Ang Mga Kautusan
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga kautusan ng Islam:
-
Ang Islam ay nag-aanyaya nang ganap na katarungan maging sa pananalita at sa gawa. Ang Qur‘an ay nagsabi:
Alalahanin! Katotohanan, Ang Allah ay nag-uutos ng Al-Adl (katarungan at pagsamba sa Allah lamang) at Ihsan (pagsasagawa
ng inyong mga tungkulin sa Allah nang may kataimtiman at katapatan), nang ganap para
sa (kasiyahan) ng Allah at naaayon sa Sunnah ng Sugo ng Allah at magbigay ng tulong sa
mga kamag-anak at pagbabawal ng Al Fasha (mga makasalanang gawa tulad ng pangangalunya
at ibang pang malalaswang pakikipag-ugnayan) at Al Munkar (mgamakasalanag Gawain ukol
sa kawalan ng pananalig sa Allah at Al Baghy (lahat ng uri ng pang-aabuso at pang-aapi).
Kayo ay Kanyang binigyan ng babala upang sakali kayo ay magbigay pansin (tumalima).
(Qur‘an 16:90)
Si Abu Bakr ( d), ang unang pinuno (Khalifa) pagkaraang mamatay ang Sugo ng Allah ( s), nang tanggapin niya ang tungkulin bilang pinuno (Khalifa) ay nagsabi: Yaong inyong itinuturing na malalakas ay mahihina para sa akin hanggang kuhanin ko ang kanilang karapatan at ang mga mahihina ay malalakas sa aking paningin hanggang maipagkaloob ko sa kanilang ang kanilang mga karapatan. Sumunod kayo sa akin hanggang ako ay nakikita ninyo sumusunod sa Allah sa pagtataguyod ng inyong mga pamumuhay (o gawain).
Ang katarungan ay kailangan maging sa panahon ng pagsasaya o kalungkutan, sa mga Muslim o di Muslim. Ang Qur‘an ay nagsabi: …At huwag hayaang ang galit (o pagkamuhi) sa kaninumang tao ang magbunsod sa iyo upang makipag-ugnayan nang dimakatarungan. Makipag-ugnayan nang makatarungan, yaon ay malapit sa kabanalan… (Qur‘an 5:8)
Ang katarungan ay kinakailangan sa pakikipag-ugnayan sa mga kamag-anakan at di-kamag-anak. Ang Dakilang Allah ay nagsabi: …At kailan man na ipagkaloob ang inyong salita (paghatol sa pagitan ng dalawang tao o magbigay ng pagpapahayag) magsalita ng katotohanan maging sa malapit ninyong kamaganakan at tuparin ang inyong kasunduan sa Allah. Ito ay ipinag-uutos sa inyo upang kayo ay (matutong) makaalala. (Qur‘an 6:152)
Ang Dakilang Allah ay nag-uutos din sa atin na gamitin ang lakas kung kinakailangan upang ipatupad ang katarungan. Siya ay nagsabi: Tunay na Aming ipinadala ang Aming Sugo na may (dalang) maliwanag na katibayan at ipinahayag sa kanila ang Kasulatan at ang Batayan upang mapanatili ang katarungan sa Sangkatauhan. At Aming ipinagkaloob ang bakal na may dalang tibay na kapangyarihan (hinggil sa digmaan) at iba pang kabutihan para sa mga tao…
(Qur‘an 57:25)
Si Imam Ibn Taymiyah ( d) ay nagsabi:
Ang pagpapadala ng Sugo at kasulatan (kapahayagan) ay nakalaan para sa tao upang isagawa ang kanilang mga tungkulin na ipinag-uutos ng Allah batay sa katarungan. Sinuman ang lumihis mula sa Aklat siya ay dapat ituwid sa pamamagitan ng bakal (lakas). -
Ang Islam ay nanghihikayat na maging mabait at maalalahanin sapagkat ito ay naglalarawan ng tunay na pagmamahal at pagkakapatiran na may magandang bunga sa lipunan, sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng ugnayan sa pagitan ng mga kasapi ng lipunan at nagnanais na maglingkod sa isa‘t isa nang may katapatan. Ang Qur‘an ay nagbigay papuri sa isang tao na binigyang pansin ang iba kaysa sa sarili sa bagay na kabaitan at kapakinabangan. Ang Dakilang Allah ay nagsabi: At (may nakalaang bahagi din) sa mga naunang manirahan (sa Madinah) at yumakap sa pananampalataya, minamahal nila yaong nagsilikas patungo sa kanila, at walang paninibughong nadarama sa kanilang kalooban hinggil sa anumang (bagay na) ipinagkaloob sa kanila (mula sa labi ng [tribu ng] Banu An-Nadir), at sila ay nagparaya sa kanila (mga Muhajir) nang higit sa kanilang mga sarili bagama‘t sila ay nagdaranas ng paghihikahos. At sinuman ang nakaligtas laban sa sariling kasakiman ay katiyakang sila yaong magtatagumpay.
(Qur‘an 59:9)
- Nag-aanyaya na panatilihin ang magandang ugnayan o samahan at binabalaan laban sa masamang pangkat ng tao. Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagbigay ng magandang halimbawa na ipinapalwanag ang mabuting bunga ng pagkakaroon ng magandang ugnayan: Ang kahalintulad ng pagkakaroon ng magandang ugnayan at masamang ugnayan ay tulad ng isang pabango at ng isang umiihip sa kalan ng apoy. Ang nagmamay-ari ng pabango ay maaaring may bumili sa kanya o di kaya ay maamoy man lamang ang kanyang kabanguhan. Tungkol naman sa umihip ng apoy sa kalan, maaaring sunugin ang inyong damit o maaaring malanghap ninyo ang (mabahong) usok mula sa kalan ng apoy. (Bukhari)
-
Ang Islam ay nanghihikayat ng pagmamalasakit at pagpupunyaging pagkasunduin ang tao sa gitna ng pagkakahidwaan. Ang Qur‘an
ay nagsabi:
Walang higit na kabutihan ang kanilang lihim na pagpupulong maliban sa kanya na nag-aanyaya ng kawanggawa o kabaitan o kapayapaan
mula sa mga tao at sinuman ang gumawa ng ganoon na may layong bigyang kasiyahan ang Allah,
ipagkakaloob Namin sa kanya ang Dakilang gantimpala.
(Qur‘an 4:114)
Ang mabuting pagkakasundo sa pagitan ng mga tao ay nagbibigay ng mataas na antas ng karangalan na ang kahalagahan o katumbas na gantimpala ay hindi bababa sa antas ng gantimpalang tulad ng pagdarasal, pag-aayuno at iba pang uri ng pagsamba. Sa kahalagahan nito, ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: Maaari ko bang sabihin sa inyo ang isang bagay na ang antas ay higit kaysa sa pag-aayuno, pagdarasal, at kawanggawa? Ito ay ang pakikipagkasundo sa pagitan ng mga tao sapagkat ang hidwaan ay siyang sumisira (sa magandang ugnayan) ng Deen (o lipunan).
Pinahihintulutan ng Islam ang pagsisinungaling sa kaso ng pagkakasundo ng dalawang taong may hidwaan upang ang puso ng bawat isa ay magkaroon ng pagmamahal sa isa‘t isa at pangalagaan sila mula sa pag-aaway at paghihiwalayan. Hindi ko itinuturing na isang pagsisinungaling kung ang isang tao ay may layunin para sa kapayapaan (ng dalawang magkaaway), at sa panahon ng digmaan, at sa mag-asawa (upang mapanatili ang diwa ng pagkakasundo at pagmamahalan). (Abu Dawood)
At sinabi rin niya ang ganito: Hindi sinungaling ang isang nagdala ng kapayapaan sa pagitan ng dalawang tao kung siya man ay nagsabi o nag-ugnay ng magandang salita (sa iba). (Muslim at Bukhari)
-
Ang Islam ay nag-utos na mag-anyaya ng kabutihan at magbawal ng kasamaan sa lahat ng paraan ayon sa kakayahan sapagkat ito ay makapangangalaga laban sa di- makatarungan, katiwalian, pagkawala ng karapatan at pangingibabaw ng di pagkilala o pagsunod sa batas. Ang panghihikayat upang gumawa ng kabutihan at pagbabawal ng kasamaan ay nagtuturo sa mga walang kaalaman, ginigising ang mga taong nagpapabaya sa kanyang tungkulin sa Dakilang Allah, nagbibigay aral sa mga gumagawa ng kasamaan at tumutulong sa mga mabubuti. Ang Qur‘an ay nagsabi: …Magtulungan ang bawat isa tungo sa kabutihan at banal na tungkulin. Huwag magtulungan sa paggawa ng kasalanan at pagsuway (sa Allah)… (Qur‘an 5:2)
Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: Sinuman sa inyo ang nakapansin ng anumang kasamaan, dapat niya itong ituwid sa pamamagitan ng kanyang kamay. At kung hindi niya magawa, dapat niyang ipagbawal ito sa pamamagitan ng kanyang dila. Kung hindi niya magawa ito, dapat niyang ituring ito sa kanyang puso bilang kasamaan; at ito ang pinakamababang antas ng pananampalataya.
Ang Qur‘an ay nagpahayag ng kaparusahan para sa mga nagpapabaya ng kanilang tungkulin: Yaong mga Angkan ng Israel na hindi naniniwala ay isinumpa sa pamamagitan ng dila ni David at ni Hesus, anak ni Maria. Sapagkat sila ay laging sumusuway, naghihimagsik at palagiang nagmamalabis. (Qur‘an 5:78)
Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagpaliwanag kung ano ang kahihinatnan o ibubunga ng di-pagtalima sa panghihikayat na gumawa ng kabutihan at magbawal ng mga kasamaan ayon sa isang Hadith: Ang kahalintulad ng isang tao na tumatalima at sumusunod sa kautusan ng Allah at ang isang tao na sumusuway sa hangganang itinakda ay katulad ng mga pasahero ng isang sasakyang dagat (barko) na nagpasiya kung sino ang dapat manatili sa itaas at kung sino ang mananatili sa ibabang bahagi ng sasakyan (barko). Yaong nasa ibabang bahagi ay kailangang dumaan muna sa itaas upang sumalok ng tubig na nagiging sanhi ng pang-aabala ng mga nasa itaas na bahagi ng barko. Kaya, sila ay nagmungkahi sa mga nananatili sa itaas na bahagi ng barko na pahintulutan silang gumawa ng butas sa ilalim na bahagi ng barko at sumalok ng tubig roon na walang pangaabala sa mga nasa itaas. Kung ang mga nasa itaas ay hahayaan o pahihintulutan ang mungkahi ng mga nasa ibaba, maaari silang magkaroon ng sakuna na magiging sanhi ng kanilang kapahamakan, nguni't kung ito ay hindi nila pahihintulutan sa kanilang balak, sila ay magiging ligtas sa anumang kapahamakan.
Magkagayonman, ang Islam ay nagtakda ng mga alituntunin sa panghihikayat na gumawa ng kabutihan at pagbabawal ng kasamaan. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga alituntunin:
- Ang sino mang gumagawa ng tungkuling ito ay nararapat na may kaalaman kung ano ang dapat ipagbawal o pinahihintulutan.
-
Ang kanyang paraan ng pagbabawal ng kasamaan ay hindi dapat maging sanhi ng isa pang malaking kasamaan.
Hindi niya dapat gawin kung ano ang kanyang ipinagbabawal at hindi niya dapat pabayaan kung ano ang pinag-aanyaya niya sapagkat ayon sa Qur‘an: O, Kayong mananampalataya! Bakit ninyo sinasabi yaong hindi ninyo ginagawa? Ito ang pinakamumuhi sa paningin ng Allah na inyong sinasabi ang hindi ninyo ginagawa. (Qur‘an 61:2-3)
Siya ay nararapat na maging mahinahon at mabait kung siya ay nanghihikayat o nag-aanyaya ng kabutihan at nagbabawal ng kasamaan. At dapat handa niyang pasanin kung ano man ang ibubunga ng panghihikayat o pagbabawal niya sapagkat ang Allah ( y) ay nagsabi: ...At mag-anyaya ng kabaitan at magbawal ng dimakatarungan at magtiis kung ano ang (maaaring) ibunga nito sa iyo. Katotohanan! Ito ang ilang mahahalagang kautusan ng Allah na itinatagubilin nang walang pasubali. (Qur‘an 31:17)
- Siya ay hindi dapat humantong sa panghihinala sa iba upang kanyang matagpuan ang mga masasamang gawain. Ang Qur‘an ay nagsabi: O kayong mananampalataya, iwasan ang labis na panghihinala… (Qur‘an 49:12)
-
Ang Islam ay nag-uutos ng magandang asal. Ang Sugo ng Allah (
s) ay nagsabi:
Mula sa mga Muslim, ang may taglay na ganap na pananampalataya ay yaong ang may mabuting asal at pinakikitunguhan ang asawa
nang may kabaitan.
Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi kung ano ang gantimpala ng isang tao na may magandang asal o pag-uugali: Sa Araw ng paghuhukom, ang pinakamamahal at pinakamalapit sa akin hinggil sa aking pangkat ay yaong mga tao na may kagandahang asal at pag-uugali, at yaong mula sa inyo na kung magsalita ay may lakip ng pagmamahal. At silang Mutafaihiqoon (mayayabang at palasuway ang pinakamalayo sa akin sa Araw ng Paghuhukom.‖ Ang mga kasamahan ng Sugo ng Allah ay nagtanong: ‗Ano ang ibig sabihin ng ―Mutafaihiqoon‖?‘ Ang Sugo ng Allah ay nagsabi: ―Sila yaong mapagyabang o mapagmalaki. (Tirmidhi) -
Ang Islam ay nag-uutos din ng pagbibigay ng tapat na pagpapayo. Sa diwa at kahulugan nito, ang Sugo ng Allah (
s) ay nagsabi:
Ang (batayan ng) pananampalataya ay katapatan.‖ Kaming mga kasamahan ng Sugo ng Allah ay nagtanong: ‗O Sugo ng Allah! Para
kanino (ang katapatan)?‘ Siya ang Sugo ng Allah ay nagsabi: ―Sa Allah, sa Kanyang
Aklat (Ang Qur‘an), sa Kanyang Sugo at sa mga Muslim, maging sa namumuno at sa
mga mamamayang Muslim.
(Muslim)
Ang katapatan sa Dakilang Allah ay magkakaroon ng kaganapan sa pamamagitan ng paniniwala sa Kanya, pagsamba lamang sa Kanya at wala ng iba pa, at huwag magbigay ng anupamang kaugnay o katambal bukod sa Kanya. Pagpapahayag na Siya ay malayo sa anumang kakulangan hinggil sa Kanyang mga Pangalan at Katangian, na Siya ang tagapanustos ng lahat ng Kanyang nilikha. Ano man ang Kanyang naisin ay mangyayari at matutupad at anuman ang hindi Niya naisin ay hindi magaganap. At ang pagtalima at pagsunod sa lahat ng Kanyang Kautusan at pag-iwas sa lahat ng Kanyang ipinagbabawal.
Ang katapatan sa Kanyang Aklat, ang Qur‘an, ay magkakaroon lamang ng tunay na kahulugan sa pamamagitan ng paniniwala na ito ay Salita ng Allah ( y) na ipinahayag Niya at ito ay Huli sa lahat ng Banal na Kasulatan. Na ang lahat ng batas na matutunghayan sa Qur‘an ay katotohanan. Na ang lahat ng ipinagbabawal ng Qur‘an ay tunay na bawal at isinasaalang-alang ito bilang matuwid na Landas at isang pamamaraan ng buhay para sa Muslim.
Ang Katapatan sa Kanyang Sugo ( s) ay magkakaroon lamang ng katuparan sa pamamagitan ng pagsunod sa kanyang ipinag-uutos, ang maniwala kung ano ang kanyang sinasabi, ang pagtalikod sa mga bagay na kanyang ipinagbabawal, ang pagmamahal at paggalang sa kanya, ang pagtupad sa kanyang mga Sunnah at pagpapalaganap nito sa lahat ng tao.
Ang Katapatan sa mga Namumuo ay magkakaroon lamang ng tunay na diwa at kahulugan sa pamamagitan ng pagsunod sa kanila habang sila ay nag-uutos ng kabutihan, pag-iwas laban sa paghihimagsik sa kanila, pagbibigay ng payo sa paraang maayos at kaaya-aya. At pagbibigay paalala sa mga karapatan ng iba.
Ang katapatan sa mga mamamayang Muslim ay magkakaroon lamang na kaganapan sa pamamagitan ng pamamatnubay sa kanila kung ano ang mabuti para sa kanila sa larangan ng relihiyon at pamumuhay. Ang pagtulong sa kanila sa pamamagitan ngkawanggawa at anumang pangangailangan nila, pangangalaga sa kanila dahil sa mga kapinsalaan, pagmamahal sa kanila kung anong pagmamahal sa sarili at pakikitungo sa kanila ng maayos, kung anong pakikitungo ang nais sa sarili.
Ang Islam ay nag-aanyaya ng pagiging mapagbigay at maalalahanin sapagkat ito ay nagbibigay ng daan sa pagkakaroon ng mga kaibigan at pagmamahalan. Ang Sugo ng Allah ( s) ay nagsabi: Dalawang katangian ang minamahal ng Allah, ang magandang pag-uugali at pagkamatulungin (mapagbigay) at ang dalawang katangian na kinamumuhian ng Allah: ang masamang paguugali at karamutan. Kung nais ng Allah na bigyan ng pagpapala ang Kanyang alipin, ginagamit niya ito upang matupad ang pangangailangan ng mga tao. (Abu Dawood)
Ang batayan tungkol sa pagiging mapagbigay at matulungin ay inihayag ng Qur‘an: At huwag hayaang ang inyong kamay ay magapos (tulad ng isang maramot) sa inyong leeg o di kaya ay mabuksan ito nang ganap (tulad ng isang mapaglustay), upang kayo ay hindi magsisi at magdaraop. (Qur‘an 17:29)Ang Dakilang Allah ay nagbabala laban sa paglustay ng kayamanan at lumagpas sa hangganan ng katamtamang paggugol. Siya ay nagsabi: At ang magbigay sa mga kamag-anakan ng kanilang karapatan at sa mga nangangailangan at naglalakbay. Nguni't huwag maglustay (ng inyong yaman) sa pamamagitan ng luho (at walang katuturang layaw) Katotohanan, ang naglulustay ay mga kapatid ng mga demonyo at ang demonyo ay walang pasalamat sa kanyang Panginoon. (Qur‘an 17:26-27)
Ang Islam ay nag-aanyaya ng Habag at Awa sapagkat ayon sa Sugo ng Allah ( s): Yaong maawain ay karapat-dapat sa awa (at habag) ng Allah. Maging maawain sa lahat ng nasa lupa at ang Allah ay maaawa sa iyo. (Abu Dawood at Tirmidhi)
Ang Islam ay nag-aanyaya rin ng kabaitan at kahinahunan, pagiging maginoo (para sa kalalakihan) o kahinhinan (para sa mga kababaihan). Ang Dakilang Allah ay nagsabi: Kung may kahinahunan, pinagaganda nito ang isang bagay at kung kanino man ito naagaw, tunay na inagaw sa kanya ang ganda (ng katangiang ito). (Muslim)
Nag-uutos din ang Islam ng pananakip sa kakulangan ng kapwa at ang pagtulong na mapawi ang kanilang kapighatian at pagdadalamhati. Sinuman ang tumulong sa kapwa Muslim sa pag-alis ng kahirapan niya dito sa mundo, aalisin ng Allah ang pighati sa kanya sa Araw ng Paghuhukom. Sinuman ang nag-alis ng kahirapan ng iba, aalisin ng Allah ang kahirapan niya sa mundong ito at sa kabilang buhay. Sinuman ang nagkubli ng pagkukulang ng ibang Muslim, ang kanyang mga pagkukulang ay ikukubli ng Allah sa mundong ito at sa kabilang buhay. Patuloy na tinutulungan ng Allah ang Kanyang alipin hanggang ito ay tumutulong sa kanyang kapatid na Muslim. (Muslim)
Ang Islam ay nag-uutos din ng pagtitiis kalakip ng pagsasagawa ng pagsamba at ang pag-iwas sa mga ipinagbabawal. Ang Qur‘an ay nagsabi: Kaya‘t maghintay ng may (lakip ng) pagtitiis sa itinakda sa iyo ng iyong Panginoon. Sapagkat katiyakan ikaw ay lagi ng nasa Aming paningin… ( Qur‘an52:48)
Ito ay maaaring pagtitiis sa anumang pangyayari ng buhay katulad halimbawa ng kahirapan, gutom, sakit at pangamba. Ang Qur‘an ay nagsabi: At katiyakan, Aming kayong susubukan ng bagay ng may pangangamba at gutom, at pagkawala ng yaman at buhay at pananim nguni't magbigay ng magandang balita sa mga matatag (at matiisin). Na nagsasabi, kung ang masamang pangyayari ay dumating sa kanila: Alalahanin! Kami ay sa Allah (lamang) at Alalahanin! Sa Kanya ang aming pagbabalik. Sila yaong ang pagpapala ay ipinagkaloob mula sa kanilang Panginoon at tumanggap ng Kanyang Awa at sila yaong napatnubayan.
(Qur‘an 2:155-157)At sinabi ng Dakilang Allah kung ano ang gantimpalang kanilang tatanggapin ng dahil sa kanilang katatagan at pagtitiis. ―…Katotohanan, silang matiisin (at matiyaga) ay babayaran nang ganap na walang pagbilang.
(Qur‘an 39:10)Nagtuturo rin ang Islam ng pagpipigil ng galit at pagpapatawad (pagpapaumanhin) lalo na kung ang isang tao ay may kakayahang gumanti para sa sarili. Ito ay nagsisilbing daan upang maging matibay ang pagbubuklud-buklod ng tao sa lipunan at tumutulong na maglaho ang lahat ng sanhi ng galit at away. Samakatuwid, pinupuri ng Allah ( y) ang mga taong nag-aangkin ng ganitong paguugali. Ang Dakilang Allah ay nagsabi: At mag-unahan kayo sa paghingi ng kapatawaran mula sa inyong Panginoon at para sa Paraiso na ang lawak ay abot sa mga kalangitan at kalupaan, inilaan para sa mga mabubuti. At silang nagkakawanggawa sa (sa panahon ng) kasaganaan at kahirapan; silang pumipigil sa kanilang pangangalit at mapagpatawad sa sangkatauhan; minamahal ng Allah ang mabuti (Qur‘an 3:133-134)
Tinatawagan din ng Islam ang mga Muslim na harapin ang kasamaan sa pamamagitan ng kabutihan upang linisin ang puso mula sa pangangalit at pagkamuhi. Ang Qur‘an ay nagsabi: …Iwaksi ang (gawaing) masama sa pamamagitan ng paggawa ng higit na mabuti, (i.e.: Ipinag-uutos ng Allah sa mga mananampalataya na maging matiisin sa oras ng pangangalit, at pagpaumanhin ang mga taong gumagawa ng di kanais-nais), kaya alalahanin! siya na sa pagitan niya at ikaw na may galit ay magiging malapit na magkaibigan. (Qur‘an 41:34)