Qur'an 31:22) -
Makatotohanan (As-Sidq);nararapat na makatotohanan at dalisay ang pagpapahayag
ng Shahaadah. Ang Allah (
y) ay nagsabi;
"… Sila ay nagsasabi sa kanilang bibig (lamang) nguni't wala (naman) sa kanilang puso…"
(Qur'an 48:11) -
Katapatan (Al-Ikhlas); nararapat na iukol ang lahat ng pagtitiwala at pagsamba
sa Allah (
y) lamang56. Ang Allah (
y) ay nagsabi;
"At sila ay hindi napag-utusan maliban na sila ay sumamba (lamang) sa Allah, maging matapat sa pananampalataya sa Kanya,
maging matuwid at magsagawa ng Salaah (pagdarasal), at magbigay ng Zakah (kawanggawa),
ito ang tunay (at tuwid) na pananampalataya."
(Qur'an 98:5) -
Pagmamahal (Al-Mahabba); nararapat na mahalin ang Shahaadah at lahat ng pangangailangan
nito. Nararapat niyang mahalin ang Allah (
y), ang Kanyang Sugo at ang Kanyang mga mabubuti at matutuwid na alipin. At nararapat
niyang kapootan ang mga napopoot sa Allah (
y) at sa Kanyang Sugo (
d). Kailangang higit niyang naisin ang anumang minamahal ng Allah (
y) at ng Kanyang (
d) Sugo (
d) kahit na ito ay salungat sa kanyang hangarin. Ang Allah (
y) ay nagsabi; Qur'an, Kabanata At-Tawbah,;
"Sabihin: 'Kung ang inyong mga ama, inyong mga anak na lalaki, inyong mga kapatid na lalaki, ang inyong mga asawa, ang inyong
mga kamag-anakan, ang inyong kayamanang pinagkitaan, ang inyong kalakal na pinangangambahang
malugi, ang inyong mga tahanang ikinasisiya ay higit na mahalaga sa inyo kaysa
sa Allah at sa Kanyang Sugo, at sa pakikipaglaban sa Landas ng Allah, magkagayon,
kayo ay magsipaghintay hanggang dalhin ng Allah ang kanyang Pasiya (parusa).
At hindi pinapatnubayan ng Allah ang mga taong Fasiq (mapanghimagsik, palasuway
sa Allah)."
(Qur‘an 9:24)
Ang Shahaadah ay nag-uutos din na ang Allah ( y) ang Tanging Isa na may karapatang magtakda, maging sa larangan ng pagsamba o sa anupamang pangyayari o bagay na ukol sa ugnayan ng tao, maging ito man ay pansarili o pangkalahatan
Ang mga pagpapairal ng mga batas para sa mga ipinagbabawal o ipinapatupad ay kailangang magmumula lamang sa Allah ( y). Ang Sugo ( d) ay siyang tagapagpaliwanag at tagapagbigay-linaw sa Kanyang ( y) mga kautusan. Ang Allah ( y) ay nagsabi; "…Kaya't inyong sundin o kunin ang anumang itinatagubilin (o ipinag-uutos) sa inyo ng Sugo at anuman ang kanyang ipinagbabawal sa inyo, ito ay inyong iwasan…" (Qur'an 59:7)
Ang Kahulugan ng Ikalawang Pagsaksi; ‗na si Muhammad ( s) ay Sugo ng Allah'
Ang pagsaksi na si Muhammad ay Sugo ng Allah ( y)… ito ay nangangailangan ng mga sumusunod;
-
Ang maniwala na siya ay isang Sugo ( d), at siya ang pinakamabuti at huli sa kawing ng mga Sugo, at wala ng Sugo pang darating pagkaraan niya. Ang Allah ( y) ay nagsabi; "Si Muhammad ay hindi ama ng sinuman sa inyo, datapwa't siya ang Sugo ng Allah at Sagka (Huli) sa lahat ng mga Propeta…"
(Qur‘an 33:40) -
Ang maniwala na siya ay walang (nagawang) pagkakamali sa mga aral na kanyang ipinalaganap mula sa Allah ( y). Ang Allah ( y) ay nagsabi; "At hindi siya nagsabi (ng anuman) nang ayon sa kanyang sariling hangarin (tungkol sa Relihiyon). Ito ay isa lamang Inspirasyon (Kapahayagan) na ipinahayag sa kanya."
(Qur'an 53:3-4)At para sa mga pangyayari sa mundong ito, siya ay tao lamang, at siya ay nagsasagawa ng Ijtihaad57 sa kanyang mga paghatol. Ang Propeta Muhammad ( y) ay nagsabi; "Katotohanan ako ay isang tao lamang. Maaaring ang isa sa mga nagtatalo ay maghabol ng kanyang karapatan at lumapit sa akin na dumadaing, at sapagka't higit na mahusay ang pananalita ng kanyang katunggali, maaari ako ay nakapagbigay ng pagkiling sa paghatol ko. Sinuman ang nabigyan ng pagkiling samantalang nalalaman niyang siya ay mali, ang anumang kanyang tinanggap na hindi makatuwiran ay bahagi lamang ng Impiyerno, kaya't hayaan niyang tanggapin o hindi tanggapin ito." (Muslim)
-
Ang maniwala na siya ay isang Sugo ( d) para sa lahat ng nilikha, sa mga jinn at sa mga tao, hanggang sa Huling Oras. Ang Allah ( y) ay nagsabi, Qur'an, Kabanata Saba, 34:28; "At ikaw (O Muhammad) ay hindi Namin isinugo maliban bilang Tagapaghatid ng Magagandang Balita at Tagapagbabala sa lahat ng Sangkatauhan, subali't karamihan sa tao ay hindi nakababatid (nito)." (Qur‘an 34:28)
-
Ang sumunod sa lahat ng ipinag-uutos ng Propeta Muhammad ( s) at ang maniwala sa lahat ng kanyang sinabi o iniulat, at lumayo o umiwas sa kanyang mga ipinagbabawal at babala. Ang Allah ( y) ay nagsabi, "…Kaya't inyong kunin (o sundin) ang anumang iparating (o ipinag-utos) ng Sugo (ang Propetang si Muhammad), at anumang ipagbawal niya sa inyo, ito ay inyong iwasan…" (Qur'an 59:7)
-
Ang tumalima at panghawakan ang Sunnah ng Propeta ( s) na walang pagdaragdag o pagbabawas (pagbabago) rito. Ang Allah ( y) ay nagsabi, "Sabihin mo (O Muhammad sa sangkatauhan): Kung (tunay nga na) inyong minamahal ang Allah, samakatuwid, sumunod kayo sa akin (tanggapin ang kaisahan ng Allah at sundin ang (mensahe ng) Qur‘an at Sunnah14), kayo ay mamahalin ng Allah at patatawarin (Niya) ang inyong mga kasalanan. At ang Allah ay lagi nang Mapagpatawad, ang Maawain. (Qur'an 3:31)
-
-
Ikalawang Haligi ng Islam: Ang 'As-Salaah' (Pagdarasal)
Pagkaraang magpahayag ng 'Shahaadah', isang tungkulin ang magsagawa ng pagdarasal (As-Salaah) ng limang ulit, sapagka't ito ang gulugod ng relihiyon, na kung ito ay hindi isinasagawa ng isang tao ang kanyang pagiging Muslim ay hindi maisasaalang-alang na ganap. Ang Propeta ( s) ay nagsabi; (nagbigay ng paghahalintulad ng relihiyon at sa kamelyo); "Ang haligi ng Relihiyon ay ang Islam (ang Shahaadatain); na ang gulugod nito ay ang Salaah (Pagdarasal), at ang pinakamataas na bahagi nito, ay ang Jihad (pagkikipaglaban sa Landas ng Allah) (Mustadrak Al-Haakim)
Ang As-Salaah ay isang kataga na binubuo ng mga salita at gawa na nagsisimula sa pamamagitan ng pagbanggit ng 'takbeer' (pagbigkas ng 'Allahu Akbar', ibig sabihin, 'Ang Allah ay Dakila') at nagtatapos sa pagsabi ng 'tasleem' (As-Salaamu A'laykum wa Rahmatullaah).
Ang Muslim ay nagsasagawa ng pagdarasal dahil sa kanyang pagtalima sa Allah ( y), dito niya pinupuri at niluluwalhati ang Allah ( y). Sa pagdarasal napapanatili ang ugnayan niya sa kanyang Tagapaglikha. Kung ang isang tao ay nahihirati sa makamundong bagay at ang kanyang panananampalataya ay nanghihina, tinuturing na pagpapaalaala sa kanya kung naririnig niya ang tawag sa dasal (ang Adhaan).
Tungkulin ng mga Muslim ang pagdarasal ng limang ulit sa maghapon at gabi. Ang mga lalake ay nararapat magdasal nang sama-sama sa Masjid, maliban kung sila ay mayroong mabuting dahilan upang lumiban patungong Masjid (ang mga babae ay higit na nararapat magdasal sa kani-kanilang bahay). Sa pamamagitan ng pagdarasal sa Masjid, ang mga Muslim ay nagkakakilala sa bawat isa, at ang buklod ng pagmamahalan at pagkakaisa ay napapanatili, umuusbong at lumalakas. Napag-aalaman nila ang kalagayan ng kanilang kapwa Muslim sa araw-araw. Kung ang isa ay lumiban at iniisip na siya ay nagkasakit, siya ay bibisitahin. At kung napagmamasdan nila na nanghihina ang isa sa kanyang tungkulin, siya ay binibigyan ng payo. Ang lahat ng pagkakaiba, gaya ng klase o uri ng tao, o pagkakaiba ng lahi (i.e. puti o itim) ay hindi pinapansin, dahil ang mga Muslim ay nakatayong tabi-tabi sa tuwid na linya (sa pagdarasal), lahat ay nakaharap sa isang direksiyon (Makkah) at sabay-sabay lahat sa isang panahon. Lahat ay pantay-pantay sa kanilang pagsunod at pagtayo sa harapan ng Allah ( y).
-
Ikatlong Haligi ng Islam: Ang Takdang Kawanggawa ('Zakaah')
Isa sa mga tungkulin ng Muslim ay ang pagbabayad ng 'Zakaah' (itinakdang Kawanggawa) ng mga mayaman na Muslim sa mga karapat-dapat na makatanggap nito (sa mga maralita at mahirap) upang sila ay mailigtas sa kahihiyan ng pagpapalimos. Ang Zakaah ay ubligado sa lahat ng Muslim na mayroong Nisaab (pinakamababang halaga na nararapat pagkunan ng Zakaah) Ang Allah ( y) ay nagsabi: "At sila ay hindi napag-utusan maliban na sila ay sumamba (lamang) sa Allah, maging matapat sa pananampalataya sa Kanya, maging matuwid at magsagawa ng Salaah (pagdarasal), at magbigay ng Zakaah (kawanggawa), ito ang tunay (at tuwid) na pananampalataya." (Qur'an 98:5)
Kung sinuman ang tumanggi sa ubligasyon na ito, siya ay tinuturing na hindi mananampalataya at siya ay nagkasala sa mga mahihina, maralita at mahihirap. Hindi ito isang uri ng buwis na ipinapataw ng Islamikong pamayanan sa lahat ng kanyang nasasakupan, gaya ng paniniwala ng mga ignorante o walang pinag-aralan; dahil kung ito ay totoo, disin sana‘y ipinataw na sa lahat (mga Muslim at di-Muslim). Isa sa batayan sa pagbabayad ng Zakaah ay dapat ang isang tao ay Muslim, at hindi ito kinukuha sa mga di-Muslim.
Ang Mga Pangunahing Patakaran ng 'Zakaah'
- Ang Itinakdang Pamantayan o Nisaab. Kung ang mga ariarian o yaman ay umaabot sa itinakdang pamantayang halaga o 'Nisaab' na ang halaga nito ay katumbas ng walumpot limang (85) gramo ng ginto, samakatuwid, ito ay sumasaklaw sa pamantayang itinakda ng Zakaah batay sa batas ng Islam.
- Ang Paglagpas ng Isang TaonKung ang mga ari-arian ng Muslim ay umabot sa 'Nisaab' sa loob ng isang taon, samakatuwid, ang pagbabayad ng Zakaah ay nararapat na tuparin.
Binanggit ng Dakilang Allah ( y) sa Qur'an yaong mga taong karapat-dapat tumanggap ng Zakaah; "As-Sadaqah (ang Kawanggawa) ay para lamang sa mga Fuqara (dukha) at Al-Masakin (maralita) at yaong mga kawaning naglilikom (ng kawanggawa) at sa mga taong ang mga puso ay malalapit (sa Islam); at sa pagpapalaya ng mga bilanggo at sa mga may pagkakautang; at sa Landas ng Allah (Mujahideen na nakikipaglaban) at sa mga Naglalakbay (na nawalan ng kakayahang magpatuloy sa paglalakbay); isang tungkulin sa Allah. At ang Allah ay Lubos na Maalam, ang Tigib ng Karunungan." (Qur‘an 9:60)
Ang halaga na dapat bayaran ay 2.5% mula sa mga halagang naipon sa loob ng isang taon. Sa pamamagitan nito, pinapawi ng Islam ang pagiging dukha at kahirapan sa pamayanan ng mga Muslim at inaako sa maaaring kasamaan na magmumula dito, gaya ng nakawan, patayan at ang paglabag sa kapakanan ng mga tao. Binubuhay nito ang kasiglahan ng pagtitiwala at pangkapatiran sa pamayanan ng mga Muslim sa pagbabayad ng Zakah sa mga dukha at mahirap.
Ang pagkakaiba ng Zakaah sa buwis ay ang mga Muslim ay nagababayad ng kusang loob at sila mismo ang nagbibigay sa mga nararapat bigyan. Karagdagan dito, ang pangalan nito ay nangangahulugan ng kanyang hangarin, na siyang pagpapadalisay sa kaluluwa ng mga mayayamang Muslim. Nililinis din nito ang isang Muslim sa pagiging sakim, makasarili, pagka-maimbot at sa pagmamahal sa pansamantalang mundong ito na nalulunod sa pagiimbot dito, na siyang dahilan upang makalimot sa kanyang mga kapatid na mga dukha at mahihirap. Ang Allah ( y) ay nagsabi; …At sino man ang nailigtas mula sa sariling kasakiman (karamutan) sila ay yaong magsisitagumpay. (Qur‘an 59:9)
Nililinis din ng Zakat ang puso ng mga mahihirap na tao mula sa pagkamuhi o pagkainggit laban sa mga mayayaman lalo na kung nakikita nila ang mga mayayaman ay nagbabayad ng itinakdang bahagdan ng Zakat at inaalala sila ng may kabaitan at bukas-palad o kagandahang loob.
Binigyang ng mahigpit na babala ng Islam ang mga Muslim na tumatangging magbayad ng zakat: At huwag isipin ng mga (taong) nagtitipon ng yamang ipinagkatiwala ng Allah sa kanila na ito ay makabubuti. Katotohanan, ito ay lalong masama para sa kanila. Yaong (mga bagay na) pinagtitipunan nila ay magiging kuwelyo sa kanila sa Araw ng pagbabangong muli… (Ang Qur‘an, Kabanata Al‘Imran, 3: 180)
Ang Sugo ng Allah ( y) ay nagsabi tungkol dito: Ang isang mayamang tao na mayroong ginto at pilak nguni't hindi nagbayad ng karampatang Zakat (dapat niyang malaman na) ang kanyang ginto at pilak ay matutunaw sa Araw ng Paghuhukom at mapapalitan ng mga malalapad na tipak na paiinitin sa Apoy ng Impiyerno at pagkaraan, ang kanyang noo, mga tagiliran at likod ay ididikit dito. Kapag ang mga malalapad na tipak ay lumamig, ito ay muling paiinitin (sa pugon ng Impiyerno) at ang panghero o pangtatak ay patuloy sa maghapon na ang tagal ay katumbas ng limampung libong taon, at ang kaso ng lahat ng tao ay napagpasiyahan na sa oras na yaon at ipakikita sa kanila ang landas tungo sa Impiyerno o Paraiso. (Muslim)
-
Ika-apat na Haligi ng Islam: Ang Sawm (Pag-aayuno) sa Buwan ng 'Ramadhan'
Kailangang mag-ayuno ang isang Muslim sa buwan ng Ramadhan, sa bawa't taon. Nararapat na umiwas sa lahat ng bagay na makasisira sa pag-aayuno, tulad ng pagkain, pag-inom at pakikipagtalik ng mag-asawa mula sa oras ng pagtawag o hudyat ng 'Salatul-Fajr' hanggang sa pagtawag o hudyat ng pagsapit ng 'Salaatul-Maghrib' bilang tanda ng pagtalima o pagsunod sa kautusan ng Allah ( y). Ang Allah ( y) ay nagsabi,; "O kayong Mananampalataya (mga Muslim)! Ang (pagsasakatuparan ng) Sawm59 (pag-aayuno) ay ipinag-uutos sa inyo katulad ng ipinag-utos sa mga nauna sa inyo upang kayo ay maging Muttaqun (Qur'an 2:183)
TAng layunin ng pag-aayuno ay hindi lamang nakatuon sa pagpipigil sa mga makamundo at mga pagnanasa ng katawan na nakakasira sa pag-aayuno, bagkus, higit sa lahat, nararapat ding umiwas sa mga bagay na makababawas (ng gantimpala) sa panahon ng pag-aayuno tulad ng pagsisinungaling, paninirang puri, pang-aalipusta, pandaraya, at mga kasuklam-suklam na asal. Dapat tandaan na tungkulin ng mga Muslim ang pag-iwas sa lahat ng mga hindi magandang gawain at pagsasalita sa lahat ng oras kahit hindi pa sa buwan ng Ramadhan, nguni't higit sa buwan na ito, katulad ng sinabi ng Propeta ( s): "Hindi kailangan ng Allah ang pag-iwas sa pagkain at inumin (ang pag-aayuno) ng isang Muslim kung ito ay hindi umiiwas sa mga maling gawain at mga salita." (Bukhari)
Ang pag-aayuno ay isang pagpupunyagi sa gitna ng kaluluwa ng isang tao at ng kanyang hangarin at pagnanasa (sa kamunduhan). Marami itong panlipunang kahalagahan na iniulat ng Propeta ( s) sa kanyang mga pananalita; Lahat ng mga gawain ng mga anak ni Adan ay para sa kanilang sarili maliban sa pag-aayuno, dahil ito ay para sa Akin (Allah) at ito ay Aking gagantimpalaan. Ang pag-aayuno ay pananggalang; hindi siya dapat magsalita ng masama o magtaas ng boses o manigaw. At kung may nang-aaway sa kanya, dapat sabihin niya na, ‗Tunay na ako ay nag-aayunong tao.‘ Sa Kanya na nakasalalay ang kaluluwa ni Muhammad, ang amoy mula sa bibig ng nag-aayunong tao ay higit na kasiya-siya sa Allah kaysa sa bango ng ‗musk‘ (pabango). Ang isang nag-ayuno ay may dalawang kaligayahan: una ay sa oras ng paghinto ng pagaauyno (at saka uminom) at sa oras na makatagpo at makita ang kanyang Rabb (Panginoon). (Bukhari)
Sa pamamagitan ng pag-aayuno, mapagtanto ng isang tao ang pangangailangan ng kanyang mahihirap na kapatid na walang sapat na makain, kasuotan at kulang sa kalinga; magkagayon siya ay magpursigi sa pagbibigay ng karapatan ng mga ito at mahikayat na magtanong sa kanilang kalagayan at kung ano ang kanilang kailangan.
-
Ikalimang Haligi ng Islam: Ang Hajj (Paglalakbay sa Makkah)
Ang Hajj ay isang banal na paglalakbay sa Banal na Tahanan ng Allah, (ang Ka'bah) upang magsagawa ng mga itinakdang rituwal sa mga partikular na pook at partikular na oras. Ang pagsasagawa ng Hajj ay isang tungkulin ng isang Muslim minsan sa kanyang tanang buhay. Ang haliging ito ng Islam ay isang takdang tungkulin at nararapat gampanan ng lahat ng mga Muslim, lalake man o babae, na nasa tamang pag-iisip at tamang gulang, (mula sa gulang ng pagbibinata o pagdadalaga) at may sapat na kakayahang pangkalusugan at pananalapi. Sa isang Muslim na may sapat na pananalapi nguni't may karamdaman na sadyang humahadlang sa kanyang pagsasagawa ng Hajj, siya ay maaaring magtalaga ng isang tao upang magsagawa ng Hajj para sa kanya. Datapwa't kung ang kanyang nakalaang gugugulin ay sapat lamang sa kanilang mga pang-araw-araw na pangangailangan, hindi sapilitan sa kanya ang pagsasagawa ng Hajj. Ang Allah ( y) ay nagsabi; "… At ang Hajj sa Tahanan (Kaba‘ah) ay isang tungkulin (na dapat gampanan) ng sangkatauhan sa Allah, yaong may kakayahang gumugol (ng kanilang paglalakbay). At sinuman ang magtakwil (tungkol dito), samakatuwid, ang Allah ay walang pangangailangan ng anuman sa sinuman sa Kanyang mga nilikha ('Alamin) (sangkatauhan, Jinn at lahat ng nilikha). (Qur'an 3:97)
Ang Hajj ay siyang pinakamalaking Islamikong pagtitipon. Ang mga Muslim sa buong mundo ay nagkakatipun-tipon sa isang lugar at oras, tumatawag (dumadalangin at nagsusumamo) sa iisang Rabb (Panginoon), nakasuot ng isang anyo ng kasuotan at nagsasagawa ng isang pamamaraan ng mga rituwal o seremonya, at pareho ang binibigkas;
"Lab‘baik Al‘laahum‘ma lab‘baik, lab‘baika laa shareeka laka lab‘baik. In‘nal hamda wun‘ni-mata laka wal-mulk laa shareeka lak.Ang kahulugan ay:
"Lab‘baik Al‘laahum‘ma lab‘baik, lab‘baika laa shareeka laka lab‘baik. In‘nal hamda wun‘ni-mata laka wal-mulk laa shareeka lak.Sa panahon ng Hajj, walang pagkakaiba ang mayayaman at mahihirap, ang itim o puti, ang arabo o hindi arabo----lahat ay pantay sa paningin ng Allah ( y). Ang tanging pagkakaiba lamang ng mga tao ay batay sa antas ng kabutihan o magandang pag-uugali. Pinatutunayan ang pagiging magkakapatid ng bawat isa at pinag-iisa ang kanilang mga damdamin at pag-asa.