ISANG SULYAP SA MGA ILANG KAUGALIAN SA ISLAM

Ang Deen (relihiyon) ng Islam ay nagpakilala ng ilang kaugalian na ipinag-aanyaya sa Muslim na sundin upang taglayin ang ganap na larawan ng isang mabuting tao. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

  • ANG KAUGALIAN SA HAPAG-KAINAN

    • Banggitin ang Pangalan ng Allah ( y) (sa pagsabing 'Bismillah') bago kumain o uminom. Pagkatapos kumain at uminom ay dapat na magpasalamat sa Kanya [sa pamamagitan ng pagsabing 'Alhamdulillah' (papuri at pasasalamat ay para sa Allah ( y)]. Kailangang unang kainin ang nasa inyong harapan (at hindi ang nasa harap ng iba), at gamitin ang kanang kamay kapag kumakain, sapagka't ang kaliwang kamay ay karaniwang ginagamit sa paglilinis ng mga marurumi (tulad ng maselang bahagi ng katawan pagkatapos gumamit ng palikuran at ibang katulad nito).
      Si 'Umar bin Abi Salamah ( d) ay nagsabi; 'Noong ako ay bata pa, ako ay nasa hapag-kainan sa loob ng pamamahay ng Propeta ng Allah ( s), at ang aking kamay ay umaabot ng pagkain sa lahat ng pinggan (habang kumakain). Kaya ang Propeta ng Allah ( s) ay nagsabi sa akin; "O bata, banggitin mo ang Pangalan ng Allah (bago magsimulang kumain), gamitin mo ang kanang kamay at iyong kainin muna ang nasa harapan mo." (Bukhari)
    • Hindi nararapat pintasan ang pagkain maging ito man ay hindi nakasisiya sa panlasa. Si Abu Hurairah ( d) ay nagsabi; "Ang Propeta ng Allah ay hindi kailanman namintas sa anumang pagkain. Kung nais niya ito, ito ay kanyang kinakain at kung hindi naman niya nais, ito ay kanyang hahayaan (o hindi niya kakainin)." (Bukhari)
    • Iwasan ang pag-inom at pagkain nang labis. Ang Dakilang Allah ay nagsabi: "… at magsi-inom nguni't huwag maging mapagmalabis, katotohanan, hindi minamahal ng Allah ang mga taong Musrif (mga taong walang kabuluhang labis na paglulustay ng yaman)." (Qur'an 7:31)
      Ang Propeta ( s) ay nagsabi: "Walang higit na masamang lalagyan na pinupuno ng isang tao kaysa sa tiyan. Sapat na kumain ng ilang subo ang isang tao upang magkaroon ng lakas na iunat ang kanyang likod, at kung siya ay kakain (nang higit), samakatuwid, panatilihin ang isang ikatlong bahagi para sa kanya pagkain, isang ikatlong bahagi para sa kanyang inumin at isang ikatlong bahagi para sa kanyang maluwag na paghinga." (Abu Dawud)
      Huwag hingahan o hipan ang iniinumang lalagyan . Si Ibn Abbas ay nagsabi na ang Sugo ng Allah ( s) ay ipinagbawal ang paghinga o pagihip sa mga lalagyang iniinuman. (Abu Dawud)

      Hindi nararapat na dumihan ang pagkain o inumin para sa ibang tao.

      Higit na nakalulugod na kumaing kasama ang ibang tao kaysa kumakaing nag-iisa. Ang isang tao ay nagsabi sa Sugo ng Allah ( s): "Katotohanan, kami ay kumain nguni't hindi nabusog." Siya ay nagsabi: "Ikaw ba ay kumakain magkakasalo o kumakaing magisa." Siya ay sumagot: "Nag-iisa." Siya ay nagsabi: "Magkihalubilo at kumaing magkakasama at banggitin ang Ngalan ng Allah, at ang inyong (pagkain) ay pagpapalain." (ibn Hibban)
    • Nararapat humingi ng pahintulot kung magsasama ng iba sa isang paanyaya. Ang isang tao mula sa Ansar na nangangalang Abu Shu'aib ay nag-anyaya sa limang katao na ang isang kabilang ay ang Sugo ng Allah ( s). Ang isang tao ay dumating na kasama nila. Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: "Itong isang tao ito ay sumama sa amin, kung ito ay pauunlakan mo, siya ay isasama naming pumasok; at kung hindi naman, siya ay pababalikin." Ang nag-anyaya ay sumagot, "Huwag (siyang umalis), siya ay aking pinahihintulutang sumama (sa inyo)."
  • ANG KAUGALIAN SA PAGTUNGO SA PALIKURAN

    Sa pagtungo sa palikuran, nararapat pumasok na una ang kaliwang paa at magsabi ng; "Bismillah Allahumma inni a'oodhu bika min al-kubti walkhaba'ith." Ang kahulugan ay: "Sa Ngalan Mo, O Allah, ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa mga lalaki at babaing demonyo." (Bukhari)

    Sa paglabas ng palikuran, lumabas na una ang kanang paa at magsasabi ng; "Ghufraanak." Ang kahulugan ay: "Ako ay patawarin Mo (Iniulat ni Ibn Hibban at ni Ibn Maajah)

    Habang nasa tawag ng kalikasan, huwag humarap sa dakong direksiyon ng Qiblah (ng Makkah). Si Abu Hurairah ( d) ay nagsabi: "Katotohanan, ako ay katulad lamang ng isang ama sa kanyang anak. Ikaw ay hindi nararapat na humarap sa (dakong direksiyon ng) Qiblah at hindi rin dapat ilagay ang likod sa gawin nito (sa oras ng tawag ng kalikasan) at hindi rin dapat na punasan ang sarili nang kulang sa tatlong bato kung hindi gumagamit ng isang pirasong buto o dumi." (ibn Maajah)

    Nararapat na ikubli ang sarili sa oras ng tawag ng kalikasan. Si Jabir ay nagsabi: "Kapag ang Sugo ng Allah ay nasa oras ng tawag ng kalikasan, siya ay magtutungo sa isang pook na walang nakakakita sa kanya."

    Hindi nararapat na gamitin ang kanang kamay upang maglinis ng dumi. Ang Propeta ( s) ay nagsabi: "Kapag kayo ay umiinom, hindi ninyo dapat hingahan ang lalagyan ng inumin habang umiinom, kapag kayo ay nasa tawag ng kalikasan, hindi dapat hawakan ang maselang bahagi ng katawan ng kanang kamay, at hindi rin dapat punasan ang sarili (maselang bahagi) ng kanyang kanang kamay." (Bukhari)

  • ANG KAUGALIAN SA PAGHINGI NG PAHINTULOT

    • Ipinagbabawal ang pagpasok sa mga ibang bahay nang walang pahintulot. Ang Dakilang Allah ( y) ay nagsabi: "O kayong mga Mananampalataya! (mga Muslim) Huwag kayong magsipasok sa mga tahanan maliban sa inyong sariling (tahanan) hanggang kayo ay humingi ng kapahintulutan at batiin yaong nasa loob nito; ito ay higit na makabubuti para sa inyo upang sakali kayo ay (matutong) makaalala." (Qur'an 24:27)
    • Ang isang taong nasa loob ng pamamahay at nais pumasok sa silid. Ang Allah ( y) ay nagsabi: "… At kung ang mga bata na kabilang sa inyo ay umabot na sa tamang gulang, hayaan silang humingi ng pahintulot sa nakatatanda sa kanila (sa gulang). (Qur'an 24:59)

      Ito ay naglalayong pangalagaan at panatilihin ang mga pansariling karapatan o bagay na hindi dapat makita ng sinuman tulad ng sinabi ng Propeta ( s). "Isang tao ay sumilip sa silid ng Propeta mula sa isang butas ng pintuan, at ang Propeta ay may tangan ng isang ngipin ng suklay habang kinakamot ang kanyang ulo. Kanyang sinabi sa kanya, "Kung alam ko lang na ikaw ay nakasilip, sinundot ko sana ang iyong mata nito. Katotohanan, ang paghingi ng pahintulot ay ipinag-utos upang hindi makita ng sinuman (ang pansariling gawain ng isang tao sa sariling pamamahay)." (Bukhari)

      Huwag magpumilit sa paghingi ng pahintulot (nang higit sa tatlong ulit). Ang Propeta ( s) ay nagsabi; "Ang paghingi ng pahintulot ay hanggang tatlong ulit. Kung kayo ay pinahintulutan, magkagayon kayo ay pumasok, kung walang pahintulot, magkagayon, kayo ay dapat na umalis." (Iniulat ni Imam Muslim)

      Ang isang taong humingi ng pahintulot ay dapat magpakilala. Si Jabir ay nagsabi: "Ako ay nagtungo sa Propeta tungkol sa utang ng aking ama. Ako ay kumatok sa pintuan at kanyang sinabi: "Sino yan?" Sinabi ko" "ako po". Siya ay sumagot, "Ako, ako!!! Na tila hindi niya naibigan [kung ano ang aking sinagot]." (Bukhari)

  • ANG KAUGALIAN SA PAGBATI NG SALAAM

    • Ipinag-uutos ng Islam sa lahat ng kasapi ng lipunan na magbatian ng Salaam (as-Salaamu A'laykum) sapagkat ito ay nagbubunga ng pagmamahalan at pagkakaibigan sa bawat isa. Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi; "Kayo ay hindi maaaring makapasok sa Paraiso hanggang kayo ay hindi sumasampalataya, at kayo ay hindi magiging tunay na Mananampalataya hanggang hindi kayo nagmamahalan sa isa't isa. Aking sasabihin sa inyo ang isang bagay na kung ito ay inyong gawin, kayo ay magmamahalan sa isa't isa? Magbatian kayo ng 'Salaam' sa bawa't isa." (Muslim)
    • Isang tungkulin na kung kayo ay binati ng Salaam, nararapat na ito ay suklian nang gayon ding pagbati o mas higit na mainam pa roon65. Ang Allah ( y) ay nagsabi,; "At kung kayo ay batiin ng pagbati, sila ay inyong suklian ng pagbati nang higit na mainam (kaysa) rito, o di kaya'y suklian ito nang katumbas na pagbati…" (Qur'an, Kabanata An-Nisaa, 4:86)

      Ipinaliwanag din ng Islam kung sino ang dapat maunang magbigay ng pagbati. Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: Ang isang nakasakay ay nararapat na maunang bumati sa isang naglalakad, ang isang naglalakad ay nararapat na maunang bumati sa isang nakaupo, at ang maliit na pangkat ay nararapat na maunang bumati sa isang higit na malaking bilang na pangkat." (Muslim)
  • ANG KAUGALIAN KAUGNAY NG PAG-UPO

    • Nararapat na magbigay ng pagbati sa mga naroroon sa pagtitipon, sa sandaling pumasok at maging sa paglisan sa pagtitipon. Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: "Sinuman sa inyo ang dumating sa isang pagtitipon, hayaang bumati siya sa kanila ng Salaam. Kung nakikita niya na siya ay nararapat na umupo, hayaan siyang maupo. Kapag siya ay tumayo (upang lumisan) magkagayon, nararapat siyang bumati sa kanila (ng As-salamu alaykum) muli, sapagkat ang isang nauna ay hindi nakahihigit sa kahalagahan kaysa sa iba." (Abu Dawood)
    • Ang mga tao ay nararapat magbigay ng kaluwagan para sa iba. Ang Dakilang Allah ay nagsabi; "O kayong mga mananampalataya (Muslim)! Kung kayo ay pagutusan na magbigay ng sapat na kaluwagan sa mga (pook ng) pagtitipon (magsikalat kayo) at magbigay ng puwang. Ang Allah ay magkakaloob sa inyo ng (sapat na) kaluwagan (mula sa Kanyang Awa). At kung kayo ay pag-utusang tumalima, magsitalima kayo (sa pagdarasal, o sa Jihad sa Landas ng Allah. Itataas ng Allah sa antas ng karangalan yaong sa inyo ay (tunay na) mananampalataya at yaong pinagkalooban ng kaalaman. At ang Allah ay Ganap na Nakababatid ng lahat ninyong ginagawa." (Qur'an 58:11)
      Hindi nararapat na pakiusapan ang iba na tumayo sa kanilang pagkakaupo upang sila ang maupo sa kanilang kinauupuan. Ang Sugo ng Allah ay nagsabi: "Hindi dapat patayuin ang isang tao sa kinauupuan nito upang ito ay kanya namang upan, bagkus nararapat na kayo ay magbigay kaluwagan at magkaroon ng puwang." (Muslim)
    • Kapag ang isang tao ay tumayo at umalis mula sa kanyang kinauupuan, siya ay may higit na karapatan dito kung siya ay muling magbalik dito. Ang Sugo ng Allah ay nagsabi: "Kung ang isang tao ay tumayo mula sa kanyang kinauupuan at muling nagbalik dito, siya ay may higit na karapatan dito (sa upuan)." (Muslim)
    • Hindi dapat paghiwalayin ang dalawang magkasamang nakaupon malibang pagkaraang humingi ng pahintulot sa kanilang dalawa. Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: "Hindi pinahihintulutan sa isang tao na paghiwalayin ang dalawang tao (sa pamamagitan ng pag-upo sa pagitan ng mga ito) maliban sila ay nagbigay ng pahintulot." (Abu Dawood)
    • Hindi nararapat na mag-usap ng sarilinan sa sinuman sa harap ng isa pang tao. Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: "Kung kayo ay tatlo, ang dalawa sa inyo ay hindi nararapat na mag-usap nang sarilinan na hindi kasama ang ikatlo hanggang kayo ay makihalo sa ibang tao, sapagkat ito ay ikalulungkot niya." (Bukhari)
    • Hindi nararapat na maupo sa gitna ng pangkat ng tao. Si Hudhaifah ay nag-ulat na sinabi ng Sugo ng Allah ( s): "Hindi pinahihintulutan sa isang tao na paghiwalayin ang dalawang tao (sa pamamagitan ng pag-upo sa pagitan ng mga ito) maliban sila ay nagbigay ng pahintulot." (An-Nawawi)
    • Ang mga tao sa isang pagtitipon ay hindi nararapat na maging abala sa usapang walang kabuluhan o pag-uusap na hindi nagbibigay ala-ala sa Dakilang Allah o anumang walang kapaki-pakinabang na bagay tungkol sa buhay o relihiyon. Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: "Walang tao ang tumayo mula sa pagtitipon (umpukan) na ang Ngalan ng Allah ay hindi nabanggit maliban na sila ay katulad ng mga taong nagsitayo mula sa paligid ng bangkay ng asno, at ang pagtitipon ay magiging sanhi ng kalungkutan para sa kanila." (Abu Dawud)
    • Ang isang tao ay hindi dapat gumawa ng anumang bagay na hindi kinalulugdan ng kanyang mga kasamahan sa pagtitipon.
  • ANG MGA KAUGALIAN SA PAGTITIPON

    • Isinasaalang-alang ng Islam ang damdamin ng mga tao na nagsisipagtipon sa alin mang pook; upang ang mga tao ay magkaroon ng sigasig na magtipon. Samakatuwid, itinatagubilin ng Islam sa mga tagasunod nito na maging malinis, na sila ay hindi nararapat na dumalo sa pagtitipon na may taglay na masamang amoy na nagiging sanhi na pagkayamot ng iba, at sila ay nararapat na dumalo na maayos ang pananamit upang sa gayon siya ay hindi nakaaabala sa mga tao. Itinatagubilin din ng Islam sa mga tao na makinig sa nagsasalita na hindi nakakaabala sa kanya at maupo sa lugar na makatatagpo ng puwang na hindi nakaaabala sa iba o maging sanhi ng pang-aabala o pananakit sa iba. Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi tungkol sa pagtitipon sa Araw ng Biyernes (Salatul Juma'ah): "Sinuman ang naligo sa araw ng Biyernes, naglagay ng pabango (kung mayroon), isinuot ang kanyang pinakamagandang damit at pagkaraan ay dumalo sa Salatul Juma'ah na hindi nakaabala sa ibang tao at nagsagawa ng rakah na kanyang makakayang gawin, at pagkatapos ay nanatiling tahimik nang ang Imam ay pumanhik sa Mimbar hanggang matapos ang pagdarasal, ang kanyang Salaah (pagdarasal) na yaon ay magiging kabayaran ng mga kasalanan na nagawa niya sa buong linggong iyon na sinundan ng pagdarasal na iyon." (Ibn Khuzaimah)
    • Sinumang ang nagbahing, siya ay nararapat na magsabi ng "Al hamdulillah." At yaong nakarinig sa kanya ay nararapat magsabi ng "Yarhakumullahu (Kaawaan ka ng Allah ( y). Ang nagbahing ay nararapat na muling suklian ng sagot sa kanila sa pamamagitan ng pagsabi ng :"Yahdeekumullaah wa yuslihu baalakum (nawa' patnubayan ka ng Allah ( y) at gawing mabuti ang iyong puso, ang iyong pamumuhay at ang iyong mga gawain." Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: "Kapag ang isa sa inyo ay nagbahing, hayaan siyang magsabi ng "al Hamdulillah, at ang kanyang mga kapatid ay nararapat na magsabi ng "Yarhamuk-Allahu, at pagkatapos siya ay nararapat na magsabi ng "Yahdeekumullaah wa yuslihu baalakum." (Bukhari)


      Mula sa ganitong kaugalian na siyang isinalaysay ni Abu Hurairah ( d), na ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: "Kapag kayo ay nagbahing, ilagay ang inyong kamay sa inyong mukha at gawing mahina ang inyong tinig." (Haakim)

      Kapag nakararamdam ng paghikab, nararapat nilang pigilin ito hanggang maaari nilang pigilin. Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: "Katotohanan, kinalulugdan ng Allah ang pagbahing nguni't kinasusuklaman ang paghikab. Kapag ang isa sa inyo ay nagbahing at nagpsalamat at nagbigay papuri sa Allah, karapatan ng bawat Muslim na nakaririnig sa kanya na magsabi ng Yarhamukallah. At hinggil sa paghihikab ito ay mula sa Satanas, ito ay nararapat na pigilin ng isang tao hanggang makakaya niya. At kung siya ay nakapaghikab nang may ingay tulad ng 'Aahh', ang Shaytaan ay hahalakhak." (Bukhari)

    • Huwag dumighay sa publiko. Sinabi ni Ibn Umar ( d); "Nang ang isang tao na kasama ng Propeta ng Allah ay dumighay, sinabihan niya na ito nang ganito, 'Pangalagaan mo kami sa iyong pagdighay, sapagka't ang karamihan sa mga nagpapakabusog sa buhay dito ay makalalasap ng pagkagutom nang mahabang panahon sa Araw ng Pagkabuhay-Muli'." (Iniulat ni Tirmidhi)
  • ANG KAUGALIAN SA PAKIKIPAG-USAP

    • Ang isang tao ay nararapat na makinig nang tahimik sa nagsasalita, na hindi ito inaabala hanggang matapos. Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsimulang magsalita sa kanyang Huling Hajj (Pilgrimahe) sa pamamagitan ng pagsasabi sa isa sa kanyang kasamahan. "Sabihin sa mga tao na tumahimik." (Bukhari)
      Ang isang tao ay nararapat na magsalita nang malinaw at magpaliwanag sa kanyang layon upang ang mga nakikinig ay makaunawa. Si A'shah na asawa ng Propeta ( s) ay nagsabi: "Ang mga salita ng Propeta ay malilinaw kaya sinumang makarinig sa kanya ay nakauunawa sa kanya." (Abu Dawud)
      Ang tagapagsalita at ang mga tagapakinig ay nararapat na maging masayahin at kaaya-aya sa kanilang mukha at pananalita. Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: "Huwag ninyong maliitin ang anumang mabuting gawa, kahit na ito ay pakikipagharap sa inyong kapatid nang may kaaya-ayang mukha."
    • Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: "May (takdang) kawanggawa na dapat ipagkaloob para sa bawat hugpong ng bahaging katawan ng tao (bilang tanda ng pasasalamat sa Allah) sa bawat pagsikat ng araw. Ang humatol ng makatarungan sa pagitan ng dalawang tao ay isinasaalang-alang bilang kawanggawa, at ang magbigay ng tulong sa isang tao hinggil sa kanyang sasakyang hayop sa pamamagitan ng pagbuhat ng kanyang mga dalahin sa ibabaw nito ay isang kawanggawa at ang mabuting salita ay isa ring kawanggawa, at ang bawat hakbang patungong Masjid upang magsagawa ng pagdarasal ay isang kawanggawa at ang alisin ang nakapipinsalang bagay mula sa daan ay isa ring kawanggawa." (Bukhari)
  • ANG KAUGALIAN SA PAGBIBIRO

      Ang buhay sa Islam ay hindi tulad ng ilang maling paniniwala ng di Muslim na ito ay walang anumang kasayahan o pagbibiro.

    • Isang kasamahan ng Propeta ( s) na ang pangalan ay Handalah al Usaidi ay nagsabi: "Nakasalubong ko si Abu Bakr at nagtanong: "Kumusta ka o Handalah? Siya ay sumagot, " Si Handalah ay naging mapagkunwari! Siya ay sumagot "Subhanallaah! Ano ba ang iyong sinasabi? Si Handalah ay nagsabi: "Kapag tayo ay kasama ng Sugo ng Allah, ipinaaalala sa atin ang tungkol sa Impiyerno at Paraiso, nguni't kapag tayo ay lumisan sa piling ng Sugo ng Allah, tayo ay nagiging abala sa ating mga asawa, mga anak at ari-arian at nakalimot tayo nang labis." Si Abu Bakr ay nagsabi" Sumpa man sa Allah, tunay na ang gayong damdamin ay nangyari sa akin. Kaya, ako at si Abu Bakr ay umalis hanggang makatagpo namin ang Sugo ng Allah. Ako ay nagsabi: 'si Handalah ay naging mapagkunwari O Sugo ng Allah. Sumagot ang Sugo ng Allah, "Paanong nangyari iyon? Ako ay nagsabi, O Sugo ng Allah kapag kami ay kasama mo, ipinaaalala mo sa amin ang tungkol sa Impiyerno at Paraiso na tila ba ito ay nasa aming paningin, nguni't kapag kami ay lumisan sa iyo, kami ay nagiging abala sa aming mga asawa, mga anak at mga ari-arian at nakalimot nang labis. Sa gayon, ang Sugo ay nagbigay puna: "Sumpa man sa Allah na Siyang may tangan ng aking kaluluwa, kung kayo ay mananatili sa gayong kalagayan kapag kayo ay kasama ko, ang mga anghel ay magsisipagbaba at babatiin ang inyong mga kamay sa inyong mga higaan at kapag kayo ay maglalakad, nguni't, O Handalah, may panahon para rito at may oras para roon (at sinabi niya ito nang tatlong ulit)." (Bukhari)
    • Ipinaliwanag ng Sugo ng Allah ( s) na pinahihintulutan ang mabuting pagpapaligaya at pang-aaliw upang ang tao ay maging masigla ang pangangatawan at kaisipan. Tinuruan ng Sugo ng Allah ( s) ang kanyang mga kasamahan ng pagbibiro nang sila ay nagtanong: "O Sugo ng Allah, ikaw ay nakikipagbiruan sa amin?" Siya ay sumagaot: "Oo, nguni't ako ay hindi nagsasalita maliban kung ano ang tama at totoo." (Tirmidhi)
    • Ang Propeta ( s) ay hindi lamang umaaliw at nakikipagbiruan sa kanyang mga kasamahan sa pamamagitan ng bibig; manapa'y, siya ay nakikipaglaro sa kanila. Si Anas b. Malik ( d) ay nagsabi: 'Isang Bedouin na nangangalang Zahir b. Haram ( d) ay nagbigay ng regalo sa Propeta ( s) at siya naman ay naghanda ng anumang bagay para sa kanya. Ang Propeta ( s) ay nagsabi: 'Si Zahir ay ating disyerto, at tayo naman ay kanyang lungsod.' Ang Propeta ( s) ay lumapit sa kanya habang siya ay nagtitinda ng kanyang mga paninda, at ang Propeta ( s) ay yumakap sa kanyang likuran at siya ay hindi niya makita. Kaya, sinabi niya: 'Bitiwan mo ako!' Nang malaman niya na ito ay ang Propeta ( s) na nakayakap sa kanya, idiniin niya ang kanyang likod sa dibdib ng Propeta! Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: Sino ang bibili sa aliping ito mula sa akin?' Si Zahir ( d) ay nagsabi: 'O Sugo ng Allah, ako ay walang halaga!' Ang Sugo ng Allah ( s) ay sumagot: 'Ikaw ay hindi itinuturing na walang halaga ng Allah!' o kanyang sinabi: 'Ikaw ay mahalaga at mahal sa Allah.' (Ibn Hibban)
    • Hindi nararapat na ang pagbibiro ay nakapipinsala o nakasasakit sa kapwa. Ang Propeta ( s) ay nagsabi: "Hindi pinahihintulot para sa isang Muslim na takutin ang kapwa Muslim." (Abu Dawood)
    • Sinabi rin niya: "Hindi dapat kuhanin ng sinuman ang gamit ng kanyang kapatid (upang galitin siya) maging ito man ay sa pagbibiro o totoo." (Abu Dawood)
    • Ang isang tao ay hindi nararapat magsinungaling kahit sa pagbibiro. Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: "Kasawian sa isang sinungaling sa kanyang pananalita upang magpatawa sa tao. Kasawian sa kanya!" (Abu Dawood)
  • ANG KAUGALIAN SA PAKIKIRAMAY

    • Ang pakikiramay ay ipinag-utos upang damayan ang pamilya ng namatayan at upang maging magaan ang kanilang kalungkutan at siphayo. Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: "Walang isang mananampalataya na dumamay sa kanyang kapatid sa sandali ng kanyang kalungkutan maliban na siya ay bibihisan ng Allah ng palamuti ng karangalan sa Araw ng Paghuhukom." (ibn Maajah)
    • Nararapat na ipagdasal ang pamilya ng namatay at patatagin sila na maging matiisin at ipaalala sa kanila ang gantimpala na kanilang matatanggap mula sa Allah ( y) sa pagiging matiisin sa oras ng kanilang siphayo o kalungkutan. Si Osama bin Zaid ( d) ay nagsabi:
      ‗Kami ay nakaupong kasama ng Sugo ng Allah. Ang isa sa kanyang anak na babae ay nagpadala ng isang tao na nagsasabing dalawin siya sapagka't ang kanyang anak na lalaki na nakaratay. Sinabihan ng Sugo ng Allah ang taong ito na sabihin sa kanya (sa anak na babae): 'Katotohanan, nasa Allah ang pagmamay-ari ng anumang Kanyang kinuha, at ipinagkaloob Niya ang lahat ng bagay na may takdang panahon. Sabihin mo sa kanya na maging matiisin at hanapin ang gantimpala ng Dakilang Allah. Ang kanyang anak na babae ay nagpadalang muli ng tao na nagsabing: 'O Propeta ng Allah! Ang iyong anak na babae ay nangako na ikaw ay nararapat pumunta.‘ Ang Sugo ng Allah ay tumayo, at siya ay sinamahan nina Sa'd bin Ubaadah at Mu‘adth bin Jabal. Ang Sugo ng Allah ay umupo sa tabi ng bata habang siya ay naghihingalo. Ang mata ng bata ay nanlamig sa kanilang kinalalagyan tulad ng mga bato. Nang makita niya ito, ang Sugo ng Allah ay nanangis. Si Sa'd ay nagsabi sa kanya, ‗Ano ba ito 'O Propeta ng Allah?‘ Siya ay nagsabi: ‗Ito ay isang awa na inilalagay sa puso ng Kanyang mga alipin. Katotohanan, ang Allah ay Mahabagin sa mga mahabagin sa iba pa.‘ (Bukhari)
    • Nararapat na ipanalangin sa Allah ( y) na kahabagan ang namatay. Si Imam Ash Saafi'I ay nalulugod sa isang nagsabi sa pamilya ng namatayan ng ganito: "Naway ipagkaloob sa iyo ng Allah ang malaking gantimpala, igawad sa iyo ang pagtitiis, at kapatawaran ng iyong namatay (na kamag-anak)."
    • Nakabubuti na sila ay ipaghanda ng pagkain. Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: "Ipaghanda ng pagkain ang pamilya ni Ja'far, sapagkat isang pangyayari ang dumating sa kanila na naging sanhi ng kanilang pagiging abala." (Abu Dawood)
  • ANG KAUGALIAN SA PAKIKIPAGTALIK SA ASAWA

    • At sinabi ng Propeta Muhammad ( s); "Sinuman ang may hangaring sumiping sa asawa at nagsabi (bago makipagtalik) ng; 'Sa Ngalan Mo, O Allah! pangalagaan Mo kami laban sa Satanas, at pangalagaan Mo ang (supling na) ipagkakaloob Mo sa amin'; at kung ang Allah ay magkakaloob ng anak, ang supling ay di-mapipinsala ng Satanas." (Iniulat ni Imam Bukhari).
  • ANG KAUGALIAN SA PAGLALAKBAY

    • Sinumang ang maglayong maglakbay, nararapat niyang tiyakin na ang lahat ng bagay na ipinagkatiwala sa kanya ay maibalik niya sa mga kinauukulan, bayaran ang mga pagkakautang, at iwanan ang pamilya nang sapat na kabuhayan. Nararapat din niyang ibalik ang mga bagay na kanyang kinuha sa pamamagitan ng di-makatuwirang paraan. Ang Propeta ng Allah ( s) ay angsabi: "Sinuman ang mayroong bagay na kinuha nang di-makatarungan mula sa kanyang kapatid, hayaang maging malaya siya mula rito sapagkat, katotohanan walang Dinar o Dirham (salapi) (na kinuha nang di-makatuwiran) maliban na ito ay magiging kapalit ng kanyang mabuting gawa at ito ay ipagkakaloob sa kanyang kapatid, at kung siya ay walang mabuting gawa, ang masamang gawa kukunin mula sa kanyang kapatid at ibibigay sa kanya." (Bukhari)
  • Etiquettes of Traveling

    • Before one sets out on a journey, he should make sure that he returns all trusts to their owners, settles any debts, and leaves his family sufficient provisions. He should also return anything he has taken unjustly to its rightful owner. The Prophet ( s) said: “Whoever has something which he took unjustly from his brother, let him free himself from it, for indeed there is no Dinar nor Dirham [that someone takes without right] except that it will be taken from his good deeds and given to his brother, and if he had no good deeds, bad deeds will be taken from his brother and thrown upon him.” (al-Bukhari)
    • It is disliked that one travels alone, except in cases of necessity in which he cannot find anyone to accompany him. The Prophet ( s) said to a person who arrived from a journey: “Who accompanied you?” He replied, “No one accompanied me.” Upon that, the Messenger of Allah ( s) said: "A lone traveler is a devil, two are two devils, and three is a traveling group.” (al-Haakim)
      One should choose good company and there should be one person as leader among them. The Prophet ( s) said: “If three people set out on a journey, one of them should be made a leader.” (Abu Dawood)
    • Before returning from a journey, one should inform his spouse of his expected arrival. The Prophet ( s) would say this, and he would enter upon them at night. The Prophet ( s) said: “If one of you is absent for a long while, let him not enter upon his spouse (upon his return) at night.” (al-Bukhari & Muslim)
    • One should bid his friends and family farewell. One should not delay returning to his family after he has finished his business. The Prophet ( s) said: “Travel is a portion of punishment such that a person would be prevented from eating, drinking, and sleeping. If one of you finishes his business, let him hurry to his family.” (alBukhari & Muslim)
  • ANG KAUGALIAN SA PAGGAMIT NG MGA ARI-ARIAN PAMPUBLIKO

    • May mga kaugalian na dapat panatilihin kaugnay ng pangangalaga sa mga pampublikong ari-arian. Ang Propeta ( s) ay nagsabi kung paano ang maglakad sa mga daan. Sinabi niya: "Mag-ingat at lumayo mula sa pag-upo sa mga daan. Sila ay nagsabi: "O Sugo ng Allah, wala kaming ibang pook na maaaring pagtipunan at mag-usap. Siya ay sumagot, "Kung ito ay inyong gawin, ipagkaloob ang karapatan ng daan. Sila ay nagtanong "At ano ang karapatan ng daan? Siya ay sumagaot, "Ibaba ang inyong paningin (sa mga pangkat ng mga kababaihan), huwag magbigay ng pasakit sa mga (nagdaraang) iba, magbigay ng pagbati, at maganyaya ng kabutihan at magbawal ng kasamaan. " (Bukhari)
    • Nararapat ding pangalagaaan ang mga daan at huwag sirain ang mga ari-ariang pampubliko. Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: "Dalawang bagay na kung saan ang tao ay isinumpa ng kapwa tao. Ang kanyang kasamahan ay nagtanong, "Ano ang dalawang bagay na kung saan isinusumpa ng tao ang kapwa tao, O Sugo ng Allah? Siya ay sumagot, "Siya na dumudumi sa mga pook na dinaraanan o (lilim na) pahingahan ng mga tao." (Muslim)
  • ANG KAUGALIAN SA PANGANGALAKAL

      Sa pangkalahatan, ang kalakalan ay marapat at pinahihintulutan sa Islam sapagkat ito ay pagpapalitan ng mga bunga o ani sa pagitan ng namimili at nagtitinda. Nguni't kapag ang kapinsalaan ay nangyari sa isa o sa magkabilang panig, ang kalakalan ay isinasaalang-alang bilang di-marapat samakatauwid, ipinagbabawal.

    • Ang Dakilang Allah ay nagsabi: "O kayong Mananampalataya! Huwag lustayin (o sirain) ang inyong mga ari-arian nang di-makatarungan." (Qur'an 4:29)
    • Itinuturing ng Islam ang kinita mula sa kalakalan bilang pinakadalisay at pinakamabuting paraan ng paghahanap buhay. Ang Propeta ng Allah ( s) ay tinanong kung ano ang pinakadalisay at pinakamabuting pinagkakitaan, at siya ay sumagot. "Ang gawain ng isang tao mula sa paggamit ng kanyang sariling kamay at bawat makatotohanan at tapat na kalakal." (Haakim). )
      Ito ay nangangahulugan din ng anumang gawain sa pamamagitan ng pagpapatulo ng sariling pawis at pinahihintulutang hanap-buhay ay tunay na kalugod-lugod sa paningin ng Allah ( y) at ito ay sadyang pinagpala.
    • Ipinag-uutos din ng Islam na maging makatotohanan at tapat sa pakikipagkalakalan. "Ang isang Muslim na makatotohanan at mapagkakatiwalaan ay kasama ng mga Shaheed (martir) sa Araw ng Paghuhukom." (Haakim)
    • Hindi nararapat magbigay ng panunumpa kapag nakikipagkalakalan. Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: "Maging maingat at iwasan ang labis na pagsumpa sa pakikipagkalakalan sapagkat kung ito ay kasinungalingan (o may bahid ng pandaraya), ang mga namimili ay bibili, nguni't gayon paman, ang pagpapala nito ay mawawala."
    • Ipinag-uutos din na maaaring ibalik ang binili kung hindi nasisiyahan sa biniling bagay. Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: "Sinuman ang tinanggap (o kinuhang muli) ang ibinalik (na binili) ng kanyang kapatid, kukuning muli (ang parusa) ng pagkakamali niya sa Araw ng Pagkabuhay Muli." (Silsilah-AsSaheeh)
    • Maraming pang ibang kaugalian at asal na ipinag-uutos ng Islam. Subali't sanhi ng kakapusan, hindi namin maaaring banggiting lahat ito. Sapat na malaman na walang bagay sa buhay maliban na may mga talata ng Qur'an o Sunnah ng Propeta ang maaaring matunghayan ukol sa isang partikular na paksa. Ang dahilan dito ay sapagkat ang kabuuang buhay ng isang Muslim ay isinasaalang-alang bilang isang gawang pagsamba, at isang paraan ng pagpapaunlad ng kabutihan.