Ang mga Pangunahing Layunin ng Islam

Sa kanyang pananalita sa Mina1 bilang Huling Hajj, ang Propeta ( s)ay nagsabi ; Alam ba ninyo kung anong araw ito? Sila (mga kasamahan) ay sumagot, ‗Ang Allah at ang Kanyang Sugo ang higit na nakaaalam.‖ Sinabi niya, ‗Tunay na ito ang banal na araw [ang Araw ng Arafah sa Hajj].‖ Alam ba ninyo kung anong pook ito? Ang kanyang mga kasamahan ay sumagot; ‗Ang Allah at ang Kanyang Sugo ang higit na nakaaalam.‖ Ang sabi niya, ‗Ito ang banal na pook (Makkah at ang kapaligiran nito). ‗Alam ba ninyo kung anong buwan ngayon? Sila (ang mga kasamahan) ay sumagot, ‗Ang Allah at ang Kanyang Sugo ang higit na nakaaalam. ‗Ito ang banal na buwan (ang buwan ng Dhul Hijjah, ang ika-12 buwan ng kalendaryo ng Islam), Katotohanan, ginawa ng Allah ang inyong buhay, ang inyong mga kayamanan, ang inyong dangal bilang banal at sagrado, tulad ng pagiging sagrado ng araw na ito, sa (sagradong) buwan na ito, at sa (sagradong) pook na ito.
(Bukhari)

Ang pinakamahalagang layunin ng Islam sa panawagan nito at tunay na iniingatan ay ang pangangalaga sa Deen (Relihiyon), buhay, dangal, yaman, kaisipan, mga anak, at ang pangangalaga sa mga karapatan ng mga mahihina at may kapansanan. Tungkol sa pagiging sagrado ng buhay, ang Dakilang Allah ( y) ay nagsabi; At huwag kayong pumatay ng sinuman na ipinagbabawal ng Allah, malibang ito ay sa paraang makatarungan…
(Qur‘an 17 :33)

Tungkol sa dangal ng yaman, ang Dakilang Allah( y) ay nagsabi; At huwag ninyong kamkamin ang ari-arian ng iba nang walang katarungan…
(Qur‘an 2 :188)

Tungkol sa pagiging sagrado ng dangal, ang Dakilang Allah ( y) ay nagsabi; At iwasang mahulog sa bawal na pakikipagtalik. Katotohanan, ito ay 'Fahishah' (isang uri ng pagsuway at malaking kasalanan), at isang masamang gawa (na magbubulid sa Impiyerno malibang siya ay patawarin ng Allah).
(Qur‘an 17 :32)

Ang Dakilang Allah( y) ay nagsabi rin: At sinuman ang nakagawa ng kamalian o kasalanan at pagkatapos ay ibinintang nito sa sinuman na walang kamuwangan, tunay na kanyang pinatawan ang kanyang sarili ng kasinungalingan at malinaw na kasalanan.
(Qur‘an 4 :112)



Tungkol sa ipinagbabawal na paglabag hinggil sa lahi o angkan, ang Dakilang Allah ( y) ay nagsabi ; At kung siya ay tumalikod na sa iyo (O Muhammad), ang kanyang pagsisikhay sa kalupaan ay upang gumawa rito ng katampalasanan at kanyang wasakin ang mga pananim at hayupan, datapwa‘t ang Allah ay hindi nagmamahal sa mga kabuktutan.
(Qur‘an 2 :205)

Binibigyan nang higit na pangangalaga ng Islam ang karapatan ng mga mahihina, sapagka't sila ang lagi nang biktima ng pang-aabuso at pangaalipusta. Sa ganitong kadahilanan, ang Dakilang Allah( y)) ay nagbanggit ng ilang uri ng mahihina at ilang paraan kung paano sila nagagawan ng kamalian.

Tungkol sa mga magulang, ang Dakilang Allah( y) ay nagsabi : At ang iyong Rabb (Panginoon) ay nag-utos na wala kang dapat sambahin maliban sa Kanya (Allah) At maging masunurin sa iyong mga magulang. Kung ang isa sa kanila o kapwa sila nasa katandaan, huwag silang pagsalitaan ng kawalan galang at huwag silang sigawan subalit' ikaw ay mangusap sa kanila sa paraang magalang (may pitagan)
(Qur‘an 17:23)

At tungkol sa mga ulila, ang Dakilang Allah( y) ay nagsabi ; Samakatuwid, ang mga ulila ay huwag apihin...
(Qur‘an 93: 9)

Ang Islam ay nag-uutos na pangalagaan ang mga pag-aari ng mga ulila, ang Dakilang Allah ( y) ay nagsabi; At iwasang mahulog sa (paggamit ng) ari-arian ng ulila maliban sa layon ng pagpapaunlad nito hanggang siya ay umabot sa tamang gulang (na may kakayahang pangasiwaan ang sariling buhay). At tuparin ang (bawat) kasunduan. Katotohanan, ang kasunduan, ay tatanungin.
(Qur‘an 17: 34)

Tungkol sa mga bata (anak), ang Dakilang Allah ( y)ay nagsabi: …At huwag kitlan ng buhay ang inyong mga anak nang dahil sa kawalan ng panustos (karukhaan). Kayo at ng inyong mga anak ay Aming pagkakalooban (ng ikabubuhay).
(Qur‘an 6: 151)

Tungkol sa mga taong maysakit o karamdaman, ang Propeta ng Allah ( s) ay nagsabi: Pakainin ang mga dukha (at mahihirap), dalawin ang mga may sakit at tulungang mapalaya ang mga bilanggo.
(Bukhari)

Tungkol sa mga matatanda; ang Propeta ng Allah ( s)ay nagsabi: Hindi nabibilang sa akin ang isang taong walang paggalang sa mga matatanda at walang awa sa mga bata at walang galang sa mga pantas.
(Tirmidhi)

Tungkol sa mga dukha, ang Dakilang Allah ( y) ay nagsabi; At huwag mong ipagtabuyan ang mga dukha (na namamalimos).‖ (Qur‘an 93:10)
Ang Propeta ( s) ay nagsabi: Sinuman ang nagbigay tulong sa kanyang kapatid sa oras ng kanyang pangangailangan (kagipitan), ang Allah ay naroroon sa oras ng kanyang pangangailangan (kagipitan).
(Muslim)

Marami pang mga magagandang kaugalian na ipinag-uutos ng Relihiyong Islam na dapat isabuhay ng mga Muslim na ginagawang dalisay ang bawat ugali at tinutulungan umunlad ang buong pamayanan